Player 17 || Papers

8 2 0
                                    

"I-I love you! It may seem so fast for me to make a move now but I don't want us to be apart from each other. Can I court you?" Nagulat ako. Please tell me na nag iimagine lang ako. I mean, fantasy lang to. I mean, hindi to makatotohanan. Siya? May gusto-- este mahal ako?

Ang bilis naman.

"Believe me or not Chrisca. I fell inlove with you since day one. S-siguro nga na-t-torpe ako." At yumuko din siya.

"Uhm, Vion, can I think about that?" Sabi ko pero sa loob loob ko sumabog na lahat ng internal organs ko.

"You don't have to. Because I am willing to take the risk. If or if you wouldn't choose to be mine. Ganyan naman pag nanliligaw diba? Tatanggapin mo yung sagot basta napatunayan mo na mahal mo ang isang tao." His words. Nakakatunaw ng puso. Feeling ko umiiyak na ako.

So ayun nga no? Ayaw magpapigil ng luha ko kaya agad itong tumulo.

Ilang minuto rin ang lumipas at pinili naming lumabas na ng mall sa kadahilanang pasara na ito.

Kumain rin naman kami saglit at hahatid niya na rin ako pauwi.

"Vion, b-bakit?" Sabi ko nang tumigil ito sa tapat ng bahay.

"Uuwi ka na siyempre. Bakit?" Tanong niya muli pero nagkakamali siya ng pagkakaintindi.

"Hindi, ibig ko sabihin, bakit ako?"

"Bakit hindi?" Namuo ang katahimikan nang sabihin niya yun.

Hindi ko na alam sasabihin ko. Kaya binuksan ko na yung kotse. Magpapaalam pa lang sana ako nang bigla niya akong kausapin.

"I know I can't explain how I love you Chrisca, but at least give me a chance to explain it through actions. I am a man with few words diba?" And he chuckled. Ang kyut niya tumawa. Kaya sa sinabi niya ay napangiti ako.

Nagpaalam na rin ako sa kanya.

At tuluyan na akong lumabas ng kotse.

Akmang aakyat na sana ako ng bahay nang biglang may lalaking nakaharang sa tapat ng bahay namin.

"Uy Topher, bakit nandito ka pa?" Tanong ko naman sa kanya a mukhang kanina pa sa labas.

"Bakit hindi ka pa umuuwi? San ka pumunta? Bakit hindi ka nagpapaalam? Nag-alala sina tita sayo." Nagulat ako dahil nagtanong rin siya kapalit ng tanong ko.

Bakit ba alalang alala 'tong kapre na to?

"Umuwi ka na, Topher." Sabi ko at akmang bubuksan niya yung gate nang hawakan niya yung kamay ko para pigilan ito.

"Bago ako umuwi, sagutin mo muna lahat ng tanong ko." Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Hindi pa ako umuuwi kasi kasama ko si Vion. Pumunta kami sa mall. Nagmamadali na ako. At magpapaliwanag nalang ako kay mama." Yun ang paliwanag ko sa kanya. He let me go kaya umakyat na ako sa bahay. Medyo naiirita ako sa kanya kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Narinig ko ang pag sigh niya nang papaakyat pa lang ako. Sana umuwi na siya. Gusto kong sabihing keep safe eh kaso nakakairita yung sunod sunod na tanong niya. Bahala ka jan!

----

TOPHER

Akala ko lilingunin niya ako. Akala ko magpapaalam siya sa akin. Bakit ang cold niya sa akin ngayon? Di kaya, sila na ni Vion kaya umiiwas na siya sa akin?

Pansin ko yatang kumikilos na si Vion.

Nakakapanghinayang. Pero di bale masaya naman silang dalawa, masaya na rin ako. Nag sigh ako habang papaakyat siya. Siguro bye na muna Chrisca. Hahayaan ko muna kayo ni Vion.

Buti nalang hindi tayo parehas ng school.

Hindi masakit sa mata ang makita kayong magkasama.

Sorry, I got over protective with my words.

Pag uwi ko sa bahay saktong paglapag ko ng mga gamit ko ay may babae akong naabutan.

"Tito, I want to bring back the fixed marriage. I realized na mahal ko pala siya at hindi ko na siya dapat pinakawalan pa." I saw dad with a girl. Mukhang kapareha ko lang siya ng age. Business nanaman ata yung usapang 'to.

Napunta ako sa dining room kung nasan sila ngayon at nagmano kay dad. Umupo naman ako at nakinig sa kanilang usapan.

"Dad, sinong ikakasal ulit?" Napatingin naman sila sa akin pareho.

"A-ah e-eh yung a-ano son." Biglang nagring yung phone.

"Ay sasagutin ko muna yung phone." Dali dali na sabi ni dad.

"Aalis na rin ako, sir." Sabi naman
babae na mukhang galing sa trabaho dahil naka uniform pa siya.

Ako na lang ang naiwan dito dahil umalis na rin yung babae saktong pag sagot ni dad sa phone.
Kakainin ko palang yung slice ng cake na inihanda ko nang mapansin ko yung mga papeles na naka scatter sa table. Agad ko itong inipon ipon.

Ang dami naman nito. Ano kayang pinag usapan nila ni dad?

May  nahulog na papel kaya agad ko itong pinulot. Binasa basa ko pa ito.

Kontrata pala... ng fixed marriage.

Teka, dati pa ito ah?

Date confirmed; July 24, 2014

At bigla akong nagulat nang makita ko ang pangalan ni Rene.

Hindi ba't patay na si Rene? Matagal na siyang patay diba? Pero bakit, ano itong nakikita ko ngayon?

Papeles na nagsasabing nakafixed marriage si Rene kay--

"S-son--" Nagugulat na bungad sa akin ni dad. Agad siyang lumapit sa akin at pinagkukuha ang mga papeles na napulot ko kani kanina lamang.

"Buhay pa si kuya?" Hindi makasagot si dad. Nanatili ang katahimikan sa paligid namin nang mga ilang minuto ay nag decide na siyang magsalita.

"Anak, that girl is crazy. Hindi ko rin nga alam kung bakit gusto niya maikasal sa kuya mo. Eh hindi b-ba't patay na siya." Medyo nag aalanganin pa si dad sa sinagot niya dahil nautal siya bigla. Hindi ko rin alam kung maniniwala ako.

"If you don't believe me then fine, gusto lang ng babaeng yun na mai-angat ang business nila sa paggamit sa atin." Pero sabi ng babae kanina. Mahal niya daw si kuya at dapat hindi na niya pinakawalan pa.

"But though I can see it in her eyes na mahal niya yung kuya mo kahit wala na siya that's why I am fixing a renewed contract for the fixed marriage. Nakansela ito nang mamatay ang kuya mo pero siguro ganyan ang pagmamahal." He said. At dahil medyo hindi kapani paniwala sa akin ang mga nangyayari ngayon ay umakyat na lang ako papunta sa aking kwarto para makapagpahinga ng isip.

-TBC-

A/N
uyy guys! diba namention ko last chappy na twins sila? ni rene at top, i forgot to mention na mas matanda si rene ng one minute kay topher. understood niyo na ngayon kung bakit 'kuya' siya. ayun lang byeers!

ENJOY!

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon