Part 14: Hot blush

598 20 1
                                    

AN: At dahil naging okay naman 1st day ko sa school, iuupdate ko to. :D

Ps- excited na ko ipublish ang part 19. Pramis ang cute nung part na yun! (syempre  ako may gawa).

After I get 210 votes iuupdate ko na agad to. Thats all!! :)

Enjoy!!!!

*

"That's all for tonight.. Have a good night everybody. I hope you enjoyed!" Sabi ni Matthew nang natapos na sila at tsaka bumaba sa stage.

Nagpalakpakan ang mga tao.. May class ang pagpalakpak ng bawat isa.

Bumunot siya ng panyo sa bulsa niya at pinunas yun sa pawis niya.

"Wew" Aniya nang nakalapit na sakin. "Liked it?" Tanong niya sakin nang nakangiti.

I think I'm melting.. That smile with matching malalim na dimples.. Ughh

"Y-Yes. I did." Shet bat ako nauutal? Ang hot niya kasing tignan na pawis tapos nakangiti. (Well I can just punch myself forever for having these thoughts)

"Oh, why stuttering Deb?" Humalakhak siya.

"H-Huh? Di ah!" Okay stop denying Deborah. You just stutterd again.

"Di daw eh nautal ka nanaman. Bakit? Nakakainlove ba boses ko?" He smirked.

Oh okay.. Buti nalang na yung boses yung iniisip nyang dahilan ng pagkautal ko. Akala ko iisipin niyang naggwapuhan ako sa kanya.. Though he's frankly very handsome ..

"Yeah! Your voice gave me goosebumps, you know?" Mas okay nang magyabang sya sa ganda ng boses niya kasi obvious at given naman na yun.. Kahit na mas obvious din na gwapo siya, I wouldn't give him the satisfaction of hearing it straight from my own mouth.

"O baka naman nagwa-gwapuhan ka lang sakin?" And this really came up to him ha? Kapal langss.

"You should sometimes check yourself on the mirror." Pinaypayan ko ang sarili, "Gosh ang init nanaman! The air must be very humid right now. Around someone who has a very annoying manner and so full of himself." I rolled my eyes.

Nagtawanan sila Geof at Migz.

Nagpout si Matt, "You really think mayabang ako? I'm just telling the truth."

Inirapan ko siya, "Truth your face!"

Nakitawa nalang siya sa mga kabanda niya dahil sa pagtataray ko.

Honestly, sa kanilang tatlo, si Migz ang pinaka-pogi. Siya ang perfect definition ng GWAPO. Si Geof, as I've said earlier--Cute lang siya.. And alright, gwapo din.. Pero sa kanilang tatlo, si Matthew ang pinaka-hot, malakas ang dating, magnet ng tingin at ng ilong dahil sobrang bango.. Not that I'm saying na mabaho sila Migz at Geof, pero iba talaga ang amoy ni Matthew--Nakakaakit..

Nakakaseduce.

"Oo na, sige na. Nagugutom ka ba?" Tanong niya.

It's past 12am already pero di naman ako nagugutom. Nagserve naman ng pagkain kanina sakin due to Matt's order na din. Sa kanya nalang daw i-charge ang lahat ng gastos ng makakain ko. Every now and then may free din silang binibigay na parang free taste lang kakonti. Pero dahil nga halos maya't maya sila nagbibigay ng ganito, di ako nalipasan ng gutom.

"Hindi.. Ang dami ko ngang nakain kanina eh! Feeling ko ang taba ko na." I pouted.

He held my chin up, "Anong mataba? Sus! Wag ka ngang ma-concious. Ang ganda ganda mo eh"

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon