Player 12 || Happy Pill

11 3 8
                                    

"Wala kang kwentang anak." Yan ang pambungad sa akin ni dad pagpasok ko sa bahay.

"Tatlo lang medal mo, ay ka-grabeng bobo. Magbasketball ka pa, wala ka namang mararating dyan, how will you continue this business son? Paano?" And there's my dad again.

"Mas mabuti pang nabuhay nalang sana si Rene, edi sana hindi ako nadidisappoint sa performance mo." Sunod pang sabi ni papa. Hindi ko mapigilang itikom ang kamao ko.

Wala si mom para ipagtanggol ako, kasi matagal na siyang wala. Matagal na siyang humanap ng ibang pamilya. Matagal na niya kaming
itinakwil ni dad.

Ang daming nang iiwan sa panahon ngayon, sarili ko nalang ata bubuhat sa akin.

Mismong magulang ko dinodown ako. I'm feeling so worthless. Lagi nalang akong kinukumpara kay Rene. Isn't he getting tired?

Rene is my twin, sabi ni dad Matagal na siyang patay, dahilan daw sa pagkalunod noong bata pa kami. Dahil sa sobrang depressed ni mom at may halong galit sa pagpapabaya ni dad ay umalis siya ng tuluyan sa poder namin, at hindi na nagparamdam. Yan ang kwento ni papa.

Pero nakakainis kasi...

Hindi dahil iniwan kami ni mom, kasi...

Ang sakit makumpara. Kung yung pag-iwan ni mom ayos na eh. I can still find her. Pero yung makumpara sa taong patay na, na dating bumuhay sa loob ni papa, na dating nagpasaya kay papa, ang hirap. Hirap akong umasa na maaabot ko expectations niya.

Wala siyang ibang ginusto kundi gustuhin ko ang mga gusto niya sa buhay, at pilit akong dinodown sa mga ayaw ko naman. Nakakainis.

"Dad, kelan mo pa ako naappreciate?" I said. Not showing my teary eyes. My voice was full of anger kaya walang ano-ano'y sinampal ako ng dad ko.

"Never talk back to your parents!" Hinawakan ko yung pisngi ko. Nakaramdam ako ng sakit at hapdi. Gusto kong magwala.

"Anak lang kita." He continued.

"Pero dad? I can't feel like your son anymore. Parang ngang mas pinapahalagahan mo pa yung business mo kaysa sa akin. Parang siya yung anak mo at hindi ako, can I just get the appreciation that I deserve as your child?" Then I walked upstairs locking myself in my room. Leaving dad dumbfounded. Sana buhay pa si mom, edi sana hindi ako nagkakaganito.

My laptop notified me on facebook.

'Chrisca WP messaged you.'

'Free ka ba ngayon? :< I need yo' help fren. Samahan mo ako mamili ng pang handa ni mama sa palengke pleaseeeu?'

Something bothered me. Bakit hindi nalang si Vion yung niyaya niya?

Or maybe she's shy? Hays, eto talagang babaeng 'to. Ramdam ko naman na si Vion yung gusto niyang makasama eh. At hindi ako.

Dahil masakit pa rin yung pisngi ko at puno na ng luha yung mata ko parang hindi ko ata magawang lumabas ngayon ng masama ang loob.

I replied back with, 'I'm sorry, I can't go with you. I'm sick.' kahit hindi naman.

Pero ayoko naman siyang nag iisa at para naman maiwasan ang katorpehan ng dalawang 'to kaya agad kong tinawagan si Vion.

"Pre, favor naman oh?" Wala nang intro intro, I got straight to the point.

Kunyari favor pero gusto ko lang talaga kayong paglapitin. Because I'm already fulfilled seeing her happy with the guy she likes or love?

"Oh?" He said.

"Pakisamahan naman si Chrisca, diba ayaw mo siyang mapahamak?" I can feel Vion feeling tense right now. In short, natataranta.

"Nasan ba siya? Bakit di mo sinabi agad?" I chuckled quietly kasi nagpapanic na nga siya. Pakiramdam ko nga nasa labas na siya ng bahay nila eh.

He's so protective when it comes to Chrisca. We're so protective.

"Gagu nasa palengke lang. OA mag react ah? Napaghahalataan ka men." I said at ngayon di ko mapigilang tumawa.

Parang magkakaheart attack na si Vion sa sinabi ko.

"I'm just really concerned as a friend." I don't believe him in many ways. Lalaki ako alam ko na yang ganyang linyahan.

"Nevermind, just go with her. Dun ka nalang sa may isdaan mag abang." I changed the topic and quickly informed him.

"Pre, bat di ikaw yung sumama?" Natigilan ako sa tanong niya. I remembered the slap I got from my dad. It was still so fresh yet it hurts so bad.

Naisip ko yung sinabi ko kay Chrisca, yun nalang rin idadahilan ko kay Vion.

"Ano kasi-- I'm sick." Bigla akong umubo, as in nilapit ko yung bibig ko sa phone. Sorry, baka mabingi ka Vion.

I felt him sigh.

"Ay! Pagaling ka bro!" He said.

"Thanks" Agad ko ring sabi sabay baba ng phone.

It's time for me to chill for a while. Pupunta muna ako somewhere. In a place where nobody knows, joke, in a place lang naman kung saan pwede sumigaw at magpakalaya.

Saglit akong pumunta sa Manila Bay. Hindi naman ako literally sisigaw. Magpapakalaya lang.

Wala akong ibang ginawa kundi tingnan yung mga speed boats, mga barko, atbp. Naaamoy ko pa yung simoy ng hangin. Ang saya, nakakagaan ng loob kahit simpleng bagay lang.

Maliban sa pagsesenti sa may shore ay naisipan ko na ring kumain sa KFC. Ordering my favorite combo meals.

Masaya pala kahit mag isa ka no? Pero minsan di mo maiwasang maging malungkot.

Sana nga Rene buhay ka pa. I don't envy you no more. I just miss you brother. Sana ako nalang yung namatay tutal I'm worthless naman diba?

Nasobrahan yung paglagay ko ng gravy sa chicken ko dahil sa sobrang kadramahan ko sa buhay. Tiniis ko itong ganito.

Hindi ko napigilan ang mga luha sa mata ko. At yung sampal na sariwa pa sa isip ko. Hindi ako naiiyak dahil nasobrahan ako sa gravy, kundi dahil naaalala ko yung mga nangyari kanina.

Take me to my happy pill please?

I want to be with Chrisca right now.

Hindi ko napansin ang oras, napatagal rin pala ang pagstay ko dito. Kaya wala akong ibang ginawa kundi dali daling pumunta sa bahay nina Chrisca. Buti nalang kabisaso ko pa yung daan papunta sa bahay nila.

I badly want to see you happy pill. Wait for me. Wish you're home.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon