AN: ilang araw ko ding di na update to. been busy with school. so enjoy this chap :)
*
Hinatak na niya ko palabas ng El Cora at sumakay sa kotse niya.
Tinititigan niya lang ako habang nasa kotse kami. Nagtaka naman ako siyempre.
"Hey!" I snapped my finger infront of his staring face. "Drive na! Ano pang hinihintay mo? Pasko? Diba gutom ka na?! Tara na!!"
Tinaasan lang niya ko ng kilay sabay nguso sa seatbelt ko.
"Ohh.. yeah" Sabi ko. Pero di ko parin nilalagay ang seatbelt ko.
"Ano? Buckle your seatbelt na!"
"Wag na. Dyan lang naman tayo sa kanto eh. Effort pa kung ilalagay ko to tas tatanggalin nanaman." I shrugged.
He sighed at my reasoning, "Deb, safety first."
I looked at him, "You should be saying that to yourself Matt, not me. Kaya assured ang safety ko kung magiingat ka sa pagddrive."
Nainis siya. Eh sa ayoko magseatbelt eh! I hate seatbelts you know.
Trivia: Nung nagroroadtrip kami ni Luke dati, biglang parang nagloko ng seatbelt niya at ayaw nang matanggal. Halos isang oras din namin pinagtulungang tanggalin yun. Kaya ginupit nalang niya ang seatbelt para 'maka-laya' na ako. So since then, di na ko nagseseatbelt. I just depend my safety and destiny on the driver's hand on wheels. Kahit si Archie, di ako pinagsiseatbelt.
"Just do it." He commanded. Like--wtf?! Why does he have to command me things I hate.. All the time! And I honestly feel like obliged in every command he says.
"Fine!!" Pabalibag kong nilock ang seatbelt then I crossed my arms then frowned staring straight at the road.
"Sorry Deb. If.. If you feel like Im commanding you on things that you obviously dont want to do. I just want you safe." Hinaplos niya ang braso ko.
Yikeees tumatayo balahibo ko!!
"Okay. Magdrive ka na." Sabi ko.
He sighed then drove off.
Pagdating namin sa karinderia, sinalubong agad siya ng isang matandang babae. Maybe nasa late 60's na to.
Malaki din pala tong karinderia. Pag tinignan mo, at kinumpara sa mga usual na karinderia, masasabi mong high class karinderia ito.
"Aling Ge!" Bati ni Matt.
So she must be Aling Gelena na may ari nitong karinderia.
"Matthew, iho!"
Nagmano si Matthew sa kanya. Kaya napamano narin ako sa kanya. "Hello po." I greeted.
Nginitian niya ko.
"Ka-gandang dalaga naman nire Matthew. Nobya mo ba ito?" Tanong ni Aling Ge kay Matthew pero sakin parin nakatingin.
"Maganda po talaga yang si Deborah. At hindi pa po." PA. Asa to the bones ka men.
"O sya sige. Maupo muna kayo." She guided us to a table with two seats. "Anong oorderin niyo?" Tanong niya samin
"Menudo po. Tapos yung calamansi juice." Ani Matthew tapos bumaling sakin, "Masarap ang calamansi juice nila dito!" Ngumiti siya
"Ah, ganun ba.. Adobo nalang po akin tas calamansi juice din." Sabi ko kay Aling Ge.
Ngumiti lang siya at tumango, tapos umalis na.
"O, akala ko ba di ka kakain?" Tanong ni Matt sakin na may nanunuyang ngiti.
GUSTO ATA NITONG MAGLAWAY AKO HABANG KUMAKAIN SIYA EH?
"Ano naman sayo? Alangan namang tumunganga ako dito habang ikaw kumakain." I rolled my eyes heavenwards.
"Para kang may PMS palagi." Tumawa siya. "Ang cute mo pag nagsusungit, pag namimilosopo, at pag umiirap. Kaya okay lang kahit ganyan ka. Basta wag lang palagi. Kasi baka pag napuno ako bugbugin kita.." Ngumisi siya.
"Oh talaga?! Sige nga gawin mo!" Inirapan ko ulit siya tapos humalukipkip. (crossed arm. hehe)
Pinisil niya ang pisngi ko. "Bubugbugin kita ng halik." Tumawa siya "Gawin ko ha? Wala nang bawian!" He chuckled again.
Natuluyan na sa kabaliwan. RIP Matinong Matthew.
"Shut up!" I glared at him.
"Yes. Shut me up with your lips." Tumawa pa siya.
"Corny mo!!" Tapos sinapak ko ang braso niya.
Sakto namang nahuli niya ang kamay ko.
Arruuuuyy ang lakas ng hawak niya sa kamay ko.
"Aray ko!"
Niluwagan niya ang pagkakahawak sa kamay ko pero di parin ko binibitawan.
"Dont worry sweetie.. Mamaya pa kita bubugbugin. May makakakita satin dito.. Super PDA is not allowed with me." He winked.
Ughhhh!!
"I told you not to sweetie me! At--At-- Hindi tinted ang kotse mo! May makakakita parin satin dun!"
Natigilan ako sa mga pinagsasasabi ko. Shet! Kung pwede ko lang sampalin ang sarili ko ngayon.
Ngumisi siya, "What Deborah? Come again? I didnt catch the last part."
I grinned "Wala! Ayan na ang pagkain natin."
Bigla namang dumating si Aling Ge na may dalang tray, andun na ang mga order namin.
Nilapag ni Aling Ge ang tray, "Iha.. Pag nasarapan ka sa aking luto, sasagutin mo na si Matthew ha?"
Nagulat ako sa sinabi ni Aling Ge. Naturuan ng mabuti ito. Hayy.
"Nako.. Hehe" Tumawa ako
"Siguradong oo na yan kung ganun Aling Ge." Tumawa si Matthew at kumindat sakin.
Pinandilatan ko sya tsaka inirapan.
Tumawa si Aling Ge at umalis.
"Landi mo!" Sabi ko sabi ko sa kanya pagkaalis ni Aling Ge.
"Ikaw lang namam ang nilalandi ko." He smiled.
Langya to, baliw na ata.
"Kumain na nga lang tayo! Dami mong satsat."
He stared at me for a few more seconds then smiled while shaking his head. Tapos sumubo siya ng pagkalaki-laking kanin at ulam.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomantiekPano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?