Player 6 || Made My Day

8 3 2
                                    

"Dapat hindi mo sinama yang panget na yan eh. Nakakagulo ka na ah. Sinisira mo moment namin ni--" I stopped, maybe I got too carried away kaya ko nasabi yung mga bagay na yun. Eh kasi naman. Minsan nalang kami magkaroon ng ganitong moment ni Vion tapos sisirain lang ni kuyang matangkad. Like duh.

"Woah! Magkakilala na pala kayo?" Nagulat naman si Vion. At bakit? Kilala na ba niya 'tong kapreng 'to?

"No!" Sabay naming sigaw.

"I mean, we don't formally know each other. Kilala ko siya pero di niya ako kilala. Not even a bit of my name." Sabi ng matangkad na kapre. Waw iba na nickname ko sa kanya ah.

"Uhm, ang awkward naman ng ambiance sa kwarto na 'to. But hey, Chrisca, he's Topher. The real life saver to were referring to." Napatikom ako ng bibig. Shut up nalang ako. Napapeace sign ako ng wala sa oras habang siya naman ay ngingisi ngisi sa akin. Hayup na Topher na yan. Mukhang kapre!

----

Pagkatapos ng epic na scene sa kwarto ko sa hospital ay biglang pumasok si mama at papa kasama na rin si beshywaps.

Halatang halata sa kanilang mga mata ang pag-aalala. Buti nalang hindi daw malala ang nangyari sa akin. At sobrang drama pa rin ni mama hehe.

Umiyak ba naman sa harap ko. Akala mo talaga namatay na ako eh. Hello, ma! I'm still alive and beautiful duh. HAHA joke mamshie lav ü

Pero wala pang dalawang araw ay nakalabas na ako ng hospital.

At pagkalabas ko ng hospital puro school works ang bumungad sa akin.

"So now, we are going to have an exhibit. What kind of exhibit?" Napatunganga ako kay Ma'am Coletres. Feeling ko kulang ako sa tulog kahit hindi naman talaga.

"Each of you has to group up or pair up with the other sections. Mapa-ABM, HUMSS man yan o ano. Kaka-announce lang 'to ni Principal eh ang kaso maraming late including you Miss Chrisca." Na-special mention pa ako ni ma'am. Well, at least pumasok kahit late. Kaway sa mga late comers na tulad ko parami na tayo ng parami.

Dahil nga sa inannounce ni ma'am kalat ang buong cafeteria ng mga studyanteng nagtatanungan. 'Gusto mo ng kagrupo?' 'Let's be groupmates' Pero ako chill lang. Wala eh feel ko yung pag mention sa akin ni ma'am pati na rin pala yung traffic kanina feel ko rin. At saka pwede namang si Lovi nalang kagrupo ko tapos maghahalungkat lang ako sa ibang section, oh diba? Easy groupmate.

"Girl parang wala ka atang gana?" Sabi ni Lovi habang kumakain.

Oo nga pala, if anyone is asking... Kung meron lang HAHA. Eh, alam na ni Lovi lahat ng nangyari sa akin. She's more concern sa nararamdaman ko kaysa kay Chael. And she told me about her new papi na nakilala niya sa Neargroup. And hopefully her lovelife expectations would turn out good.

"May gana naman pero pucha kasi nakakawalang gana yu--"

"Can I share a seat?" sabi ni Vion. Napangiti naman ako at winelcome siya sa tabi ko.

"May gana naman pala." Sabay sip ni Lovi sa shake niya with matching smile na 'jusko girl, nakita mo lang si crush ganyan ka na' look.

Agad ko naman siyang sinipa ng hindi halata. Syempre ayoko naman masira moment namin ni Vion.

"Sorry, I didn't mean to interupt kasi ang daming full tables eh at ang gulo ng cafeteria. Dahil siguro sa inannounce ni principal kanina." Same thought kami ni Vion ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ng bunganga ni Lovi.

"Gusto niya nga eh." Leche ka talagang Lovi ka. Wish ko masira lovelife mo kahit charot lang.

"Gusto ang alin?" Tanong ni Vion.

Jusko! Wait...

Kailangan ng plan B uhm...

Agad kong kinuha ang shake ni Lovi at sinipsip.

"Hmm! Ang sarap ng shake. Ito yung gusto ko Lovi. Ano ka ba!" Pabiro na pakunyari kong sabi. Kahit sa loob loob ko ay sukang suka na ako sa Strawberry shake ay pinilit ko pa ring pumasok sa loob ng tiyan ko kahit na tiyan ko na mismo nagsasabi. Bawal daw ang panget sa tiyan niya huhu.

Nawiweirdo nanaman ako.

"Ah-- siya nga pala..." May sasabihin si Vion shet. Kailangan prepared ang ears ko dito kahit puro luga. Hehez jokie!

"Pinapasabi ni Ma'am Coletres na sunod sunod na Sabado daw ang review niyo. Buti nalang Thursday ngayon." Love na love ko talaga si Ma'am Coletres kahit na makulit at nakakaasar siya minsan. Parang siya ang red string of fate namin ni bibi Vion. Pero bakit may 'buti nalang..'

"May plano ka bang makipag-hang out sa amin Vion? At may pasabi sabi ka pang buti nalang." Sabi naman ni Lovi. Siya na rin nagtanong ng tanong na dapat na tatanungin ko oh diba? Malito kayo sa akin please.

"Medyo but that's if the both of you are free." Sabi naman ni Vion. Para sayo bibi kahit madaming school works handa akong lumandi este samahan ka sa mga trip mo.

"Maybe it's the best if kayong dalawa lang. May mga gagawin kasi ako eh. You know busy life." Alam ko na galawan ng beshywap ko. Kaya love kita beshy eh.

"Ah, sure. How 'bout you? Chrisca?" Tumingin siya sa akin shet. Feeling ko sumasayaw na ng gimme gimme puso ko. Daig pa ang tumatambling sa bilis ng dugdug.

"Oo, free yan si Chrisca. Wala yang ginagawa, diba Chrisca?" Si Lovi nanaman nagsilbing bibig ko dahil napansin niya siguro ang pagkatulala ko kay Vion. Eh pano ba naman ang gwapo.

Nang mapatingin kay Lovi ay binigyan niya ako ng 'go girl sakay ka na' look.

"So are you free for later?" Tanong ulit ni Vion. Ayoko sana kitang paghintayin kaso ang flawless mo kasi eh mukha kang anghel kaya tumutulo laway ko sayo eh.

"A-ah. Y-yes sure!" Nang sabihin ko yun ay ngumiti siya. Shet! Lord wag mo muna ako kunin may date kami ni Vion mamaya.

-----

"Lovi! Ang tagal magdismiss!" Nandito ako ngayon sa room nakikinig sa prof ko. Syempre kahit kumekerengkeng tayo dapat good pa rin tayo sa studies.

"Wait lang girl. Malapit na yung last subject. Makinig ka muna kasi baka marinig tayo dito." Lahat kasi ng kaklase ko ngayon masinsing nakikinig. Akala mo talaga mabubuting mamamayan eh minsan lang tumahimik dahil terror teacher ang nasa harap.

"Miss..." Tinuturo ba ako ni Ma'am? Tumingin pa ako sa likod umaasang iba yung tinuturo ni ma'am. Ano ba 'to? Pwede namang sabihin yung pangalan eh.

"Ako po ba?" Tanong ko.

"Sino ba tinitingnan ko hindi ba't ikaw?" Ow nabars ako ni Ma'am Dimalupa. Ang galing galing ng world. Kaya walang ano-ano'y tumayo ako. Syempre baka paluin pa ako ni ma'am ng dospordos mahirap na.

"As actors and actresses of this section, how do you express your feelings?"

Pang malakasan tanong ni ma'am. Well, that's a perk of being a teacher major in acting.

Puro kasi pang-role play tinuturo niya.

"As an actress, naniniwala ako na ang pag acting ay naipapakita sa pamamagitan ng bugso ng damdamin. Kumbaga'y ipapares mo ang realidad sa mga scripts. Ibubuga mo ang nais na ibuga ng script. Lalasapin mo ang nais ipahayag ng script at ipapakita mo ang buhay ng taong iyong inaakto sa script." Pumalakpak silang lahat. Hindi naman maganda sagot ko pero hinabaan ko na rin ng konti para magtime na jusko. Kating kati na ako makasama si Vion.

*kring!*

"CLASS DISMISSED!"

*LE EVERYONE CELEBRATES char!

-TBC-

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon