Player 4 || In One Day

15 2 2
                                    

"Sige po pa-sign nalang po dito." Nanginginig akong kinuha yung ballpen ni ate girl at pumirma.

Ready na ba ako?

Kinapa kapa ko yung lucky charm ko 'kunyari'.

Yung towel na pinamunas ko kay Vion. Hanggang ngayon di ko pa rin nilalabhan.

Isang buwan na ring lumipas at nakapag handa na ako dito. Kahit kasabay 'to ng research papers, compilations, reports, recitations, oral defense, experimental set-ups at iba pa ay hindi pa rin ako sumuko sa pagpapractice.

Buti nalang may youtube.

Nakapagsayaw na ako dati. Kaso, matagal na panahon na. Mga bata pa ako. Who knows baka nasa akin pa rin ang talent ko sa pagsayaw even though dancing isn't really my thing.

Hindi naman ako mahilig sumali sa ganito maliban nalang kung grades ang nakasalalay.

But this time dalawa na rason ko, ang grades ko at si Vion.

Sa tagal kong naistalk si Vion, may mga bagay pa rin palang hindi ko pa nadidiskubre sa kanya. Sana mapalapit ako sa kanya using this dance achuchu.

Tiningnan ko yung audition number ko. Thirteenth ako sa magpeperform. Magtatanghali na pero di ko pa rin maaninag o maamoy ang presensya ni Vion dito. Mukhang nagjo-joke lang siya.

Bigla nalang inagaw ng atensyon ko ang isang kotse. Nakita ko agad ang mukha ni Vion na eksaktong bumababa na sa kotse. Nakacostume ata siya? Ano ba yang suot niya? Wait, ito yung hypebeast na sinasabi nila no? Di ko nga pala alam yun pero mukha siyang hypebeast. I mean di ko alam yun pero nevermind.

May kasama siyang babae. Mas matangkad pa sa kanya at mature kung titingnan. At ang ganda niya ha! Kamukha niya si Vion ko. I therefore conclude na ate siya ni Vionny ko!

Nang biglang nagtama ang tingin namin ay agad akong umiwas at nag-focus sa mga mananayaw. Maygahd! Wag ka ngang tumingin sa kanila Chrisca. Kunyari di mo na siya kilala charot. I mean pretend na, walang nangyari, charot. Basta, chill ka lang self. Chiiilll~

---

Sumasayaw na siya. Shet! Kinakabahan ako.
Sa unti-unting pag apak niya may inaalalayan siyang babae. I knew for a moment that it's not his sister. Ibang babae naman 'to.

Don't tell me. Ewan ko pero bigla akong nawalan ng gana. Sakit sa puso.

Ngayon, tinititigan ko sila. Sumasayaw ng perfect, oh btw, isa itong interpretative dance. Kung saan may halong acting ang isang sayaw. Kaso, sa akin kasi maingay eh. Kasi naman yung poster sabi, dance to the beat diba? Hays nevermind.

'Dancing in the dark, with you between my arms.'

Hindi ko kayang makita yung mga scene na niyayakap ni Vion yung babae. I don't know her but I want to slap her right now.

Lakas ng epekto mo sa akin ang lakas.

-tik tik--

--tik tik-

"Miss?" Nagising ang diwa ko nang may kumalog sa akin.

Agad akong umayos ng upo at pinunasan ang laway ko.

Jusko, nakatulog pala ako. Siguro dahil sa puyat.

Napatingin ako sa stage. Oras na pala para ako naman yung magperform.

---

Sayang talaga hindi ko naabutan si Vion. Solo lang rin pala siya. Panaginip ko lang pala ang lahat. Natauhan lang ako matapos akong makapag-perform.

Wala ng paligo'y ligoy pa't agad akong umuwi. Hindi pa naman ngayon sasabihin kung sino ang pasado sa audition. Tsaka, ang totoong habol ko lang naman dun eh si Vion, eh ang kaso di ko nga napanood. Ang panget ko naman, bat di nalang kasi ako nag-audience or sumilip sa bintana dun.

Pasali-sali pa ako dito wala naman akong mapapakitang gilas kay Vion.

At dahil nagugutom na ako, umistop muna ako sa isang tindahan na may palamig at kwek kwek.

Syempre bumili ako,

napapaisip ako.

Simple ang kwek kwek, mayaman si Vion.

Kaya kaya ni Vion kumain ng kwek kwek? Weird na tanong na pumasok sa isip ko.

'Wswswswsws' -phone

'BESHYWAP CALLING...'

"Hello!" Masigla kong sabi.

"Kamusta yung audition?" Tanong niya pabalik.

"Uhm. Epic siya beshy!" Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Aw, kwento mo naman. Oh wait! Before I forget, pinapapunta ka ng principal sa school sabi ni Mam Coletres." Nagulat ako sa sinabi ni beshy. Seryoso the principal wants me to go to school right now.

Napa-tingin ako sa oras ng phone ko.

4:30 pm na pala.

"Kk, beshy on the way. Kwento ko nalang sayo pag uwi ko."

---

"Papers, yellow pad-- wait, yellow pad ko nasaan na?" Kakatapos lang akong kausapin ni principal. Nireremind lang niya ako na this upcoming week eh Academic Olympiad na. Libro nanaman haharapin ko that's why naghahalungkat ako ngayon sa locker kasi baka may papers pa akong pwedeng gamitin for the upcoming contest.

"Hi!" Napalingon ako.

It was Chael. Ex-boyfriend ni Lovi.

"Not in the mood for talking, Chael." From afar i can smell the scent of beer. Uminom ata 'to.

And who the hell permitted him to go to school.

"Nakainom ka ba? Why are you here?" Nagtataka kong tanong. Unti-unti akong umatras kasi papalapit siya ng papalapit.

"My dad assigned you to be my tutor." Me be like I'm shookt. Wala naman kasing kailangan ituro sa kanya matalino naman siya. At sa pagkakaalam ko hindi niya ako pwedeng maging tutor kasi magka-batch kami. Unless kinder tuturuan ko diba?

Unti-unti siyang lumapit. Pakiramdam ko isang atras ko pa, nasa corner na ako ng locker room.

Napapikit ako at pilit na umiiwas sa posibleng mangyari.

Lord, kung ito na ang huli kong pamumuhay sa world pakisabi kay mama nangupit ako ng 100 sa wallet niya noong grade one.

Aha! May bigla akong naisip.

Bago pa niya ako mahalikan ay tinadyakan ko na junjun niya. Diba galing ko.

Hindi na ako magtataka kung bakit madaming napaiyak si Chael. Mahilig umano eh. Nevermind. Buti nalang di ganun nabiktima si Lovi.

Napahiga siya sa sakit. Tumakbo ako at nagpakalayo layo.

Bawal sa akin ang mapagod ng ganito pero gora pa rin ako. Alam ko sa likod ko, hinahabol pa rin ako ni Chael. He's such a jerk.

Bigla akong napaluhod. Napapagod na ako. Sa daming nangyari ngayong araw nahihirapan ako maghabol ng hininga.

Walang tigil ang paghahangos ko kasabay ng paghawak ko sa dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napadapa ako ng wala sa oras. Nandidilim ang paligid ko. Tulungan niyo ako.

"Tulong!" Huli kong sigaw.

-TBC-

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon