Player 34 || Family

4 0 0
                                    

"Bakit ka magpapakasal sa babaeng hindi mo gusto?" Yan ang bungad agad sa akin ni mama habang ako ay kumakain ng agahan. Late na kasi ako nagising at wala ako sa mood para makipag usap ngayon.

I don't usually drink pero ngayon madalas akong tambay sa Tadhana Bar. It's just that... I feel so empty.

"Wala ma. Gusto ko siya." Maikli kong sagot. Wala talaga ako aa mood kasi masakit pa ulo ko. Nasobrahan ata sa hard drinks.

"Anak don't lie to me." She said in a soft tone.

"You should've said that to my father. Para naman hindi ka na nastuck sa relationship na ikaw nalang yung nagma--" Nakaramdam ako ng sampal mula sa pisngi ko.

"Anong nangyayari sayo Vion? Your dad loves me. May dahilan ang pag alis niya! I can't see kung bakit ka nagkakaganito." Nagagalit na ang tono ng kanyang boses ngunit kalmado pa rin ang mukha niya.

"Oh sige! Sige na ma! Tama ka! Tama kang hindi ko nga talaga gusto yung papakasalan ko. Tama kang napipilitan lang ako. Pero ang hirap kasi ma eh, ang hirap ipaglaban ang isa kung alam mong mapapahamak yung nakararami, ma. Ayoko siya pakawalan ma." I lost myself at hindi ko mapigilang umiyak.

Ayokong mawala si Chrisca. Ayokong mawala si Mom at Ate.

"Hi little one, are you familiar with me? Malamang hindi. Here's the point para di na ako magsayang pa ng oras. If you want your mother and sister alive then marry my daughter. Or then if not, pati si Chrisca idadamay ko na. Mamatay na silang lahat gusto mo ba yun?" Napakasama niya. Humalakhak siya na parang walang bukas.

"Ano bang gusto mo ha?"

"To make their lives miserable." She smiled. Sino?

"Ayoko, ayokong magpakasal kay Brianna. Mahal ko si Chrisca." Nawala ang ngiti niya sa mukha.

"Mahal mahal pa. Oh don't toy with me. Pakasalan mo na ang hija ko kung hindi isang pull lang ng trigger patay na sila. You want that?"

"Or kung ayaw mo pwede kong ipapatay ang mahal mong Chrisca ngayon. Isusunod ko na rin ang mom at ate mo hmm..."

"Isa..." Napalunok ako. Nahihirapan akong magpumiglas sa mga taong nakadikit sa akin na parang linta.

Muli siyang humalakhak. Wala akong magawa. Umiyak nalang ako dito na parang bata.

"Dalaw--"

"Sandali!" Sabi ko habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga maskuladong lalaki.

"Sige bitawan niyo na siya." Utos niya.

At binitawan nga ako. Marahan ang aking pagkakatalsik dahil sa pagtulak sa akin. Buti nalang napigilan ko.

Inayos ko ang aking sarili.

"I hate waiting..." She said while raising her left eyebrow.

Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko sila.

"Pinapangako mo bang hindi mo sila sasaktan?" Napatingin siya sa gawi ko.

"Oh don't claim me as a liar." Umiling siya.

"Paano ako makakasigurado?" Nag tch pa siya na para bang iniisip ko na ang dami kong kailangan. Natural naman kasi mahirap na pag binaliktad niya ako.

"I may be bad Vion but I keep my words. So please, I have nothing to prove. Um-oo ka nalang!" She looks furious as of now. Mukhang tapat naman talaga siya. If not, I still have to protect them just in case.

"S-sige, magpapakasal ako kay Brianna. But please, don't hurt my family especially Chrisca, she means the whole world to me..." Napayuko ako. Sana pumayag na siya.

"Okay fine." She said.

Sana hindi ako mabigo.

"You can tell that to the police, Vion. That's against the law. That's a grave threat!" Akmang kukunin na ni mama ang phone pero pinigilan ko siya.

"No ma. Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin. She has a lot of connections. She can easily pull the trigger with the help of her group." As I slowly moved nagsalita si mama.

"You didn't even bothered calling the police? Vion! Kinukunsinte mo lang sila Vion!" I tried to calm her down. Hinawakan ko ang shoulders niya.

"Ma, just let me do this. Please? O-okay lang na ako ang masaktan. Wag lang k-kayo." Umiyak na ng tuluyan si mama. Ayokong umiyak sa harap niya. Well, I already did but not this close. Ayoko umiyak. Ayoko maging mahina. Kailangan kong maging malakas para sa kanila.

Kahit na sa dulo ako yung masasaktan at mahihirapan.

Biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang mukha ni titong may halong pag aalala. Naalerto kami at inalam kung bakit.

"Vion! Ang papa mo!"

----

CHRISCA

Walang pasok ngayon, dahil sa masamang panahon. Mahigit isang linggo na ring walang pasok pero buti nalang nakakapagpractice kami ng panuluyan.

My role sa panuluyan ay tupa. Habang sila Vion at Brianna naman ay si Mary at Joseph. Wait, bakit ko ba sila pinapansin. Ugh.

Si Lovi, ay isang tupa rin. Best friends talaga haha.

Habang nagpapractice naghaharutan naman sina Vion at Brianna. Ako? Nakatingin lang sa kanila at pilit na pinapaiwas ako ni Lovi na makita silang ganun.

Masakit pa rin. Oo.

Syempre hindi naman kasi mawawala yun eh.

"Ate Chrisca, pansin ko lang po. Di po ba kayo bati ni kuya Vion?" Mahinhing sabi ni Wish. Pinatahimik naman siya ni mama dahil sa alam niya na. Nandito rin pala si Wish ngayon kasi sa amin siya binilin ni tita Nilda.

Pinapasok na ni mama si Wish sa kwarto nila at naiwan kami ni papa at mama sa hapag.

"Sinaktan ka ba ng lalaking 'yun Chrisca?" Tanong ni papa. Alam kong galit ang tono ng pananalita niya. Ayaw niya akong nasasaktan eh.

"Di po pa kas--"

"Edi bakit ka nagkakaganyan? Sabihin mo lang anak. Ako talaga susugod diyan sa tarantadong yan." Nakahanda na ang kamao ni papa na dapat rin siyang tatayo ngunit pinigilan siya ng mga kamay ni mama.

"Kumalma ka pa." Awat ni mama.

"Pa, hindi naman po siguro niya sinasadya yun..."

I know it's wrong to defend him. Kahit na nasasaktan ako.

"Chrisca..." Mahinahong sabi ni papa.

"Kasi pa, alam mo? Nakikita ko pa rin sa mata niya eh. Nakikita ko pa rin yung pagmamahal niya para sakin." Nakaramdam ako ng mainit na likidong nasa pisngi ko na ngayon. Umiiyak na pala ako.

Tumayo si papa at mama. Nasa right side ko ngayon si mama at nasa left side naman si papa.

"Anak, patawarin mo ako." Hindi gaanong naging malinaw ang pananalita ni papa dahilan sa pagsabay nito sa pagyakap sakin.

Ang sarap sa pakiramdam na laging nandyan para sayo ang pamilya mo.

A/N

hi guys! malapit lapit na matapos ang WF kaya namaaan ang susunod na chapter ay para sa pagkilala sa mga characters.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon