Player 32 || Moment

13 2 0
                                    

TOPHER

"Tagal naman." Sabi ko habang tinitingnan siyang nakangiting lumalapit sa akin.

"Ikaw magyayaya, ikaw di marunong maghintay. Hay nako!" Sabi niya na nakangiti pa rin. Sana ganyan nalang siya palagi. Nakangiti, masaya yung tipong parang walang iniindang problema.

Her smile lights up my whole world. Nakiking cheesy na ata ako jusko.

"Son, whatever you do... Wag mo siyang pakawalan. Love her all. Sacrifice if you must. Basta, love Chrisca at her worst. She's a great girl, son."

Tinandaan ko yan. At yan mismo ang magiging motibasyon ko ngayon.

I'll cure the pain she feels inside. I'll cure her heart that ached many times.

I'll own what's supposed to be mine in the first place.

"Tititigan mo lang ba ako kapre?" Nakatingin siya sa akin ng deretso at ngumingiti ngiti pa. Fck I can't help feeling this butterflies I hid and felt in the first place.

"S-sumakay ka na nga." Sabi ko at binigay sa kanya ang helmet niya. Sinuot niya naman ito at sumakay sa likod ng motor. Nakayakap siya sa tiyan ko. Pakiramdam ko kinukuryente ako.

Hindi ko talaga alam kung paano ko siya napapayag mag-foodtrip. Wala siyang ginagawa ngayon?

Mabuti naman.

----
Bumaba kami sa paborito niyang lugar, ang mga pila pilang street foods. May kwek kwek, betamax, paa ng manok, hotdog, fishball, squidball, shrimp, calamares, isaw at marami pang iba.

"Wow!" Sabi niya habang kitang kita ang pagkislap ng kayang mata dahil sa ilaw na nagmumula sa mga pinagbibilhan ng street foods.

"Ano uunahin mo?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at tinuro ang tindahan ng shrimps at kwek kwek. Sinabihan ko na siyang ako ang manlilibre ngayon. Wala lang, nakaipon kasi ako this whole week kaya naisipan kong i-treat si Chrisca.

Kumuha agad siya ng stick at itinusok sa kwek kwek na nasa kawali pa. Napabitaw siya sa stick at napahawak sa kamay niya.

"Aray natalsikan ng mantika!" Sabi niya habang sumisimangot sa sakit. Agad kong hinawakan ang kamay niya. I locked our hands together.

"Di na yan sasakit, ako bahala sayo." Umiwas siya ng tingin at hinayaan akong hawakan ang kamay niya. Shet masyado akong nagmamadali. Napabitaw ako dito at nagpaumanhin.

"Sir sorry po ako nalang kukuha ng bibilhin niyo." Sabi ng ale na busy sa paghuhugas kanina. Sinabi naman ni Chrisca kung ilan. At umorder na rin ako ng akin.

Umupo kami sa isang tabi malapit sa puno.

"Sorry, nabigla ako kanina." Nginitian niya lang ako sabay subo niya ng pagkain.

"Alam mo ba kapre, may kukwento ako." Agad akong napaharap sa kanya at akmang makikinig sa nais niyang ikwento.

"Nakakainis, si Vion makikita ko nanaman." Napaisip ako. Natural naman siguro kasi nasa iisang school sila.

"Ibig sabihin ko, makikipag collab pa kami sa kanila. Nakakainis talaga!" Sabi niya sabay sipa.

"Ha? Para saan?" Na-curious naman ako kaya nilapit ko ang tenga para makinig.

"Si Ma'am Dimalupa kasi eh!" Inis niyang sabi sabay kamot sa ulo. Natawa ako. Ang cute niya kasi pag naiinis. Sumisingkit ang kanyang mata t umaasim ang kurba ng kanyang labi.

"Para daw sa Panuluyan eh. Di naman ako hasang hasa sa acting no. Duh!" Sabi niya sabay irap. Napangiti lang ako at hinintay siyang muling magsalita.

"Pero sa bagay, grades din yun. Nagawa ko ngang sumayaw para kay Vi--" Napaubo siya. At halatang nagsisi siya na sinabi pa iyon.

"You should forget him." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Pero wala nang atrasan, inakbayan ko siya at pinasandal ang kanyang ulo sa dibdib ko.

Shit.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"T-Topher, ayos ka lang ba?" Tanong niya sabay silip sa akin. Ngumiti naman ako.

Hindi siya satisfied sa ngiti ko kaya nagulat ako nang hawakan niya ang dibdib ko at pakiramdaman ang puso kong tumatalon talon sa kilig.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa dibdib ko.

Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko.

"A-ah, Topher, uuwi na ako." Sambit niya sabay kuha ng kanyang kamay.

Nabitin ako.

"Hatid na kita." Sabi ko. Tumayo ako at inayos ang sarili.

"Uh hindi na. A-ako nalang."

"Pero--" Pinutol niya ang sasabihin ko.

Lumingon siya at tinaasan ako ng kilay.

"Topher." Sabi niya at hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang kanyang kilay. Sinasabi ng kanyang mga mata na gusto niyang mapag isa kung kaya't tumango ako. Pero bago siya makaalis. Hinawakan ko ang kanyang balikat.

Muli ko siyang nilapit sa akin.

Nawala ang pagtaas ng kanyang kilay. Naging seryoso ang kurba ng kanyang labi. Nanlaki ang kanyang mata.

Kitang kita ko ang haba ng kanyang pilik mata. At ang ilong niyang bumabagay sa kanyang mukha.

At...

Yung labi niya.

Hinalikan ko siya sa noo.

Halatang nagulat siya pero di naman siya lumayo. Napangiti akong bumalik ng tingin sa kanya. At halatang gulat pa rin siya.

"Uh bye." Sabi niya at pilit na iniiwas ang tingin sa akin. Ngumiti ako and I waved good bye.

Why am I so inlove with that girl?  Pero bakit ganun, ramdam ng puso ko eh. Na hindi niya ako mahal, hindi niya ako mamahalin. Bakit? Kasi nandyan si Vion sa puso niya. Nakatatak na. Hindi mabubura.

Tanggap ko naman yun.

Siguro masakit, lalo na ngayon na kinwento niyang makikipag collaborate sila sa section ni Vion. Paano pag nagbago nanaman si Vion? Tapos binalikan niya si Chrisca? Edi olats nanaman ako. Bakit ba pagdating kay Chrisca at Vion talo ako?

Nawala lahat ng iniisip ko nang maramdaman ang pagvibrate ng phone ko.

"Bro, tara basketball." Unang bumungad sa akin sa tawag. Wala man lang intro na hello or ano. Wala naman akong gagawin sa bahay. Siguro tutulong nalang ako kay dad bukas. Kailangan ko rin kasi makapag isip isip.

Um-oo nalang ako sa tawag at sumunod sa court.

Siguro sa basketball nalang ako may pag asang manalo. Kasi dun ako hasang hasa eh. Pero sa puso ng taong lihim kong minamahal at mamahalin pa rin, talo ako kasi nanakaw na ng ibang tao.

Pero

Sabi nga nila...

Pag mahal mo, handa kang magparaya kahit na ikasasaya mo man ito o hindi. Mahal mo eh.

Pero ngayon, di na ako magpapatumpik pa. Ipapakita ko na ang nararamdaman ko kay Chrisca.

Time is gold.

A/N:

GUYS  EXCITED NA BA KAYO MATAPOS TO? AKO KASI, OO. MAY UPCOMING STORY KASI ULIT AKONG NAIISIP NO. HAHAHAHA! WAIT ANG KULIT KO KASI KAYA SPOIL KO KAYO WITH THE WORD 'MAGICAL'. AYAN HA. ALAM KONG MATAGAL AKONG MAG UD. HAHAHAHAHA! MATAGAL KASI WALA NAMANG NAGBABASA DUH. HAHA.

ANO BA YAN ANG DALDAL KO NA.

SO AYUN. MAY 10 DRAFTS PA AKO SO BAKA MAPADALI ANG PAG UD KO WAIT LANG KAYOOOZXCS <WALANG KAYO>

VOMMENTS

EDITED:

ISA PANG ANNOUNCEMENT. NEXT UD KO AFTER EXAMS MGA 21 SIGURO MWEHEHEZ. MAY SURPRISE AKO SA INYO SA 24 YEEEY. KASO SECRET KO NA MUNA YUNG IBANG DETALYE. UHM ANO PA BA. YUNG REVEALS PAPARAMDAM KO LANG PAG MALAPIT NA MATAPOS YUNG WF. TY FOR UR UNDERSTANDING HEHEZ LABYU OL KAHIT DI NIYO AKO LAB.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon