Player 35 || Twins

6 0 0
                                    

"Okay last practice na bago magsimula ang founding anniversary." Chineck ni ma'am Dimalupa ang attendance namin.

"Ternante, check. Agoncillo, asan ka? Ay, check. Brianna baby, Brianna?" Napalinga linga siya upang hanapin si Brianna. Pati ako rin ay nakumbinsing maghanap. Pero nandito si Vion. Naka poker face na para bang wala siyang pake. Aish, malay mo nag away sila no? Bakit ba ako may pake dun! Ugh.

"Mr. Vion, where is Bri?" Masiglang sabi ni Ma'am Dimalupa.

"She can't come." Matipid niyang sabi ngunit bakas sa mukha ni Ma'am Dimalupa ang pagkadismaya na hindi nasagot ni Vion ng maayos ang tanong niya.

"Why?" Tanong ulit ni Ma'am. Ngunit hindi nag abalang sagutin ito ni Vion kung kaya't namayani ang katahimikan.

"Then, kailangan natin makahanap ng papalit sa kanya." Naglibot ang mga mata ni Ma'am at pilit kong hindi tumingin para hindi matawag.

"Oh Chrisca!" Ma'am pointed me. At tinuro ko rin ang sarili ko para sa kasiguraduhang narinig ko ba ang pangalan ko at di ko nagkamali nang tumango si Ma'am.

"Since wala naman masyadong lines si Mary. Ikaw nalang tutal ikaw ang pride of the school. I'm expecting na kakayanin mo." And that's what I hate about being the so called 'pride of the school'. Ang taas ng expectations nila sa akin. And no one knows baka itakwil nila ako sa isang pagkakamali lang, diba?

Though I don't get the special treatment some schools implement. Di ganun ang TU. Kung masipag ka may award ka. Siguro let's stick with that?

Napatingin naman ako kay Vion na ngayon ay katabi ko na.

Nakatingin siya sa malayo. At mukhang ayaw magbitaw ng salita.

----

Pagkatapos ng practice. Hindi man lang ako inimikan ni Vion. Parang limitado lang ang mga salita niya. Sa practice ng panuluyan lang kami nag usap pero scripted.

Pumalakpak naman si Ma'am Dimalupa. At sinabing maghanda na raw kami para sa founding anniversary.

----

Nasa bahay ako ngayon, napagdesisyunan kong ako nalang ang mag make up sa sarili ko. Ayoko kasi ng sobrang kapal na kolorete sa mukha, makati siya eh.

Bago ako mag make up ay naglagay muna ako ng primer para ligtas ang aking face kung mangati man. Ano kaya mangyayari mamaya hmm?

Naglagay na ako ng foundation. Kasabay ng concealer. Kakulay ko naman ang foundation kaso nakakaewan tingnan sa salamin or hindi lang ako sanay sa ganito.

Naglagay ako ng powder sa mukha at hindi muna ni-blend para pampa-set ng make up mamaya. Nagkilay na rin ako. This is chesnut brown kaya angkop na angkop ito sa kulay ng buhok ko.

Nag-eyeshadow na rin ako na faded gray ang kulay. Habang nagmamaskara ay pinatugtog ko ang paborito kong kanta.

Ang theme song ng spongebo- joke, pero swear mahilig ako sa spongebob. Halos buong kwarto ko nga nilamon ng spongebob. I have all kinds of poster ni spongebob tapos ang kulay ng kwarto ko is light yellow. Kasama nung poster yung mga iniistan kong groups. Basta inshort, fangirl ako.

Napakwento na rin ako hays...

"Oy si lover boy mo nak andito na!" Nagitla ako at muntik nang lumampas ang paglipstick ko. Sinong lover boy? Hindi kaya si Vion yun?

Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nakita ko si mama na na katabi siya. Naka porma pa siya ha? Saan kaya lakad nito?

"Oh Topher?" Hindi siya nakapagsalita at naiwang nakatingin sa akin.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon