The Whim [PROLOGUE]

48 5 0
                                    

"Galingan mo! Wooh, ichi-cheer kita." Sabi ni Elenelle. Naaalala ko talaga sa kanya si beshy. Isang taon na kaming di nagkikita. Makakahabol kaya siya?

"Ikaw na sunod!" Excited na sabi ni Elenelle.

Dahan dahan akong umapak upang makaabot sa stage.

Isa--

Dalawa

heto na...

Di maalis ang kaba sa aking dibdib, parang iiyak na ako. Hindi dahil nahihiya ako, pero dahil nasasaktan ako ngayon.

Tanga ko kasi, yung piece ko tungkol sa kanya. Tangina naman oh? HAHAHA. Tatawa o iiyak? Sasaya o lulungkot? Gulo ng world I wanna die.

Muling tinawag yung pangalan ko,

at sinimulan ko na.

Humarap yung stoplight sa akin at bumungad ang tugtog ng piano.

"Para sa taong winasak ang dating ako, para sa taong pinaramdam sa akin ang salitang tayo.

I feel so hurt.

Sobrang down.

Tuwing nagiging masaya ako, natatakot na ako, kasi alam ko...

Na dadating at dadating...

Yung araw na babawiin yung ngiti ko at babawian ng pighati at luha."

Bigla akong napaiyak at nag-pause saglit. Napatingin ako sa audience. Wala pa siya.
Pero imbes na tuluyang tumigil tinuloy ko pa rin.

"Bakit ba kasi? Bakit ako nahulog sa kanyang mga mata? Sa ngiti niyang halos ikamatay ko na. Sa boses niyang parang isang musika. At siya mismo na nasa isip ko tila'y di kumakawala.

Nakulong ka na sa isip ko bakit mas inisip mong hanapin ang susi palabas at tuluyan akong iwan.

'Yang pagmamahal mo ba sa akin,

napilitan lang?

napagtripan lang?"

Tumingin ako muli sa audience. Nandito na siya kasama niya si beshy at mukhang cheer na cheer talaga sila para sa akin kasi of all the people boses nila nangibabaw

Nakangiti akong tumuloy.

"Pero buti nalang sinalo ako. Sinalo yung mga luha kong tumatagaktak. Naging unan ko siya na palaging kayakap. Di man kami magkasundo noon, sa paglipas ng panahon, tuluyan ng lumaon ang pag-ibig kong nag-limayon.

Salamat sayo ibinangon mo ako, salamat at ako'y iyong sinalo.

Sa pagkahulog ko man sa kanya'y di ako sinalo, ngunit pagdating sayo, ako'y minahal mo ng todo. Mahal na ata kita. Mahal na kita.

-Nagmamahal, ♡"

Lahat sila nagpalakpakan. Sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao pero hindi lang yung ingay na yun ang nagnakaw ng atensyon ko, tama ba? May naaninag ako sa likod ng stage.

"Vion?"

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon