Part 15 || Let's Meet

17 1 0
                                    

Sa kumpol kumpol na area, naagaw ng atensyon ko ang kanilang pinagbubulungan kaya naman pumunta ako dun. Napatingin ako sa bulletin board, kasali pala ako. Well, sinign up ako ni mom dito eh. To expose myself, and my knowledge.

Pero nanalaki ang mata ko, nagulat ako nang makita ko ang pangalan niya.

Sa kinalayo ng lugar niyo noon. Dito lang rin pala tayo magkikita.

That bitch. Naikwento ka na ni mom sa akin.

I can't help but hand a piece of marker and drew a devil face beside her name. Dyan ka nararapat. 

Dahil sa'yo umiiyak si mom dahil sa pagkawala ni dad. Dahil sayo naging miserable buhay ko. And hindi naman ako papayag na ako lang ang nagdurusa. Hindi ko hahayaang kami lang ang masaktan at umiyak habang ikaw naman nagpapakasaya. Kasama ng pamilya mong mamamatay tao. 


If I can't pull up my revenge on them edi ikaw nalang. 


Tutal madali ka lang naman paikutin sa palad Chrisca. 


Madali ka lang utuin.

----

Natapos ang kompetisyon,

Di ko man nakuha ang gantimpala na aking inaakala, ngayon, sisimulan ko na ang paghihiganti.

Hindi pa ito ang huli kong ganti kaibigan marami pang dadating kaya maghanda handa ka na. Magtago tago ka na.

My plans are just starting.
----

"Open your eyes!" Tinanggal ni Lovi ang kanyang kamay na nakatakip sa aking mga mata.  At ang bumungad sa akin ay mga party poppers. Mga cake, pasta at marami pang pagkain. Feeling ko birthday ko ngayon.

Nagulat ako nang makita kong nasa gitna si Topher.

"Surprise!" He said sabay wagayway ng kamay na parang peek-a-boo surprise talaga.

"Hay nako! Sino may pakana nito ha?" Tanong ko naman at isa isa silang sinuri.

Lahat sila'y tinuro si Topher. Siya? Magagawa 'to?

My heart started beating, shit. Bakit ako kinakabahan? Tapos na yung Academic Olympiad, self, duh.

Unti unti ko siyang nilapitan. At nang makalapit na sa kanya ay pinisil ko ng sobra ang kanyang pisngi.

"Salamat, kapre!" Gigil na gigil kong sabi habang pinipisil pa rin ang pisngi niya.

"Wow, kapre ba 'tong pogi na 'to?" Sabi naman ng mahanging lalaki na 'to. Sa sobrang hangin niya nilipad na ako. Ayoko na nga.

"Pero di nga, salamat." I smiled genuinely and he did the same. Nagkatitigan kami pero nabasag ng katahimikan ng boses ni Lovi.

"Kainan na!" Hay nako Lovi! HAHAHA.

So ayun ang saya namin sa gabing yun. Kahit late dinner na eh go pa rin kami sa pag kain. Syempre pagkain yan eh!

"Uy nasan na si Vion mo?" Sabi naman ni Lovi ng pabulong habang abala sila sa kani kanilang mga gawain.

"Hindi ko nga rin alam eh." Nalungkot ako bigla. Ewan ko nag eexpect ako na pupunta siya eh. Kasi yung kanina, sobra yung support niya. Tapos malalaman ko ngayon, wala siya.

"Chrisca!" Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Topher pala. At may inaabot siyang sulat.

"Galing kay Vion, hindi daw siya makakapunta ngayon." Yan naman ang sabi sa akin ni Topher at saka umalis. Nagtaka naman ako bigla, how sweet of him pero bakit hindi nalang niya minessage.

I read the letter,

Sorry I can't come Chrisca! At sorry hindi rin kita ma-message ngayon, I'm out of town at walang signal dito. Congratulations nga pala!

I smiled.

At nang makaalis si Topher ay agad ko siyang nilingon. Nakangiti rin pala siya sa akin.

Bigla namang tumunog ang phone ko.

*wswswswswsws*

"Hello?" It's from an unknown number.

"Chrisca, it's me Vion." Natuwa naman ako kaya agad akong lumabas sa bahay para makaiwas sa ingay.

"Oh? Akala ko walang signal jan?" Agad ko namang sabi. Well, kakabasa ko pa lang nung letter eh.

"Hmm, di ka ata masaya at nakausap mo ako." Hindi ko alam kung bakit ganito sa akin si Vion. Nakaramdam ako ng kilig at napakagat ako sa aking labi.

"M-masaya naman." I said. And I'm already feeling hot right now, as in yung pisngi ko.

"Uhm can I see you tonight?" Request naman niya.

Hindi ako nagdalawang isip at um-oo na.

"But, I thought you were out of town?" Tanong ko naman. Kasi, oo nga paano kami magkikita diba?

"I am, pero uuwi ako f-for you." Nauutal niya pang sabi. Kaya napatawa ako ng konti. Feeling ko kilig na kilig na ako ngayon. Yung puso ko sasabog na eh.

"Uhm, sige magbibihis lang ako." I said with a smile. Sinabi niya ring sige at binaba naman ang tawag.

Hindi ko rin alam kung para saan itong pagkikita namin. Pero puta kinikilig ako.

Pagkapasok ko naman sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto upang magbihis.

Nandyan pa rin naman ang mga bisita mula kanina.

Nang makatanggap ng message kay Vion na malapit na siya ay agad akong bumaba at hindi na nakapag paalam pa sa kanila.

----

Nasaan na kaya si Vion? Mangangalahating oras na ako dito sa paraiso. Medyo nakakaramdam rin ako ng lamig. Buti nalang dinala ko yung scarf ko. Kaya nga lang, malamig pa rin.

Naisip kong maupo muna sa may bench dito at nagsimulang kontakin si Vion.

The server cannot be reached. Please try again later.

Hays, asan na kaya si Vion? Hindi kaya pinapaasa niya lang ako?

Agad naman akong nakaramdam ng gutom at napangiti dahil buti nalang may malapit na resto dito and with my luck eh "Everything But Cheese" itong napuntahan ko.

Pagpasok ko pa lang ay binungad ako ng mga mababait at energetic staffs nila.

Umupo naman ako sa pinakadulo ng resto at tiningnan ang menu.

Hmm

Cheese burger? Palagi ko ng nakakain yan eh.

Grilled cheese sandwich with Nachos? Pwede.

EBC Specialty? Hmm. Ito nalang kaya.

Feeling ko kasi nagugutom pa rin ako.

"Ma'am welcome to EBC may I take your order?" Hindi ko pa man tinitingnan ang waitress ay na nosebleed na ako. Dejoke lang! Medyo nahihirapan pa akong pumili kaya, bahala siya jan at maghintay.

Siguro sanay naman siya no?

"Uhm ma'am?" Pag uulit niya. Akala niya siguro di ko siya napapansin. Nang makapagdecide na ng kakainin ay tumingin ako sa kanya.

"A-are you Chrisca? From Tio College?"

-TBC-

A/N:

SOOO SORRY FOR THE MISTAKES MAPA GRAMMAR MAN O TYPING. BOPLAKS PO SI AKO PERO TRYING HARD WEHEHEZ. ANYWAY, WALA NAMANG PERFECT EH?

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon