Player 1 || Water Girl!?

37 6 4
                                    

"Chrisca, the game is starting!" eksayted na pag sigaw ni Lovi- bestfriend/partner in kagagahan.

Right now, nagbadya kaming manood ng basketball since lahat required manood kasi naniniwala ang coach na the more fans, the more chances of winning. So ginawa pa kaming option ni coach? Ginawa na nga akong option ni crush enekebe.

Well, hindi ako sumama dahil sa utos lang. Syempre, may crush ako sa isa sa mga basketball players at yan si Vion Exiel Dan Azuelo- the ultimate crush ng bayan este ako lang. He's not hot in everyone's eyes but mine. I mean- wth is wrong with these people? Ang gwapo kaya ni Vionny ko!

"Lovi, sino ulit kalaban nila?" I wondered. May naaaninag kasi akong players from another school from afar. Hindi ako pamilyar kung saang school sila galing.
"Uhm? Wait ha? I'll just ask our classmates." Sabi niya sabay alis sa kinauupuan niya.

Medyo napa-abante ako sa kinauupuan ko. Seeing the players go to their assigned places. At nakita ko na rin ang mga players from the other school.

The initials of the school are CKAF. Iniisip ko yung possible meaning ng acronym na CKAF.

Catholic

King

Area

of

Fun

I was shookt sa naisip ko like 'ano daw?', hindi ko alam pinag-iisip ko. Oh well, hihintayin ko na lang si Lovi. Baka siya ang pumuna sa tanong ko.

After minutes, dumating na rin ang pinaka as in sobrang ganda kong bestie. Ops wag lalaki brain. Luvv ü!

Umupo siya sa tabi ko at sabay inagaw ng kanyang atensyon ang pagsisimula ng laro.
"Chiang Kai Academy Foundation daw beshywaps!" Nakangiti niyang sabi. Magsasalita na sana ako nang bigla ulit siyang humirit.
"Marami daw papi dyan! Shet baka dyan ko na makita forever ko." I sighed hearing what she said. Stay strong pa rin si Lovi kahit na fresh siya from break up.

Chael Visca- the man who loves breaking hearts. Buti nalang hindi niya ako nabiktima. Katropa yan ni Vion, pero I'm sure na ibang iba si Vion sa kanya.

Anyways,

nagstart na yung laro. First quarter lamang ang school namin ng 9 points.

Ayan na,

after a medyo long break eh nagsimula na yung second quarter. Si babe Vion ang may hawak ng bola.

Kinorner siya ng isang matangkad na lalaki mula sa CKAF, naagaw niya atensyon ko dahil sobrang lapit niya kay Vion. Nababakla na ata si kuya sa kapogian ng mylabs ko!

Pinasa ni Vion yung bola sa kasamahan niya. Then, lumipat siya ng pwesto kung saan masasakto niya yung bola sa ring. Nagsignal siya sa teammate niya para sabihing free siya-meaning to say walang nagbabantay sa kanya masyado. Ipinasa sa kanya yung bola.

Pagkapasa sa kanya nakuha ng taga CKAF ang bola, heto nanaman si kuyang matangkad na may gusto sa babe ko.

Siya yung umagaw ng bola.

Since medyo pagod ang babe ko, may pumalit muna sa kanya.

Over all the second quarter, CKAF naman ang nakalamang but this time 12 points ang lamang nila.

Ewan ko ba, pero parang naging malakas ang CKAF noong si kuyang may gusto kay babe ang naglaro. Siguro, dahil matangkad siya?

Third Quarter,

naglaro pa rin si kuyang may gus- puta ang haba ng nickname ko sa kanya. Tangkad nalang, since matangkad siya but why do I care so much? Siguro dahil baka siya ang maging hadlang sa championship game ng school namin? Yeah.

Todo cheer ako. Hiyaw dun at hiyaw dito. Hinampas hampas ko yung boteng hawak ko na may kasamang bato. Pinagtitinginan ako ng mga schoolmates ko pero at this time, wala po akong pake.

Sa third quarter naparami ang pag ta-time out ng coaches of the both teams. Sus, kunyari nag-iisip ng strategy pero nagpapayabangan lang.

Ayan naglalaro na sila ulit.

Napatingin ulit ako kay tangkad nang lapitan niya babe ko. Maya't maya, nakita ko nalang na nakahiga si baby Vion. What happened? Agad agad akong bumaba ng audience area pero hindi ako pinayagang lumagpas at pumunta sa mismong court. Kitang kita ko si Vion na nasasaktan habang hawak ang tuhod niya.

Ewan ko ba kung bakit napapaluha ako.

"Hoy mister no. 4 ng CKAF!" Hindi ko na kayang makitang nasasaktan babe ko. I'm being so dramatic.

Lumingon si tangkad pero inisnob lang ako.

Buong quarter hindi nakalaro si babe.

Napansin ko ring hindi na sumabak pa si tangkad. Nanahimik ako buong game kasi nawalan ako ng gana. Nasaktan siya eh.

"Huy babae cheer naman dyan! Lamang na school natin sa kanila oh at mukhang mahihirapan silang abutan 'to." Sabay siko sa akin ni Lovi. Alam kong ginigising niya yung diwa ko kasi may bumabagabag sa akin. Wala talaga ako sa mood kaya ang tanging nagawa ko lang ay titigan siya sabay balik tingin ulit sa paa ko.

Narinig ko ang buzz na ibig sabihin ay time out. Napatunganga ako sa court at sa mga players na lubusang naghahanda. Ano na kayang nangyari kay bebe ko? Ni hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Wala man lang akong nagawa. I feel so useless right now.

"Huy Chrisca!" muling nagising ang diwa ko at napatingin kay Lovi na kanina pa pala akong niyuyugyog at kinakausap.
"Tinatawag ka ni coach sa baba huy. Chance mo na to!" Agad akong bumaba sa bleachers at muli naman akong tinawag ni coach.
"Ano po yun?" Ano kaya ipapagawa sa akin? Ako kaya papasok for the final quarter? No way! Hindi ako prepared at saka yung jersey ko nasa bahay. Shet talaga oh pag minalas ka nga naman.
"Are you listening? Miss?" Pansin ko lang. Lagi nalang akong tulog na gising ngayon. Mukhang kailangan kong matulog ng maaga mamaya.

---

Wala namang espesyal sa sinabi ni coach kanina.

Ang cute ko daw kasi, charot.

Teka, mukhang mag dadalawang oras na ata ako sa pagbubuhat ng tubig. Alam mo yun? Ginawa nila akong watergirl. So expect the unexpected, kita mo, akala ko papasok ako sa game yun pala pagbubuhatin lang ako ng walang hiyang tubig na 'to. Isa lang naman ang motibasyon ko sa pagbubuhat. Si bibi Vion ko! At dahil dun naalala ko nanaman yung nangyari kay Vion.

Ilang taon ko na siyang naging crush, ni-hindi ko siya kayang saktan.

"Nakakainis naman kasi eh. Walang hiyang lalaking yun sinaktan niya si Vion!" Sa galit ko matapang kong tinadyak ang aking paa ng padabog.

"Ayyy--" Di ko agad napansin na namali ako ng pag-yapak.

Napapikit ako.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon