Player 25 || In My Arms

5 1 0
                                    

CHRISCA

Heto nanaman ako. Bumabyahe ng mag isa. Nakatingin sa labas. Ang lungkot na nga ng araw na 'to ang lungkot pa ng kanta.

"Manong, dito nalang po sa tabi." Sabi ko. Hindi ko na rin kayang tiisin yung kanta pati na rin yung amoy ni kuyang driver hehez tapang ng cologne eh.

Nakakaramdam ako ng kaba at lungkot. Parang hindi ko magugustuhan yung mga nakikita ko.

Pinunasan ko ang luha ko. At nagdecide na maging masaya. Syempre happy happy dapat tayo dito. Kailangan masaya, pero tangina, nalulungkot pa rin ako.

Sa pagpasok ko sa Tadhana Bar usok at amoy ng alak ang sumalubong sa akin. May mga babaeng todo ang sayaw at napakaikli ng suot.

Napatingin ako sa jeans ko. Naiiba ako sa kanila.

Merong mga nasa tabi at halos mag ano na dahil sa sobrang sweet sa isa't isa. Meron ding PDA. Merong todo kapal ng kolorete sa mukha at para bang handang lumaban sa miss universe.

Meron namang parang panty lang yung suot. Ewan ko. Eh sa yun yung nakikita ko eh.

Tapos may nakikita rin akong todo kain lang ng nachos at sabay inom ng hard liquors.

Nasaan si Vion? Nilibot ko ang mga mata ko.

Baka niloloko lang ako nung babaeng nasa phone? Pero malakas ang kutob ko na nandito siya. Bakit ba kasi ang liit ko jusko. Di ko tuloy siya makita.

Pero...

Shit...

Parang nabagsakan ako ng mabigat na bagay sa ulo.

Parang tinusok yung puso ko sa nakikita ko ngayon.

Tuwang tuwa pa siya pag lambing sa kanya ng babaeng kinapos ng tela.

Mukhang masaya ka Vion.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkalasing. Ngumingiti ngiti pa siya at namumula pa.

"Baby, stop that." Pag iinarte ng babae. Nakayukom ang kamao ko. Pinaghalong galit at lungkot ang nasa puso ko ngayon. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

Kusang lumabas ang luha ko. Hindi ko napigilan. Pero kaya ko pa namang pigilan ang galit ko kaya tumalikod ako. Kunyari wala akong nakita. Kunyari masaya na ako. Kunyari wala nalang kaming koneksyon sa isa't isa.

Ang sakit naman. Masyado ba akong pa-strong kaya ako nasasaktan ng ganito?

Lalabas na sana ako nang...

Makarinig ako ng pagkabasag ng kung anong bagay. Hinanap ko kung saan ito nagmula kahit nangingibabaw pa rin ang malalakas na tugtugin sa bar.

Napalingon ako sa pwesto nina Vion. Wala na si Vion pero nandun pa rin yung babae. Nagulat ako. Nakaramdam ulit ako ng kaba.

Nagf-freak out pa yung babae sa pwesto niya. Anong nangyari?

Madaming lalaki na nakatalikod at para bang nagkukumpulan. Iba iba ang hugis ng katawan. May mataba may payat at meron din namang pang body builder. Kahit mas malakas sila sa akin ay hinawi ko sila.

Nakita ko si Vion na nagdudugo na ang labi habang sinusuntok siya ni...

Topher?!

Pero mali, dapat pala hindi ko nalang hinawi.

Nasasaktan ako lalo kasi nasasaktan si Vion. Gusto kong pigilan si Topher. Kaso napako ako sa kinatatayuan ko. Tuloy tuloy na bumuhos yung luha ko.

'Vion ang sakit ng nakita ko'

'Topher tama na.'

'Vion may gusto ka ba sa babaeng yun?'

'Topher nasasaktan ako para kay Vion.'

Sigaw ng isip ko. Na hindi ko masabi sabi. Pumikit ako saglit at suminghap. Lumakas ang hikbi ko. Hindi ko na rin kasi mapigilan.

Lalabas nalang kaya ako? Oo, tama lalabas nalang ako. Bakit kasi ganun? Sakit eh. Isa isa lang dapat pero bakit parang double kill ang nangyari. Wala ba akong karapatang sumaya kaya di sila nakuntento sa pasakit kaya ginawa nilang dalawa.

Lumabas ako. Napako akong muli sa kinatatayuan ko. Ang sakit sakit na.

Nahihilo na ako.

Ayoko na.

Pain, please stop for a while. Hihinga lang ako ng maayos please? Napahawak ako sa puso ko.

Ang sakit na.

Nakaramdam ako ng katawan sa likod ko. May yumayakap sa akin na siyang nagpagaan ng pakiramdam ko. Kung sino ka man, parang naramdaman ko na 'to. Yung gumagaan yung loob ko pag niyayakap ako ng taong 'to.

Hindi ko siya maaninag dahil sa puno ng luha ang mata ko.

Pero hinayaan ko siyang yakapin ako.

I love this feeling...

TOPHER

Nang makita ko siya hindi ako nagdalawang isip na paulanan siya ng suntok.

Bwiset ka! Pinagkatiwala ko sayo si Chrisca. Ramdam ko na gusto mo siya, na mahal mo siya pero walang hiya ka!

Nagparaya ako para makitang masaya ang prinsesa ko pero ngayon ginawa mo siyang isa sa mga babae mo. Sinaktan mo siya, Vion.

Napakagago mo Vion! Hindi ko akalaing ganito ka ka hayup!

Hindi ko maiwasang mapaluha sa galit. Kahit suntukin kita hanggang sa madurog ka Vion, gagawin ko. Maibalik lang ang sakit na pinaranas mo sa prinsesa ko.

Kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid, hindi pa rin ako nagpapigil at sinuntok siya.

Nanggigigil ako. Gusto ko na siyang ihagis palayo!

Pero natigilan ako nang marinig ang paghikbi ng isang babae. Bukod sa tugtog sa bar, nangibabaw ang kanyang paghikbi.

Chrisca...

Agad akong tumayo at hinabol siya na papalabas na.

Nakaistatwa lang siya sa labas habang umiiyak. Ang mga napapadaang tao rin ay napapatingin sa kanya.

Agad ko siyang hinila at niyakap. Wala pa rin siyang kibo. Kaya dinala ko siya kung saan pwede siyang umiyak ng umiyak.

Manila Bay...

Tahimik na doon kasi gabi na rin. Iniisip ko nga hindi kaya mag isa lang pumunta si Chrisca sa bar?

Hinimas ko ang buhok niya na sobrang lambot. Umiiyak pa rin siya ngayon. Ramdam ko ang pagkabasa ng polo ko pero hindi ko iyon pinansin dahil ngayon, mas mahalaga siyang pagtuunan ng pansin.

Iniisip ko rin, ano ang ginagawa ni Vion sa bar?

Bakit siya nakipaglandian sa mga babaeng yun? Eh mahal niya si Chrisca diba? He should stay loyal. Like what I am now, to Chrisca.

Kahit na nasasaktan ako na malapit nang maging kayo ni Vion hindi pa rin ako sumuko. Oo lumayo ako pero hindi pa rin kita makalimutan. Ang matatamis mong ngiti at nakakahawa mong tawa ang mas lalo pang nagpahulog sa akin.

Kahit hindi mo ako saluhin, makita kang masaya sa iba, ito ay nagsisilbing kasiyahan ko na rin.

Fck you Vion, big time.

-TBC-

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon