Player 3 || Incrush with Vion

22 4 4
                                    

Rinig na rinig ko yung tugtog ng gitara.
Lalo na yung lamig ng boses niya.
Lalo akong nahuhulog. Please, tulungan niyo akong kumawala sa pagkafall.

"Prinsesa ka, ako'y dukha. Sa TV lang naman kasi may nangyayari." Lumapit ako sa kanya upang pakawalan na rin si Romeo mula sa pagkakakalong sa akin.

"At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko to aking sinta pangarap lang kita." Ako na kumanta, nahiya ako sa kanya eh. Jokie! Kasi naman ang sarap lang makisabay sa lamig ng daloy ng boses niya. Pakiramdam ko lumulutang ako.

"Yaku! Yaku!" Yakult daw? Ano nanaman ba ang sinasabi ni Romeo? Chinese ba yun ng kuya? Ay wait.

Kuya?

Yaku, kuya? HAHAHAHAHAHA slow ko tangina.

"Oh hey lil' bro." Salubong sa kanya ng cute na si Romeo.

"Binilin siya ng mommy mo sa akin, alam mo ba?" Singit ko. Naagaw ko naman ang atensyon niya kaya nabaling sa akin ang kanyang tingin.

"Ah, ang cute naman pala ng taga-alaga mo kaya happy ka ngayon." Tama ba ako sa narinig ko? Cute? Ako. From Vion?

"A-ah ano? Paki-ulit?" Nauutal nanaman ako. Bigla kasing bumilis tibok ng puso ko.

"Sabi ko ang ganda mo." Tumayo siya at napasinghap naman ako ng konti. Trying to absorb all of these things that're happening right now.

"Ano? Paki ulit, ulit?" Ewan ko ba pero ang sarap sa tenga marinig ng salitang yun galing sa kanya.

"Hay nako. Punta nalang tayo sa cafeteria." Sabay gulo niya ng buhok ko habang buhat buhat niya si Romeo. Parang magkapamilya kami oh. Pero bata pa kami syempre.

Hindi kesyo crush ko si Vion eh magpapakawala na ako ng virginity. I mean, di naman ako magpapabuntis HAHAHA! Too desperate? Nah, tamang effort lang si ako.*-*

"Hanap ka na ng upuan, Chrisca. Pakidala na rin si Romeo. Thank you!" Agad ko namang kinarga si Romeo at humanap ako ng mauupuan.

Nang makahanap ako ng upuan, pinaupo ko muna si Romeo sa tabi ko at inalalayan habang napaisip-isip ako. Bakit kaya ginagawa ni Vion 'to? Yung paglibre at yung pakikitungo niya sa akin. Di naman siya ganito dati. At sino kaya yung kinakantahan niya kanina?

"Here's meryenda!" paupo pa lamang siya, "Aah! Aray!" Napapikit siya dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Sumakit nanaman ba yung nainjured sa kanya? Inalalayan ko siya para tumayo.

Nagkaroon pa ng isang minutong pagtitigan pero agad itong naputol ng aking pagiging mahiyain. Agad ko siyang binitawan nang makaupo na siya ng maayos. Alangan namang mahulog din ako. Tapos pumaibabaw ako sa kanya. Tapos yung isa magbabalak i-kiss yung isa. I don't like our love story to be like those cheesy yet lovely movies.

Tahimik lang kami habang kumakain ngunit sa aking tanong nabasag ang katahimikan.

Ang sarap ng sopas dito. Kahit na mainit, amoy na amoy ang sarap. Hinayaan ko muna itong lumamig at agarang nang salita.

"Para saan 'to?" Tanong ko. Ang weird diba? Di ko nalang tatanggapin 'tong foods. Pero curious lang talaga ako, kasi minsan lang maging ganito si Vion. I mean, buti nalang nasa mood siya ngayon.

Siguro dahil wala masyadong tao? Kanina kasi, may klase pa kami at related yun sa sports kaya pinapanood nalang kami ni sir. Research paper naman ang pambawi ni sir. At ngayon, nagsi-uwian na sila kesyo magsesearch nalang sila at yung iba naman, iba ang strand kaya go away na sila papunta sa bahay nila sa kadahilanang kami lang ang whole day.

At si Vion, ang alam ko kailangan nilang lumaban eh. Homecourt 'to did I mention. At ang kalaban ay CKAF, naalala ko nanaman tuloy si Mr. Tangkad.

"Para 'to sa pag-aalaga kay Rome." So Rome pala nickname ni Romeo? Natagalan din siya bago magsalita, talagang pinag-isipan niya yung sinabi niya hays.

"Hindi naman ako nanghihingi ng utang na loob eh. Pero sige, salamat dito." Sabi ko. Actually, di na dapat 'to sasabihin pero sana malaman niya intensyon ko.

Napangiti lang siya sa sinabi ko.

Buong oras ay nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain. Kumukulo na nga tiyan ko di ko pa magawang sumubo ng isang kutsarang sopas.

"Ayaw mo ba? Sorry yan lang kaya ko sa ngayon." Sabi niya sa akin. Pero di, kasi, eh, shet! Di niya alam yung dahilan kung bakit ko siya tinititigan.

"Di kasi, ano-- p-pawis ka. Oo pawis ka." Binunot ko naman yung towel ko sa bulsa at agad siyang pinunasan. Nabigla siya pero nang tumagal ay hinayaan niya na ako.

Para siyang maamong pusa.

"Salamat ah? Ah akin na yan. Lalabhan ko." Sabi pa niya. Jusko! Di mo na kailangan labhan 'to bebelabs. Hindi ko na nga ito lalabhan eh.

"Wag na labs este-- wag na."

-----

Gabi na rin natapos yung laro at gabi na rin ako umuwi. Nag-grab taxi nalang ako since may pupuntahan pa si Lovi. Nag-solo ako pauwi. Habang sina Rome at Vion naman ay sumakay nalang ng kotse pauwi.

Habang nasa taxi ay inaamoy amoy ko pa yung towel ko. Ang bango kasi ng pawis ni Vion. Ano bang meron dito? Parang pwede ka nang mag-produce ng pabango eh. Papagawa na ako ng factory na nakalagay 'VION PERFUME' at ang pinakang ingredient ay ang pawis ni Vion. Pero syempre joke lang.

Pag-uwi ko, agad akong nagtanggal ng sapatos at medyas. At agad akong nagbihis at sumalpak sa harap ng computer ko.

Ano pa ba gagawin ko?

Eh di~ iistalk si bebe Vion.

Stalk..

Stalk...

Puro gamers achuchu at basketball achuchu ang nakikita ko dito.

Puro tags at pictures ng liga sa iba't ibang lugar.

Famous talaga si bebe ko.

But wait?

Jurich WP

WHAT: DANCE TO THE BEAT AUDITION
WHERE: MALIGAYAW, NAYADES CITY
WHEN: 4/ 29/ 18 , 9:30 am
HOW: BRING YOUR OWN MUSIC AND DANCE TO THE BEAT

Hindi ako nagulat sa post pero nagulat ako sa mismong comment.

Vion Azuelo

Sabak ako dyan! Solo lang diba? :]

nag reply na si Jurich...

Jurich WP

Yes naman boi. Oo, asahan ko na sasali ka ah?

Nagreply naman si Viony ko.

Vion Azuelo

Sure thing.

Sasali siya dun? Seryoso. Well, totoo namang magaling na basketball player si Vion at totoo ring magaling siyang dancer. Mahilig ako sa sports, yes, pero sa pagsasayaw?

Ha-ha.

Di ko lang alam,

But anyways, kung ito lang ang isa sa mga paraan para mas lalo akong mapalapit kay Vion.

Then, I'll go for it?
Still not sure though.

Pinapahiya ko nanaman sarili ko, sasali ba ako?

I think I want to.

SIGE...

I'M SIGNING UP!

-TBC-

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon