Player 33 || Flashback

4 1 0
                                    

"Chrisca, ang tagal naman nila." Sabi ni Lovi habang hinahawi ang kanyang buhok.

Napatingin ako sa sahig at sa theatre room ng school. Ang tahimik. Wala pa kasi sila. Sabado ngayon kaya naatasan kaming magpractice ngayon para sa Founding Anniversary 'daw' ng school. At sa panuluyan rin. Mas magfofocus kami dun.

Ilang oras na ata ang lumipas. Nababagot na ako at ang kasama kong nakaleggings at fitted shirt si Lovi. Twin-ing kami ngayon eh. Sa tagal ko nang kaibigan si Lovi nagiging parehas na rin ang taste namin sa damit.

"Kausapin ko kaya si Ma'am Dimalupa, feel ko kaso walang praktis. Ineechos lang ata tayo ni Ma'am eh." Reklamong muli ni Lovi.

Nakita kong pa-model na papunta si mamshie Divine papalapit sa amin. Naka-sunflower t shirt siya with jeggings.

"Hi babies, where na sila?" Napatingin siya sa relo niya. At kumunot ang noo. "Ay, late na ako oh." Sabay pakita niya ng relo niyang g shock.

"Yun na nga Div, kaloka anong oras ba nila balak pumunta? Sa gc naman puro seen. Balak ata nilang gawing mema lahat sa Founding Anniversary eh." Suminghap si Lovi. Naiinis na siya. Ayaw niya kasi yung taong late dumating. Gusto niya on time.

Naagaw naman ng tingin namin si Ma'am Dimalupa.

"Oh, ang aga niyo naman ata." Nagulat kami. Maaga pa ba ang magtatanghali na, Ma'am ha.

"What do you mean ma'am?" Tanong ni Mamshie.

"Minove ko ang practice pero nabigay ko na yung script sa lead roles para sila na rin mamuno mamaya. Kung gusto niyong ma update eh punta nalang kayo sa kanila o di kaya kontakin--" Sabi ni Ma'am Dimalupa at marahang inadjust ang salaming muntik nang mahulog.

"Sino po ba yung lead roles?" Tanong ni Lovi. Ang alam ko sa panuluyan, si Mary at Joseph ang lead roles. Tapos yung magsisilbing Jesus eh isang baby doll. Na-curious ako bigla sa mga binigyan ng lead roles.

"Sina Brianna at si Vion, oo tama sila nga." Iniisip pa maigi ni Ma'am Dimalupa dahil baka sa isang bitaw ng salita ay magkamali siya. Napaurong ako at tumingin kay Lovi.

Alam ko na ibig sabihin ng mukhang yan.

-

"Alam mo ba dahil everyday galaers si ako, lagi kong nakikita sina Brianna at Vion sa kalye bes. Magkaholding hands, nagtatawanan. Tapos isang day nakasabay ko si--" Siniko naman ni Lovi si mamshie. Nakita ko sa peripheral view ko pero di ko sila pinansin.

"Moving on stage si beshywap. Manahimik ka nga Div." Bulong ni Lovi. Nagpakunyari akong hindi ko ito narinig. Nakatitig lang ako sa phone ko na para bang may inaasikaso pero wala naman. Ganito lang talaga ako para hindi ako kausapin.

"Ay sorry naksh-"

"Manahimik ka na nga lang."

Natawa ako bigla kung kaya't napalingon ako sa kaliwa kung saan hindi nila makikitang napangiti ako.

Pero napawi ang ngiti ko nang makita kung sino ang naglalakad sa gawing kaliwa ko.

Sila nanaman.

Vion at Brianna.

Nakita kong umalis si Brianna at sumakay ng kotse. She waved bye kay Vion at ganun rin ang ginawa ni Vion.

Napansin kong tumigil na pala ako sa paglalakad. At tumigil rin pala si mamsh at beshywaps.

"There si Vion oh." Sabi ni mamshie at nauna ng tumawid sa amin ni Lovi.

"Kalma ka lang beshy ha?" Bulong ni Lovi na katabi ko ngayon habang tumatawid. Nilingon ko siya at pilit na ngumiti at tumango.

-

TOPHER

Kakababa ko lang sa hagdan. Ramdam ko ang peaceful ambiance ng bahay. Ang boring masyado. Hindi maingay. I decided to open the speaker at magpatugtog ng kahit anong random song.

< Pansamantala- Callalily >

Siya na ang mayaman
Siya na ang may auto, siya na
Siya na ang meron ng lahat
Ng bagay na wala ako
'Di mo man sabihin
Aking napapansin

I can easily afford those naman pero there's something that can't be bought... it's you Chrisca.

Kapag nalagay ka sa alanganin
Heto na naman tayo

Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan

Bakit ba sa akin na lang
Palagi ang takbo
Sa tuwing kayo ay may away
Ako ang lagi mong karamay
'Di naman tayo, hindi
'Di ba't hindi

You seldomly fight but why am I always here whenever you're hurt? Kahit nung simula pa lang. Ako na yung nandito pero bakit pakiramdam ko mas nauna pa siya sa akin. Talaga b

Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan

Kaibigan lang bang maituturing
Ang hirap naman yata mangapa sa dilim
Sino nga ba talaga sa amin ang iyong

Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan

Friends? I love you more than that. But why is your heart choosing the person who isn't even sincere enough to fight for his love.

Pansamantala, pansamantala
Pansamantala
Tanggap ko na

Last na tanong...

Bakit ito pa? Talaga naman oh.

Dahil nakaupo na ako ng maayos sa sofa at nakahanda na rin ang PS4 ko napailing nalang ako at hinintay na matapos ang kanta.

Habang naglalaro ng NBA sa PS4 nilalasap ng tenga ko ang bawat lirikong binibitawan ng kanta.

Is it just a coincidence na tumugtog yan?

O sinasampal lang talaga ako ng katotohanan.

Naalala ko yung araw na sinurprise ko siya. After party ng Academic Olympiad.

"Salamat, kapre!" Gigil na gigil niyang sabi at pinisil pa ang pisngi ko.

"Wow, kapre ba 'tong pogi na 'to?" Pampadagdag confidence lang yun. Sabi nga sa kanta 'sit down, be humble'.

"Pero di nga, salamat." Ngumiti lang ako at ganun rin ang ginawa niya.

Napangiti ako habang inaalala iyon.

I want her to be happy, kahit hindi ako yung rason. I want her to feel secured, kahit hindi ko siya maipaglaban. I want her kahit na may gusto siyang iba.

Ngayon naman siguro hindi na ako magiging pansamantala no?

Napaurong ako nang biglang bumukas ang pinto.
Dad's here. Tumayo ako at tinigil ang kanta, ayaw niya kasi ng maingay. Nagpatuloy ako sa paglalaro.

"Anak." Tumingin si dad sa akin.

Namumula ang mata at pisngi niya. Uminom nanaman ba si dad.

Yes tama, 'nanaman'.

Ilang araw na kasi siyang umiinom, hindi ko naman maitanong ang dahilan kasi mukhang hindi pa niya kayang ilabas eh.

"I'm sorry Vion. I'm sorry Top. I'm the hindrance in this love story. I'm so stupid so stu--" At bumagsak siya. Anong ibig sabihin ni dad?

Paano niya nakilala si Vion?

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon