Player 8 || Medyo Close :>

7 3 0
                                    

"Tara!" Hindi ko na kailangang maimbyerna sa kanya. Gumaan na loob ko eh what can I say? Things happen.

"Alam mo ba, tama ka." Sabi ko habang naglalakad kami. Feeling ko kasi ramdam niya ako feeling ko lang naman.

"Na ano? Na nagseselos ka?" Sabi ni Topher with matching tawa.

"Haha! Oo. Pero sa atin atin lang 'to ah." Sabay naman pag 'tumahimik ka ah' sign ko.

"Himala naman, bumait ka ata sa akin." Sabi rin niya. Ewan ko ba pakiramdam ko kasi, kaya gumaan yung loob ko sa kanya eh parang feel niya ako. Yung sakit na nararamdaman dahil kay Vion, nawawala nalang bigla.

Gumagaan loob ko sa kanya. To think na masasandalan siya. At isa siyang mabuting kaibigan base sa pakikitungo niya kay Vion.

"Jusko! Nakakalito din. Di ako makahanap ng one conclusion sa setup na yan. Kung bakit nga ba talaga ako bumait sayo." Pagkasabi ko nun ay napatingin ako sa kanya na kanina pa pala nakatingin sa akin at ngumiti.

"You know, wala ako sa lugar para sabihin 'to. I just feel something great whenever I'm with you. Parang happy pill kita ganun. I just want to make friends, can we?" Oo ako na si makapal ang mukha na mag ooffer ng friendship sa taong madalas kong inaaway o binabasag.

As I said, magaan na loob ko sa kanya.

I'm really feeling something great that makes me happy whenever I'm around him.

Siguro kaya naiimbyerna ako pag nasa tabi namin siya nina Vion at nakikiepal kasi...

Parang mas nahihigitan pa niya yung pagpapasaya sa akin ni Vion, and a part of me doesn't like it. But now, I really want to be happy, and right now he's the only pill that can bring happiness to my dim self.

"Oo naman. We can be friends!" At ayun nagshake hands kami.

"D'yan naman nagsisimula yun diba?"

"Ha?" I missed what he said dahil sa ingay ng paligid namin ngayon. Puno ng busina at kung ano ano pa that's why I bothered to ask him what he said.

"Uhm, gutom ka ba?" He said. I am really feeling na hindi sapat yung food na kinain namin sa foodplace kanina kaya tumango ako bilang sign ng 'oo' kay Topher.

-----

"Nga pala, Topher ano buong pangalan mo?" I asked while eating isaw.

Nandito kasi kami ngayon sa isawan na few blocks away from my house at sa house rin niya.

Di ko inaakalang halos magkalapit lang bahay namin.

"Ah? Topher Rin Cevinilla. Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakilala ng pormal. Ang weird kasi ng unang pagkikita natin eh and the fol--"

"Ayos lang! Ano ka ba! By the way, ako si Chriscallynne Giborja." At sa pagkakasabi ko parang unang pagkakakilala namin ang eksena.

"I already know that. Dahil ba naman sa daming tarpo sa loob at labas ng campus niyo na ikaw ang binabandera." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman lahat puro ako eh." I chuckled.

"Halos lahat ikaw. Minsan napapaisip ako bakit kaya di nalang ikaw yung gawing logo ng school niyo? Hiyang hiya naman kasi yung tarpo." Napatawa muli ako sa sinabi ni Topher. Madaldal rin naman pala itong kasama.

"By the way, how's your game?" Hindi lang kasi sila sa aming school sila lumaban. Marami pa silang nilabanan.

"Good good. We won 2nd place!" He proudly said. Well, they deserved it naman. It was good to hear. But then naalala ko nanaman nung nainjury si Vion.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon