Pagharap ko ay nakita ko si Ricci na may malaking ngisi sa labi. Like she's trying to say na, 'I WIN'
Biglang kumunot ang noo niya then giggled, "Crying won't make him go back to you. He loves me and he doesn't love you anymore. Sa totoo nga niyan, kinamumuhian ka niya. How come na kinaya mo siyang iwan samantalang wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ka, DATI? I feel so sorry for you pero tanggapin mo nalang, kinalimutan ka na niya. At ako na tong mahal niya ngayon."
Sunod na sunod na tumagaktak nanaman ang mga luha ko sa narinig. Like I've been slapped. A hard one.
In just a minute, naramdaman ko ang pagpunta ni Von sa harap ko and he quickly grabbed Ricci's shoulders.
"Wala kang karapatang pagsabihan si Deb ng ganyan dahil--"
Di naituloy ni Von ang sasabihin niya dahil biglang may sumuntok sa kanya.
"You don't have the right to hurt my girlfriend." Sabi ng lalaking sumuntok kay Von.
Yes, it was Matthew.
Lumakas ang kabog ng puso ko sa narinig. Mas masakit pala to. Sa kanya na kasi mismo nanggaling eh. Ang sakit pucha. Para na akong binubugbog ngayon sa sobrang sakit.
"At yang girlfriend mo, wala siyang karapatang saktan ang girlfriend ko!!" Nagulat naman ako sa isinigaw ni Von.
Halos magpantig sa tenga ko ang mga binaggit niya.
Girlfriend niya daw ako?
Pano nalang pag naniwala si Matt?
Lumakas ang paghikbi ko sabay ng paglakas ng kabog ng puso ko.
"Don't act like you're really hurting, Ms. Chavez." Sabi ni Matthew kaya pinigil ko ang paghikbi kahit na di ko talaga kaya at alam kong mas lalo lang lalakas ang hagulgol ko. "kitang kita ko na kayo ang nananakit kay Ricci." Dagdag pa niya, then he held Ricci's hand.
Lalong nadurog ang puso ko sa nakita. Para akong inapakan at nanliit. At hinila na niya si Ricci papalayo.
Niyakap ulit ako ni Von. ganito nalang ba palagi ang eksena? Iiyak ako, masasaktan, yayakapin ako ni Von, patatahanin, pero hanggang kaibigan lang talaga siya sakin..
Ang hirap na. Ayoko ng mag isip pa.
-
"Deb, kumain ka na oh." Pilit sakin ni Von dahil dalawang araw na ako di kumakain. Wala akong gana. Araw araw akong umiiyak. Araw araw kong pinag-sisisihan ang pag-iwan ko sa kanya.
Ang tanga ko.
"Mali ba talaga ang ginawa ko Von?" Out of the blue I asked.
He caressed my back. "Tama na Deb. Past is past. Stop dwelling back to that moment kasi hindi mo talaga yun makakalimutan pag inisip mo nang inisip yun. Diba sabi ko tutulungan kita? Just let me."
Bigla ko siyang niyakap. Ang sarap sa pakiramdam na may karamay ako sa mga panahong ganito.
--
"Anak, isang shot pa." Feel na feel ngayon ni mommy ang pagpose dahil gagawin daw niyang profile picture sa fb niya. Ay oo may fb si madur.
"Mom tama na." Tamad kong saad.
"Tita feeling ko bagay sa inyo pag ganitong pose--" Suhestiyon ni Von sabay posing na nakalagay ang kanang kamay sa likod ng ulo at naka-kagat labi.
Tinignan ko siya ng masama at agad naman siyang nag peace sign.
Unti unti na kong nakakalimot. Von kept me busy with different activities. Pag nagiging bakante kasi ang oras ko, lagi ko nalang binabanggit si Matthew.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?