Player 16 || Can't Have You

12 2 0
                                    

"Brianna" Pagtutuloy niya.

*Incoming call from Vionny ko*

*wswswswswsw*

"Ah- eh-- Brianna, I have to cancel the order, may pupuntahan pa ako." I urgently said at hinarangan niya ako.

"Can I atleast lead you outside? As a customer na din." She smiled. Wala naman akong nagawa at sinamahan niya ako palabas. Sinabi niyang sila pala ang may ari ng EBC. At nakikijoin lang siya sa mga staffs.

Naisip ko ang bait niya. Mas mabait pa sa naisip ko na magiging siya. Well, tinulungan niya naman ako kay ate girl. Akala ko mapapahamak na ako dun eh.

Nung nasa labas na kami. Nakita ko si Vion. Tuwang tuwa ako ngayon dahil fresh na fresh siya at mukhang alalang alala sa akin.

"Vion!" Bati naman ni Brianna. Wait, magkakilala sila. Nauna siyang yumakap kay Vion at ako naman. Shookt lang. Hehe okay lang kaya ko pa mag timpi.

"B-Brianna?" Vion was also surprised by her presence.

"Nalayo ka lang sa akin, di mo na ako naaalala. Parang wala naman tayong pinag--" Pinutol ang kanyang sinabi ni Vion.

"Sorry, Bri. But maybe some other time, may pupuntahan pa kami ni Chrisca." He said. Sabay hila sa akin. Kumaway naman ako at nag bye.

Ngayon sasakay kami sa kotse ni Vion. At siya yung magdadrive.

"V-Vion, where are we gonna go?" Gusto kong tanungin kung kaano ano niya si Bri pero parang wala siya sa mood sagutin yun kaya yan lang muna tanong ko.

"Basta, everyone's happy place." I smiled. Medyo okay na siya at napasandal nalang ako sa kinauupuan ko at napatingin sa bintana.

Ang daming nagbago.

Mula noong naging water girl ako. Dun kami naging close ni Vion. Yung akala kong may girlfriend siya yun pala achi/ ate niya lang. Tapos nalaman ko na may kapatid pala siya na si Romeo. Tapos nakilala ko rin siyempre si bestie, Topher.

Ang saya saya ko ngayon. Ang saya saya naming lahat. Sana palaging ganito.

Medyo naaninag ko na ang pagliko ni Vion ay papunta sa isang parking lot. So ngayon nasa mall pala kami. Mall is his happy place? Hmm.

"Magto-Tom's World tayo!" He excitedly said na parang bata. I laughed.

"Tara!" He grabbed my hand noong papalabas pa lang ako ng kotse. Aba nagmamadali itong lalaking to. Naisip ko, baka magsara na ang mall pero di bale. Bahala si Vion.

"Vion! May tanong ako." Habang hawak hawak niya ang kamay ko na okay lang kasi kinikilig ako na ewan.

"Yes?" Napatingin siya gawi ko. At naglakad nalang kami para marinig niya ako.

"Kaano ano mo si Brianna?" Natigilan siya pero sinagot naman ako agad.

"Ay k-kaibigan ko dati, oo kaibigan ko siya dati." Nautal siya kaya medyo nag aalanganin ako sa sagot niya.

"Ah okay." Maikli kong sabi.

-----

"100 tokens po!" Inabot niya naman ang kanyang 500 peso bill sa babae. At binigay yung tokens namin.

"So saan mo gustong mauna?" Tinuro ko yung Smash The Prize na laro. Kailangang saktong pag palo mo sa bola ay tumama sa 100-500 tickets, 2 tickets ang pinakamababa. Nagsimula kaming maglaro.

Nagspin naman ang wheel at agad kong ini--

agad naming inismash ang bola.

Oo, sa isang mabilis na pangyayari, nahawakan ko ang kamay ni Vion. Medyo nag init ang mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon