Part 19 || Warm Hugs

10 1 0
                                    

Habang papunta sa CKAF ay napapaisip ako kung ano nilalaman ng letter kaya sumilip ako ng konti.

Chismosa ako eh. Pake mo ba?

Tiningnan ko lang yung pinakang katawan ng letter.

We apologize for the physical damage our student did to your student. We promise to be more aware of our students' attitude. Apologies for your student and to the entire campus.

Hmm. Sino kaya yung students na yun? Binlind item pa ni principal hanuna.

Bago pa mab ako makitang nagbabasa ng letter dito ay agad ko na itong finold.

Bigla namang bumugso yung hangin kaya nawala sa kamay ko yung letter. Agad ko naman itong naaninag at pinulot ito.

Pagkapulot ko nito ay napatingin ako sa paligid. Hala hindi ko na alam kung nasaan na ako.

Ang laki kasi naman ng school nila huhu.

----

"A-ahm, ate? Nasan po yung principal's office?" Agad namang sumagot sa akin yung ate na library staff. Sabi niya left, right tas dulo daw. Pero hindi ko pa rin gets. Lalabas na sana ako sa library nang may nakita akong lalaki na pamilyar sa akin.

T-Teka si Topher ba yun? May hinahanap siyang libro. Sinundan ko naman at nakita niya ako. Bigla siyang umalis at boom, hindi ko na alam kung saan siya nagpunta.

Para talagang enderman sa minecraft. Bigla-bigla nalang nawawala. Hays, kapre. What are you upto?

Hindi naman siguro ako iiwasan nun o baka naman ibang tao yung nakita ko jusko, Topher.

----

Bumalik nalang ako sa paglalakad at paghahanap ng principal's office. Halos mangangalahating oras na ako sa pagkakahanap. Then, finally, nahanap ko na.

Bubuksan ko pa lang sana ang pinto nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko na dumapo na sa doorknob.

"Bakit ka nandito?" Sabi ni Topher at biglang inalis ang kanyang kamay na nakapatong sa akin.

Sa sandaling iyon, may kakaiba akong naramdaman.

Pero maliban doon ay napansin ko rin ang pasa sa kanyang mukha na para bang nakipagbugbugan siya may sugat rin siya sa noo at para bang gusto kong tanungin kung anong nangyari sa kanya.

"Napano ka?" Natanong ko na rin. Hays. Di kaya nakipagbugbugan talaga siya? O may nang away sa kanya? Bakit feeling ko super concern ako kay Topher? Hmph.

"Heto nanaman tayo, nagtanong ako tapos ang sukli tanong din." Naalala ko nanaman yung nangyari last night.

Magsasalita na nga ako.

"P-pinapadala lang ni principal sa principal niyo." Winagayway ko yung letter. Wala naman akong kailangang ipaliwanag sa kanya pero nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto.

"Ms. Chrisca? You are here." Ito ata yung principal nila. Nagulat ako kilala rin pala ako neto.

Sinabihan niya na rin ako na wag mahiyang pumasok. Medyo kamukha niya si Susan Roces na idol ni lola hihi.

Sa pagpasok ng office nagsalita pa rin yung principal nila.

Mukha siyang principal eh. Formal kung kumilos.

Ramdam kong pumasok si Topher pero sa lumiko siya at pumasok sa isang cubicle na di kalayuan. Nakikita ko pa rin siya kahit sa rear view ko.

"Alam mo bang kilala ka sa lugar natin?" Hillbert City ata ang tinutukoy niyang lugar daw namin. Dahil parehas na napapaloob ng Hillbert City ang eskwelahan namin. "Ikinagagalak ng eskwelahan namin na nandito ka ngayon. Maaari ko bang malaman kung ano ang laman ng sobreng hawak mo ngayon." Grabe na nosebleed ako sa pagtagalog ng principal nila at the same time na-touch din ako ng very light. Parang I Love You Since 1892 lang eh? Madam Olivia is that you? Charot.

Agad ko namang inabot yung sobre. Umupo na rin ako sa tapat ng table ng principal nila. Sinuot muna niya ang kanyang salamin bago basahin ang letter.

"Ah hija..." Dahan dahan niyang ibinaba ang tinanggal niyang salamin. At nagpatuloy sa sinabi.

"Sa totoo niyan eh, yung estudyante ko ata yung may kasalanan. Ang pamangkin kong si Topher ang nagsimula ng sigalot." Nagulat ako.

"Topher po? As in Topher Cevinilla." Medyo tumaas yung boses ko dahil na rin siguro sa pagkagulat. Wala namang ibang sinagot sa akin yung principal nila kundi tango lang.

"Ah... hija maaari bang pakihintay ang aking mensahe sa inyong punongguro. Ito'y isusulat ko muna." Nahiya naman yung school namin. Printed kasi yung sa amin samantalang siya isusulat lang. Pero di bale, baka gusto niya nang matapos agad itong kaguluhan na 'to kaya isusulat nalang niya.

Tumango ako sa kanyang sinabi at nagpaalam muna dahil nagugutom na ako.

Hmm...

Saan kaya yung canteen dito?

Dahil sa kung saan saan ako nakatingin, di ko napansin na nakabangga na pala ako...

At si Topher pa nabangga ko...

Kani-kanina lang nasa loob siya ng office ah? Pumasok pa nga siya sa isang cubicle hindi ba?

"S-sorry, babalik nalang ako sa loob ng princi--"

Bigla niya akong hinarap sa kanya. Sa sobrang bilis ng pangyayari namalayan kong nayakap na niya pala ako. Ang higpit ng yakap niya. Pero ramdam ko na komportable ako sa ganito, ewan ko pero parang may nais ipahatid yung yakap niya.

Napapikit nalang ako.

----

Hindi na rin ako nagtagal sa CKAF at pagkatapos na pagkatapos ako yakapin ni Topher doon naman ako pinatawag sa office.

Hindi na nga kami nakapag usap eh. Hindi kasi niya ako magawang kausapin habang yakap yakap. Hindi na ako pumalag kasi namiss ko rin naman siya.

At dahil hindi na rin ako nakakain kasi niyakap ako ni Topher at umalis na rin ako sa CKAF. Binalak ko munang kumain sa isang resto.

Kalapit lang ito nung foodhauz pero mas malapit ito kaya dito nalang ako.

Pagpasok ko ay kakaunti lang ang mga tao.

Umupo ako sa pinakadulo ng resto.

Pagkabigay sa akin ng menu ay parang namukhaan ko bigla kung sino yung babaeng nasa kabilang table na malapit sa table ko.

Si Brianna ba yun?

"Kailangang mapapayag mo ang anak ko sa nais mong makuha." Sabi nung lalaki na nakatalikod sa akin.

"Ikaw ang magpapayag sa kanya tutal may utang ka sa family ko. Gusto mo bang ipakulong kita?" Hindi ko akalaing ganun pala si Brianna.

Imbes na ngitian siya ay napayuko nalang ako at hindi nakinig dahil baka madamay pa ako.

Pagkadating ng waiter agad ko namang binawi na ida-dine in ko yung pagkain at sinabi kong i-take out nalang kasi may emergency pa akong pupuntahan at wala na siyang nagawa kundi pumayag.

Pagkaalis ko, nakaramdam ako ng kaba.

Err-- ewan ko ba parang si Vion kasi yung lalaking katapat ko eh. Pero imposible namang si Vion yun kasi nasa school siya ngayon at watdapak wala siyang anak no.

Namamalik mata nga lang siguro ako. Makabalik na nga lang.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon