Player 9 || Wish

7 3 0
                                    

'I'm sorry, I can't go with you. I'm sick.'  Yan ang message ni Topher, gustuhin ko man na si Vion ang ichat pero alam ko namang wala siyang pake sa mga ganitong lakad, well hindi naman sa WALA TALAGANG PAKE pero nakakahiya eh, so no choice ako kundi isama ang makulit kong pinsan na si Wisdom—also known as Wish.

Ewan ko ba dito, hindi nalang ginawang Wish yung pangalan niya talaga.

Nandito kami ngayon sa palengke. Kailangan kong mamili ng mga sangkap para sa lulutuin kong pansit. Eversince kasi favorite na ni mama ang pansit. Kesyo pampahaba daw ng buhay sabi nila.

Nang matapos kami sa pagbili ng sangkap para sa pansit ay kinalabit naman ako ni Wish.

"Ate, ang daming isda ngayon oh." Sabi niya sabay lingon ko naman sa isdaan sa palengke. Tama nga siya, marami sigurong huli talaga ngayon dahil medyo maayos ang panahon.

Tinitigan ko ang mga isdang nagkakadikit dikit sa isang lagayan. Napansin ko rin ang sikat ng araw na nagsilbing signal sa akin para bumalik na sa pamimili.

Siguro mamaya bibili ako ng isda.

Habang namimili ako ng mangga na kikiluhin ay muling nagsalita si Wish.

"Ate, nagugutom na ako." Sabi niya sabay paawa effect at kamot tiyan 'kunyari'. Joke!

"Wait lang bibili muna tayo ng isda. Last na yun." Sabi ko sabay bigay na ng manggang gusto kong bilhin.

Hinog na mangga. Parang may memories sa likod ng manggang 'to eh. Siguro dahil kasing haba ng mangga yung baba ni Wish. Ay joke lang! HAHA!

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa isdaan. Grabe, marami pa rin ang bumibili dito. Sino ba namang di bibili eh ang babait ng mga nagbebenta dito.

"Oy inday, bili ka na ng isda." Agad akong lumapit sa kanya at sinuri muna ang isda bago bilhin.

"Ate diba si Vion yun?" Kakaabot pa lang ng bayad sa akin ng ale ay napatingin ako sa gawing kanan kung saan nakatingin si Wish ngayon at tinuturo kuno si Vion.

Si Vion nga! Shit sana nung una pa lang siya na kasama ko no? Kung dito rin lang naman siya pupunta.

At mukhang lalapit siya sa lugar namin.

Ang presko niya tingnan. Parang nakakahiya naman sa suot ko ngayon na parang pambahay lang.

"Hey, girls. Sup?" Sabi niya sabay tanggal ng shades niya pagpasok sa isdaan ng palengke. Mukhang hindi siya mangangamoy dahilan sa mas lamang pa ang amoy ng cologne niya and I lab it.

"Ha? Eto namimili kami, birthday kasi ni mama." Sabi ko sabay pakita ng mga pinamili ko.

"Oh I see." Sabi niya.

"Ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko naman. Eh kasi mukhang pormang porma siya ngayon tapos sa palengke lang pala pupunta.

"May daily check up kasi si Romeo ngayon eh ako ang naatasan magbantay and ako rin ang napagsabihang mag hatid kay yaya pauwi kaya mukhang hilong hilo na ako sa kotse." Napatitig lang ako kay Vion nun. Parang gusto kong bumanat ng 'Buti hindi ka bumagsak nung nahilo ka, kasi ako tuluyan ng bumagsak sa'yo eh.' Pero ang weird naman kung babae ang babanat.

"Ate--"

"Ang sipag mo namang kuya." Sabi ko pa sabay ngiti. Napangiti rin si Vion sa aking sinabi.

"Syempre kaila---"

"Ate! Nagugutom na ako!" Napatingin ako kay Wish na parang natatae na ewan. Mukhang medyo napahaba na ang kwentuhan namin ni Vion kaya nakalimutan ko na siya, sorry.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon