Player 43 || Thorns

4 0 0
                                    

CHRISCA

Nag ring na ang bell. Ibig sabihin, tapos na ang examination namin. Pumunta ako sa locker area.

Sinimulan ko na ang pag aayos at pag lilinis ng locker ko kasi ilang araw nalang malapit na akong umalis.

Malapit na akong mapalayo sa kanila.

Hindi naman gaanong katagal ang isang taon no? Kung tutuusin parang isang araw lang yun.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nalaman ko ang totoo na kakambal ni Topher si Vion. Ang hirap maniwala.

Parang pinapaikot nanaman ako.

Nakakahilo.

Nagpaiwan na ako kay Lovi. Gusto ko rin kasing mapag isa ngayon. Ewan ko ba ang weirdo ko.

"Chrisca." Napalingon ako. Anong ginagawa niya dito?

"I have to talk to you again." Venica is getting into my nerves.

--

"Topher didn't mean to—" Heto nanaman tayo sa paliwanag.
"Can you please stop defending Topher? Huli na okay." I was about to leave nang magsalita siya.
"I love Topher and it kills me to see na iniiyakan ka niya." Tumigil ako pero hindi lumingon.
"At kung patuloy mong isasara yang kokote mo sa mga paliwanag ko na may saysay eh layu-layuan mo na si Top." She loves Topher? Halata naman nung una pa lang. Pero hindi ko akalaing magdadrama siya ng ganito.

"I know I'm not supposed to say this pero believe me, ngayon lang rin nalaman ni Topher na kakambal niya yung taong mahal mo." Humihikbi siya. Ramdam at dinig ko kahit pa hindi ako lumingon. "Kung ayaw mong makinig aalis nalang ako." I heard footsteps na papalayo. Lumingon ako at napagtantong wala na siya.

Bakit feeling ko ang sama kong tao? Am I that close minded? Hindi ko sinasadya.

Ah— shit. Ang gulo!

Napatakbo ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kahit saan nalang siguro? Kahit maligaw pa ako.

Napaupo ako sa damuhan, hindi ko na mapigilan. Iyak lang ako ng iyak kahit na maraming tao ang nakakakita sa'kin. Nawawalan na ako ng pake sa mga nangyayari sa paligid ko. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako ng sobra pa sa sobra.

"Ate Kwiska!" May batang lumapit sa'kin at hinawakan ang buhok ko. Agad kong inayos ang sarili at humarap sa kanya. Wait, he's familiar.

"Romeo!" Tumakbo siya pero biglang tumigil nang makita ako. Hindi pa rin talaga marunong ngumiti si Vion. Napatitig lang ako sa kanya kahit na haggard na haggard na ako.

"Rome punta ka muna kay ate nandun siya oh." Tinuro ni Vion yung way kung saan dapat pumunta si Romeo. Malaki na rin pala itong batang 'to. Kasing pogi na rin niya si Vion.

Nang mawala si Rome ay lumapit siya sa akin. Walang emosyon ang mukha at agad akong tinulungang tumayo.

"Bakit ka nandito?" Nagtanong siya bigla. Napatingin ako sa lugar na napaparoon ako. Nasa park pala ako.

"Vion!" Napayakap ako sa kanya. Buti hindi niya ako pinigilan at niyakap pa niya ako pabalik. I can still feel the love Vion, I can still feel it.

"Stop hugging me, you'll hurt yourself." Sabi ni Vion. Napaatras ako, nawala ang ngiti ko.

"I can feel that you still love m—" Di niya man lang ako pinatapos.

"No, I don't—" Biglang dumating si Brianna na ikinasira ng mood ko. Niyakap niya ito at mataray na tumingin sa'kin.

Sa totoo lang, gustong gusto ko na manampal pero hindi ko na kaya. Namuo ang luha sa aking mga mata. Unti unting tumulo at lumungkot ang aking mukha. Tumalikod ako, kunyari hindi ko nalang sila nakita.

Bakit ba kasi pag nakikita ko si Vion parang ayoko na mawala sa tabi niya? Ganun ko na ba talaga siya kamahal.

Nanlabo ang aking paningin, napaupo ako at nangapa. Saan kaya naman ako mapapadpad ne'to. Pesteng luha na kahit punasan mo iiyak at iiyak pa rin ako.

Nakaramdam ako ng yakap. Pamilyar ang amoy na yun ah.

"Topher?" I missed him pero may galit pa rin ako. But should I really understand the situation? What if it is false? Maniniwala pa ba ako dun?


Dinala niya ako sa isang waiting shed. Biglang buhos din kasi ang ulan.

"Sorry, sorry for—" Nagmakaawa pa ako. Ayoko mawala si Top sa'kin, I mean naging kaibigan ko na siya.

"Shh" Nilagay niya ang isang daliri niya sa labi ko at nagsalita.

"I am ready to embrace a rose with thorns just to make you feel loved." Niyakap ako muli ni Topher.

Hindi pwede 'to.

"Topher, hindi—"

"Hindi pwede? I know but can I just break the rule for one night?" Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Hindi ko mapigilang tumugon nang hinawakan niya ang aking baywang.

He stopped the kiss.

Napatingin ako sa mata niya.

"I know hindi magiging tayo, Chrisca but believe me I'll save you from anyone or anything. I love you my princess." Napangiti ako. I want to love Topher, I really do but it's just that my heart is stuck with Vion.

Pagkalapag ko ng gamit sa sofa agad akong nagtungo sa kusina.

"Pumunta nalang kaya tayo sa ibang bansa? Kung dyan lang tayo sa tabi tabi matatrack tayo ni Sylvia." Boses iyon ni papa.

Agad akong umakyat sa hadgan at iniwasan ang usapan nila.

Baka sa bukas makawala, wala na ako rito.

Nakakainis naman, tinakpan ko ang mukha ng unan at sumigaw. Nang matapos sa pagsigaw nakarinig ako ng gitara mula sa labas.

'Kung inaakala mo na ang pag ibig ko'y magbabago itaga mo sa bato~'

Pumunta ako sa bintana dahil sa pamilyar na boses. Ngayon ko nalang ulit siya narinig tumugtog ng gitara. Masyado na kasi siyang nakatuon sa trabaho o minsan naman sa gawaing bahay.

Bumaba ako para sabayan si papa.

Tumigil siya sa pagiistrum.

"Hala kakanta pa lang ako pa eh." Natawa siya. Umupo ako sa tabi niya at nagsalita.

"Pa, totoo po ba na kailangan pa natin mangibang bansa?" Naiiyak ako shet. Bakit ang sensitibo ko sa ganitong topic?

Nagfflashback sakin yung memories ko with beshywaps at iba ko pang mga kaibigan. Mamimiss ko sila if ever. Hala, bat ba ako nagdadrama agad.

"Siguro anak. Delikado sa Pilipinas. Halos kontrolado ni Sylvia mga tao rito. Madali lang niya tayong maaapakan gamit ang pera." Nanginginig ang boses ni papa. Mukhang naiiyak na rin siya.

"Pa, gawan kita ng kape? Magkwentuhan muna tayo sa taas, halika na pa." Binuhat ko ang gitara ni papa at inalalayan siya paakyat.


Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon