Player 27 || I can, I can't

5 1 3
                                    

CHRISCA

"Sigurado ka ba na pupuntahan mo beshywap?" Nag aalalang sabi ni Lovi.

Nakahanda na ako't lahat. Aatras pa ba ako? At alam ko sa sarili ko na hindi ako lolokohin ni Vion.

For a while natigilan ako,

Ang tanga ko.

Narinig ko namang may babae sa phone, pumunta pa ako. Nasaktan. Tapos ngayon, maghahabol ako na parang asong uhaw na uhaw sa pagmamahal. Chinat ko na at lahat, pinilit niyang di siya si Vion. Pero pupunta pa rin ako.

Ganito ba talaga nagagawa ng pagmamahal? Ultimo puso at isip nagkasundo na. Kaluluwa ko nalang di sumasang ayon. Napailing ako.

Pero kung ayaw na naman sa akin ni Vion, pupunta ako kasi... kasi... para may closure! Tama, para may closure.

Pero ayoko ng closure. Gusto ko siya...

Mahal ko siya...

Napatingin ako sa langit. Ang ganda ng clouds ngayon. Sana kasing ganda ko sila.

Hindi kaya tama yung hinala ko noong una? Yung pinaniniwalaan ko noong una pa lang?

Imposibleng ma-reach si Vion. Simpleng mamamayan lang kami, habang sila mayaman.

Ako simple lang rin.

Natawa ako bigla habang nakatingin sa langit.

Naalala ko noong kinumpara ko si Vion sa kwek kwek pero di ko makumpara kumpara eh.

Simple ang kwek kwek, mayaman si Vion.

Kaya kaya ni Vion kumain ng kwek kwek? Weird na tanong na pumasok sa isip ko.

Ang layo nila sa isa't isa. Ako ata yung kwek kwek eh. Sobrang baba ng level ko. I mean hindi kasing taas ng level niya. Hindi kasing pantay ng pagiging almost perfect niya.

Why do I love him that much! Fck.

*beeeeeep*

Matinis na busina ang sumira ng pagdedaydream ko. Napalingon ako sa pinanggalingan ng busina.

Si Topher. I rolled my eyes. Ang sakit sa tenga.

Lumapit ako sa kanya.

"Problema mo kapre?" Mataray kong bungad sa kanya. Nakatingin naman siya sa akin ng seryoso. Walang sinasabi ang kanyang mga mata. Emotionless kumbaga. Partida, nakahelmet siya ah.

"Ikaw." Natigilan ako. This is kinda awkward for me.

"Ang tagal mo kasi." Naningkit ang mata ko at kinilatis siya. Naka plain white t shirt siya with jeans at Nike shoes.

Sinabi rin pala ni Lovi na si Topher nalang daw mag hatid sa akin para masisigurado siyang safe ako makakarating dun. May pagka-strikto rin kasi si Lovi. Parang nanay ko na jusko.

Nireply-an ko na rin sina mama at papa. At sinabi kong mga tatlong araw muna ako dito kayna Lovi. Para tulungan siya sa presentation niya.

Hindi yun gawa kwento no! Pero isang araw lang naman tapos na yun. Humingi lang ako ng extra days. Basta.

Umangkas ako sa likod ni Topher at sinuot ang helmet. Humawak ako sa balikat niya. Na agad naman niyang tinanggal at nilagay sa may tiyan niya.

Nakakaramdam ako ng abs. Omg!

Di ko namamalayan na kahit sobrang hangin dito ay pinapawisan ako.

"Okay ka lang?" Rinig niya siguro ang paghahabol ko ng paghinga kaya niya natanong yun. Init kasi packing tape. Ang init pero mahangin, gets niyo ako? Sabihin niyo naman na feel niyo ako oh.

"O-oo, salamat pala ha." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"For you m--" Hindi ko na narinig yung kasunod kasi pinaandar niya agad yung motor at naglikha ito ng ingay sa paligid.

Napahigpit ang kapit ko sa abs niya este tiyan niya pala.

----

"Sasama nga ako sabi!" Pinagtaasan niya ako ng boses at nagpupumilit na sumama sa akin sa pakikipag kita kay Vion.

Sabi ko naman na hindi na kailangan. Magstay nalang siya sa tabi ng motor niya o di kaya iwan na ako. Maghanap ng chixx sa paligid o di kaya bumili ng kakainin.

Kaya ko naman sarili ko. Siguro.

"Wag na nga sabi!" Ayan nagtaas na rin ako ng boses. Baka gusto niya pang mag biritan kami dito. Kaya ko pa naman yung whistle tone.

"Chrisca, sasama ako sa ayaw at sa gusto mo." Naiinis na ako sa kakulitan niya.

"Bakit ba kasi!?" Natigilan siya.

"Baka masaktan ka nanaman Chrisca." Nahina niyang sabi.

Nalungkot ako bigla.

"Wala ka bang tiwala sa akin na kaya ko Topher?" Napayuko ako. I feel so down right now. Bakit ganun? Kailangan ba everyday sad?

"Topher, nakayanan ko lahat para kay Vion. Sa tingin mo ba di ko kaya 'to?" Sabi ko na may halong lungkot at pait. Basta. Gusto ko siyang tulakin palayo para wala ng satsat.

Pero nadala na ako ng bugso ng damdamin.

"Siguro kahit paulit ulit akong mahulog kay Vion magpapahulog ako kahit alam ko na yung totoo. Kasi Topher mahal ko eh, I know too much love can kill you but then so be it, because love includes sacrifice. Kahit masakit, ipipilit. Kahit wasak ka na inside, ngingiti ka pa rin para ipakitang wala lang 'to." Lumapit siya sa akin. At hinawakan ang balikat ko at agad itong hinawi. Kaya napaatras siya. Umaangat ang tingin ko sa mukha niyang nag aalala.

"Kaya Topher, just let me hurt myself. Kung mali ako sa inaakala ko, na gusto ako ni Vion, na tuloy pa rin ang panliligaw. I'll stop hurting my self. I-I just need clarifications to enlighten me, Topher." Lumayo ako sa kanya and I left him there without saying a word. I feel so guilty na iniwan ko siya dun.

Nagiging masama na ba ako? Masama ba yung magpakatotoo ka sa nararamdaman mo? Masama ba na tulakin palayo yung lalaking walang ginawa kundi protektahan at siguraduhin na maayos ang kalagayan mo?

Are these the negative sides of love?

You give worth to those who don't know the word value?

Too many questions ugh!

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

I can do this I know I can. Pag nandito na, wala ng atrasan.

Pero paano nga pag hindi ko kaya? Paano kung umiyak ako dito sa gitna ng kalsada? Na parang isang bata na nawawalan ng laruan o naliligaw.

Paano kung biglang manlambot ang tuhod ko at walang sumalo sa akin kung sakali mang di na ako makatayo?

Paano kung hindi ko talaga kaya? Sinong aalalay sa akin kung gayong wala si Topher?

These questions again! Very funny destiny, very whimsical.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon