Player 2 || The Baby

22 4 2
                                    

"Dahan dahan kasi." For your information. Di kami close. Tinulungan niya ako, I should thank him for that, but no. Di kami close. At may katwiran ako for not speaking.

"Tahimik lang? Pero grabe sumigaw sa bleachers ha?" Konti nalang talaga maiinis na ako.

"Hello miss silent pag wala sa court." You asked for this. Hinawakan ko siya sa kwelyo sa inis.

"What's your problem?" I don't know kung bakit ko yun ginawa, siguro talagang naasar ako sa boses ng lalaking 'to. Una sa lahat, epal siya at pangalawa, sinaktan niya baby Vion ko.

"Woah! Miss, ako sumalo sayo noong mahuhulog ka pa lang." So wow, utang na loob ko pa yun.

"Sino ba nagsabing saluhin mo ako?" Di ko talaga maiwasang magtaray.

"Di ko hahayaang mahulog ang isang--"

"Chrisca!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Si Ma'am Coletres pala yun. Mukhang may iuutos sa akin. Lalapit lang naman siya sa akin kung may iuutos man siya.

"Can you bring these feedbacks and reports to the clinic room." Sabi ko na nga ba. Hindi na ako nagsalita pa at kinuha ang iniabot sa akin.

Umasa akong sa paglingon ko ay makikita ko pa rin si kuyang tangkad na hindi ko nga pala natanong yung pangalan.

"Hay, parang enderman na ewan. Bigla biglang nawawala."

Dumeretso na ako sa clinic room para ibigay yung pinapabigay ni Ma'am Coletres.

---

Hakbang, hakbang papunta sa pintong aking kinatatakutan
Pintong matagal ko ng binitawan,
Heto, ang pinto ng nakaraan.

Pero siyempre charot charot lang yun, wala akong love life. Yun ang masaklap na part.

Kumatok ako nang tumapat ako sa pintuan.

"Miss nurse?" Nang makakatok ay pumasok na rin ako. Wala rin naman kasing sumasagot kaya malay mo walang tao at iniwang bukas ang pinto.

"Achi, yes. I'm okay, love you. Yes, bye!" Pamilyar na boses yun ah?

Pinuntahan ko yung pangatlong ward, kung saan nagmula yung boses.

Dumungaw ako ng konti para tingnan kung sino talaga ang may ari ng boses na yun.

Dungaw.

Dung--

BABY VION KO?!

Bakit parang ang sakit sa puso? May ina-i love you-han siya. Bakit? Sino ba yun? Girlfriend niya kaya? Nagtatago kaya sila ng relasyon kaya di ko naiistalk sa twitter, facebook, at instagram? Hays.

"Oh, andyan ka pala Chrisca? Hi!" Nginitian niya ako. It felt like, shet heaven. Parang nginitian ako ng anghel. Parang nahuhulog ako sa kanya lalo. Para akong nasa langit. *---*

"Chrisca?"

"Ay butiki baboy!" Nagising ako mula sa pge-daydream. Kyah Vion kasi eh, gwapo gwapo ng feslak mo na-elibs tuloy si ako.

Author: Anong lenggwahe yan? HAHAHA.

Dear Author, la kang pake. Ganito maging alien. At ikaw ang mastermind.

Author: Baka mega mind

Going back to the story,

"A-h e-eh, hi Vion. Sorry naka-interrupt pa ako sa inyo ng babe mo este girlfriend mo. Pasensya." Nag peace sign ako, pagkatapos nun ay bigla siyang humagalpak ng tawa. Ang saya niya namang tao no? Hehe. Bat kaya siya tumatawa?

"Do you know what Achi means?" Achi? Yung pangalan ng babe niya kuno? Hehe. Yun ang alam ko. Eh kasi naman nag-iloveyou-han sila diba? Tama! May pruweba ako, order of the court!

"Yun yung pangalan ng babe mo." Slight kong tawa na pakiramdam ko mali yung sinagot ko.

"No, silly, achi is ate. Ate ko yun." Ohmygahd. Wait, di ko alam kung makakaramdam ba ako ng hiya o giginhawa pakiramdam eh.

"A-ah s-sige. Aakyat na ako ha? Tuloy pa rin yung game eh." I waved bye and narinig ko pa siyang bumulong but nevermind. 'Yaan mo siya hehez.

Nagmadali na ako pumunta sa gymansium para ibigay yung tubig kuno ng mga players.

Sa ganda kong 'to naging water girl lang ako.

Di na rin ako nahirapan sa pagbubuhat, sanayan lang pala 'to edi sana ako na nagbuhat ng bigas namin no?

Ako si strong woman hehe. Dejok!

Pagkabigay ko ng tubig agad akong bumalik sa pwesto namin ni Lovi.

At pagbalik ko may isang lalaki siyang katabi.

"Sino yan?" Wala ng hello-hello kong sabi.

"Si baby Romeo." Sagot niya sabay ngiti, mukhang nahulog ang loob ni Lovi kay Romeo.

"Anak mo?" Nagbago ang awra niya sinimangutan ba naman ako.

"Hindi! Kapatid 'to ng bebe mo. Si bebe Vion mo." Sabi niya with ngiting pang-asar.
"Bakit hindi siya sa akin ibinilin? Wth!" Umupo nalang ako ng tahimik habang pinagmamasdan ang bata.

Kuhang kuha niya yung mata ni Vion, kutis niya pati jusko! Ang ngiti niya.

"Sayo dapat talaga 'to ibibilin. Kasi diba nga? Super close ka sa family ni Vion. May tiwala sila sayo. Tindi mo kasi girl." Nag-facepalm lang ako. Bakit nga ba hindi ko alam na may kapatid pa pala siyang lalaki. Hays, low stalking skills, self.

"Akin na nga yan." Kinuha ko si Romeo na parang laruang inaagaw sa isang kalaro. Pinatawa ko muna si Romeo. Nag make face pa ako.

Tinatawanan ako ni Lovi sa ginagawa ko. Oo na, mukhang tanga ako dito na nagme-make face para lang sa bata na 'to.

Di nagtagal umiyak siya. Natakot ka ba baby boy? Huhu sorry na.

Bigla na ring nagbuzz yung beater meaning start na ng next game.

Shit di pa rin tumitigil sa pag iyak si Romeo. Rinig na rinig sa buong gymnasium ang pag iyak niya kaya agad akong lumabas dahil baka makagulo pa ito sa mga players.

Pagkalabas ko ay umupo agad kami sa upuang nakalagay sa may gilid ng hallway. Medyo tumatahan na siya pero kitang kita ko sa mata niya na malungkot siya.

Bigla siyang sumandal sa balikat ko. "Ahia, Vion. Ahia!" Oo nga pala, kapatid niya 'to. Puntahan ko nga muna si Vion sa clinic room.

On the way to the clinic room,

Pagbukas ko pa lang, katahimikan ang bumungad sa akin. Wala na rin si Vion sa ward niya. At paglingon ko'y bumungad sa akin si nurse.

"Umalis na siya sa clinic mga five minutes ago. Teka, anak niyo yan?" Hindi ako makapaniwala sa tanong ni nurse. Talagang tanong agad kung anak ko 'to? Hindi ba pwedeng 'kaninong alaga yan?'

"Di po, kapatid po 'to ni Vion. Sige po bye!" Lukaret din nurse namin no.

Since, wala si Vion sa kahit saang sulok ng school, susunod kong pupuntahan ang paborito niyang place. Wala, stalker nga ako diba? Wag ka ng magtanong.

Oo, kasama ko pa rin si Romeo sa paghahanap. Nakasandal pa rin siya sa balikat ko at tila ba'y walang ganang tumawa.

Pumunta ako sa sacred garden kung saan palagiang tumatambay si Vion tuwing nag iisip or basta ewan ko dun. Dyan siya nag-eemo eh.

"Mabuti pa sa lotto, may pag-asang manalo. Di tulad sayo oh imposible."

*---TBC---*

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon