Part 14 || Her

17 2 6
                                    

Vion is literally getting into my mind right now.

Habang bumabyahe kami patungong RI ay wala akong nagawa kundi ang dumungaw sa bintana at kasama na ang pagalalay sa aking baba.

Walang minuto ngayon na hindi tumatatak sa isip ko si Vion. Pinapalito niya ako sa mga kilos niya. Hindi ko na talaga kaya.

Siguro pagkatapos neto aamin na ako. Siguro... Sana... Magawa ko.

"Chrisca?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Denver pala, yung SSG President ng school namin.

"Po?" Nag-po pa rin ako kahit same age kami. Syempre respect nalang sa titulo niya bilang presidente. At saka, mamshie ko yan eh!

"No po babygirl please, pakiramdam ko matanda na ako eh, kalerkey ka ah." Napatawa naman kaming pareho. At nagsimula na siyang magsalita.

"Pwede bang tulungan mo ako?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung anong tulong ang hinihingi niya. Baka manghingi siya ng kodigo ah?

Oh wait, a short introduction para kay Denver. He's a friend of mine since freshmen years. Siya ang nagsta-stand out as mamshie ko sa school and yes tama po kayo ng basa. Beki po si Denver, Divine nga siya sa gabi eh pero as of now, parang ngayon ngayon lang kami nag usap. Nagsimula kasi ang pagka-busy namin noong grade 11. ABM siya at HUMSS naman ako. Isa rin siya sa makikipag compete ngayon.

"Saan po?"

"This upcoming November kasi may balak kaming mga SSG Officers. Isang pasabog ganern! Halloween party siya, mag different activities like, spoken poetry, zombie night out and churva eklabu." May naintindihan talaga ako mamshie.

"Sige po! Gusto ko yan, paano po ba ako makakatulong?" Napangiti naman siya ng kay lawak nang sinabi ko iyon.

"Since president ka ng HUMSS Section. Ikaw mamahala ng booths na gagawin ninyo. At kaming mga SSG Officers multi-task. Kumbaga may booth din sa ABM Section ko at meron din sa SSG pero ang pinagkaiba yung sa SSG ay parang pang entertainment ang theme pero the rest of the sections are free to make the booth of their choice." Na excite naman ako sa sinabi ni mamshie kaya agad kong tinanong kung ano ang process ng booths na yun.

"Submit ka lang sa akin ng form at ng names ng booths niyo." He said and winked at me. Haha! Alam na, pabonggahan ng booths ito.

Pero bigla akong natauhan sa kasiyahang nararamdaman ko nang tumigil ang bus.

Shet! Nandito na kami!

Lord, help me.

Pagdating namin dun ay nagsisimula na pala. Lecheng traffic kasi eh.

I quickly entered the room that was assigned to me. At mabilis kong ginrab ang papel at lapis na nakahanda.

Oh my gahd. Please help me!

----

Nakaraos din.

Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako at hinanap ang canteen. Wala namang pinag kaiba sa school namin. Di hamak nga lang na mas maraming tables dito.

Dahil sa sobrang pag oobserve ay may nabunggo ako.

"Sorry!" Babae siya. Ang kinis at ang puti niya kumpara naman sa akin. Parang nainsecure ako bigla.

"Uy ayos ka lang?" Napansin ko naman ang babaeng nakasalo sa aking likod at tumayo ako agad at nagpasalamat sa kanya. Pati rin si ate girl na nakauniform ang ganda huhu.

Jusko! Daming kasing magaganda sa mundo eh.

Sa pagkasorry ko kay first ate girl ay tanging taray lang naabutan ko. Oh well! Buti pa si second ate girl huhu.

Pagkatapos ko bumili ng pagkain ay dumeretso ako sa mini theatre area nila. Pagkapunta ko doon ay naabutan kong nag aannounce na pala ng mga nanalo.

"Nakshie, tapos na yung STEM wala pa rin tayong awards." Nalungkot naman ako sa bungad sa akin ni Mamshie Denver. Totoo naman kasing mahirap talagang makapasok sa ganitong klase ng competition, lalo na't 20 schools ang kalaban with 25 participants bawat section. Oh diba? Pahirapan.

Umupo nalang ako at di na nakaimik sa sinabi ni mamshie. Hindi yan, kaya pa yan.

"Let's move on to the ABM awardees. May we call on Elaisa Tabigay to give the bronze medal to the awardees that we are about to call." Umakyat naman yung sinabi ng emcee na Tabigay daw.

Infairness ah. Maganda siya! Type ko siya, joke lang. Kay Vion lang ako.

"The bronze medalists are Mariko Maru, Denver Historillo, Dreya Nadez, Ching Afonso and Neoire Co. Please come up on stage." Halatang gulat naman si mamshie Denver na parang naiiyak na sa tuwa. Biruin mo ha, kanina walang awards pero ngayon meron na.

Pag kaakyat ng mga contestants ay nagsuot sila ng kani-kanilang medal with their coaches, nagpicture at nagbow.

Napatingin naman ako sa emcee na parang namomroblema. Hala, nu ginagawa mu?

"Sorry, but we will continue the ABM awardees after the HUMSS awardees. " Aba pota naman.

"Medyo nahihirapan po kasi ang ating mga faculty staffs na magcompute right now so ang uunahin muna natin sa HUMSS ay, bronze." So kami mag aadjust? Kami nalang palagi, kaso joke lang wala palang kami ni Vion hehe. Landi ko.

"May we call on, Ivan Nizare to give the bronze medals to the awardees." Bigla naman akong kinabahan. Ano ba yan! Huhu. Guys pray for me.

"And the bronze medalists are, Rozel Fitmaga, Burneo Vosme, and Daivon Castro." Ay ang konti naman pala? Hindi pa rin ako natatawag, ayoko na nga. I quit.

So ayun same stuffs, kinuha nila yung medal with their coach, nyelpie then bow. At wala pa ring pinagbago kinakabahan pa rin ako. Kasi mga ate, DI PA AKO TINATAWAG. T---T

"For the silver medalists may we call on, Wana Lope." Umakyat naman si Wana Lope. Pansin ko lang ah? Puro chixx at papi ata yung tinatawag ng emcee nahihiya na ako.

Pumikit ako at nagdasal. Sobrang diin ng pagkapikit ko parang papasok na yung eyeballs ko sa ribcage ko eh?

"The silver medalists are Tyrone Bilamon and Venica Evaristo!" Dumilat ako ng nakasimangot. Nang umakyat naman yung Venica kuno ay nalinawan ang mata ko.

Siya yung nakabangga ko kanina.

Si ate girl na mataray huhu. Pero bakit mukha siyang mabait diyan?

"Oh wait, sorry, It's not Venica Evaristo pala, It's Chriscallynne Giborja!" Natulala ako.

Yung mundo ko ang ingay ingay pero sa kaloob-looban ko ang tahimik.

I want to say thanks to the Lord above. Salamat po.

Dahan dahan akong umayat sa stage na para bang hindi makapaniwala. Naaninag ko si Venica na nag dadabog backstage.

Mali mali kasi yung emcee eh. Parang miss universe ang peg? Binawi kay Venica yung medal at ibinigay sa akin. Halata naman na masama ang loob sa akin ng Venica na 'to.

Pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Okay-- next--" Tinuloy ng emcee ang pag aannounce nang makababa ako ng stage at bumalik sa pwesto ko lahat ng mga ka-schoolmate ko todo appear sa akin.

Ang saya saya ko ngayon.

Sana ganito nalang palagi. Sana...

But somehow, a part of me wants to apologize to Venica.

"Let's party!" Sabi nila. Kaya nakijoin nalang ako.

Thanks G for this wonderful day!

A/N:

GUUUYS MAY SURPRISE AKO SA INYO LOL THIS WEEK SO ABANGAN (kung may nag aabang)

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon