Part 20 || Papa

10 1 0
                                    

VION

Bago ako pumunta sa kanila, nagdrive muna ako papunta sa isang flower shop.

"Good morning sir!" Bati sa akin ng ale. Wala kaming pasok ngayon kasi nga sembreak.

Naging hassle rin itong nakaraang mga araw. Busy kami sa paghahanda ng booth at ang mga SSG Officers naman sa iba pa. Natutuwa nga ako kasi palagi kaming nagkikita ni Chrisca sa pag aasikaso. Parang dahil dun nagiging close pa kami. Hinahatid ko siga pauwi.

Hindi na rin suma sama si Lovi kasi alam naming may iba rin siyang pinagkakaabalahan sa tuwing pauwi siya.

Balak ko sanang sunduin si Chrisca ngayon para yayaing makipag lunch date sa akin. Ngayon pa lang sa flower shop kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari mamaya.

Ewan ko ba, pag tinamaan ka ng pana ni kupido, tatamaan ka talaga. Hindi na rin ako nagtaka dahil una pa lang ay gusto ko na si Chrisca. Pero tulad ng ibang lalaki dyan, torpe ako.

Salamat kay Topher, na binigyan ako ng lakas ng loob. These past few weeks hindi na kami masyadong nagkikita. Isang araw nakita ko siya, at alam kong nakita niya rin ako pero bigla siyang umiwas ng direksyon at tuluyang nawala sa paningin ko. Iniiwasan niya ba ako?

"Ay sir maganda yang bulaklak na yan!" Sabi niya sa kanina ko pang tinitingnan na Roses. Pink ito na may kasamang red. Bukod dito ay meron pang mas naka akit ng mga mata ko.

Yun ay ang sunflower na may kasamang red rose. Perfect combination! Sigurado akong matutuwa si Chrisca dito.

"Sir maganda rin po iyan, alam niyo po ba na best seller namin yan? Marami po kasing nagsasabi na pag parehong pinagsama ang bulaklak na yan mas lalong titibay ang relasyon niyo sa inyong minamahal." Napatingin naman ako sa ale na nagtataas baba pa ng kilay para sabihin sa aking isipan na bilhin ko na yung bouquet. Hindi naman siya nabigo at napabili na rin ako ng wala sa oras. Nang uuto man siya sa kanyang mga salita o hindi, bagay pa rin ito sa personalidad ni Chrisca.

Dahan dahan kong binuhat ang bouquet papasok ng aking kotse. May kalakihan kasi ito kaya medyo nahirapan ako sa pagpasok nito sa kotse.

----

Pagdating na pagdating ko sa tapat ng bahay ni Chrisca, mukhang maingay.

Kasi sari saring tugtugan ang maririnig mo.

Bago ako tuluyang lumabas ng kotse ay inayos ko ang sarili ko.

Pag akyat ko sa kanilang hagdan napatingin ako sa paligid. Parang nasa Spanish Era ako ngayon ah? Ang simple ng bahay pero mahahalata mo na gawa ito sa mamahaling mga materyal. Nagulat ako nang makitang nasa labas si Titol at nagbabasa ng pahayagan.

Napansin niya rin ako at nagmano naman ako sa kanya.

"Oh hijo nandyan ka pala. Pasensya ka na at naabutan mo ako dito sa labas. Kasi naman, yung mag ina ko ay yanong ingay sa loob. Saglit lang at patitigilin ko yung tug---" Bago pa man matapos si Tito ay napigilan ko na siya.

"Wag na po tito, ako na po bahala sa kanila." Walang pag aalinlangang tumango si tito sa sinabi ko. Nga pala, si tito ay ang tatay ni Chrisca. Hindi na rin bago sa kanya ang pagdalaw ko dito kasi kilala siya ni mom at madalas kaming dumalaw dito dati.

Sa pagpasok narinig ko agad ang kanta ni Taylor Swift.

You Belong With Me~

Nakikanta ang isip ko habang nanakaw naman ng atensyon ko ang isang picture frame. Buong pamilya ni Chrisca. Ang saya siguro ng buong pamilya no?

Sayang kasi wala na akong ama.

Hindi naman patay si dad pero siya na mismo ang nawala sa tabi namin. Hindi ko alam kung ayaw niya ba sa amin ni ate o hindi.

Hindi na rin ako nagsayang ng oras para hanapin siya kasi sobrang galit ako sa kanya. Yung galit na halos kamuhian ko na siya bilang ama kasi siya mismo pinaramdam sa amin na hindi kami mahalaga at wala kaming silbi sa buhay niya.

Tinikom ko yung kamao ko at pinigilan ang pag agos ng luha sa aking mata.

Mas lumakas yung tugtog kaya napalingon ako.

"Could you see that I'm the one who understands you been here all along so why c-can't you s-see y-you b-belong with me." Hinintay niya pang matapos ang kanyang kinanta nang matulala nang makita niya ako. Halatang kanina lamang siya nagising dahil sa sabog na buhok niya at sa sando at shorts na nakatupi pa. At... yung puti sa gilid ng labi niya. Laway ba yun?

Napabalikwas siya ng takbo papasok ng kwarto at isinara iyon.

Natawa naman ako kasi mukhang nahiya siya sa akin nang makita ko siyang ganyan ang hitsura. Pero kahit ganun siya kanina, nangibabaw pa rin ang kagandahan sa loob niya.

Umupo muna ako.

Napapasok naman si Tito.

"Ano ang nagkalampag na iyon?" Napatawa pa ako at sinabing, "Tumakbo po paloob ng kwarto si Chrisca." Nag-sigh naman si tito at napatawa na rin. Siguro na-imagine niya yung sinabi ko. Napaupo naman siya sa isang sofa sa tabi ko. At agad niya akong kinausap.

"Alam ko na." Sa mga tingin niyang iyon parang alam ko ang ibig sabihin.
"A-alin po?" Nakakabahan kong tanong kaya bigla akong napalunok.

Bigla naman kaming napatingin sa bumukas na pinto, yun yung sinarado ni Chrisca kanina. Mula kaninang gulo ang kanyang buhok ngayon ay nakapusod na at ang gilid ng labi niya ay wala ng bakas ng laway. At maayos na rin ang kanyang pananamit.

"Pa! Wag mo namang istress-in si Vion." Sabi pa ni Chrisca ng nakapamaywang.

"Aba anak, magtatanong lang sana ako kung bakit siya nandito." Sagot naman pabalik ni tito.

Napatingin sila pareho sa akin.

"Oo nga, Vion biglaan ata." Nagtataka ring tanong ni Chrisca. Sana pala tinext ko muna si Chrisca para informed na siya. Ngayon ako nakaramdam ng kaba at pinagpapawisan ako kahit may bentilador naman sa kisame.

"A-ah t-tito, pwede ko po bang yayain si Chrisca lumabas?" Tanong ko.

"Ay sabi na nga ba! Nanliligaw ka sa anak ko ano?" Sa sinabi niya naman ay di ako nagdalawang isip at napatango. Yun siguro yung sinasabi niya kanina na alam niya na.

"S-sige pa magbibihis muna ako." Nauutal namang sabi ni Chrisca na sinasabing papayag siya sumama sa lakad namin.

"Tayo muna ang magtutuos hijo." Napalunok naman ako.

Patay.

-TBC-

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon