Player 26 || Subok

6 1 0
                                    

Habang hinahaplos ko ang buhok ni Chrisca, rinig ko ang paghikbi at pagbulong niya.

"Akala ko mahal na ako. Akala ko lang pala. Akala ko seryoso. Akala ko lang pala. Damn, I hate expecting!"

"When you don't know where to go, when you don't know what to show. Without a doubt nor a call, I'll be here to catch you when you fall." Biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang yan. Kinumbinsi ko siyang matulog nalang kayna Lovi  sa pamamagitan ng pag sakay sa kanya sa taxi dahil baka mapansin ang mata ni Chrisca. Mahirap na.

Nasa taxi kami ngayon. Pinagmamasdan ko ang kanyang maamong mukha habang nasisikatan ng ilaw mula sa labas.

Hindi dapat sinasaktan ang ganitong babae. Ewan ko kung anong katarantaduhan ang naisip ni Vion ngayon. Hindi ko nga alam kung ipapaubaya ko pa si Chrisca kay Vion eh. Right now, Chrisca is vulnerable.

----

CHRISCA

"Tigil na natin 'to Chrisca." Sabi ni Vion. Napako ako sa kinatatayuan ko habang papalayo siya ng palalayo.

Hindi nagpaawat ang mga luha ko na kusang bumagsak.

Tumakbo si Vion palayo sa akin. Gusto ko siyang habulin. Gusto ko siya---

"VION!" Napabangon ako ng wala sa oras. Napagtanto ko na nasa kwarto ako. Habang nililibot ko ang paligid ay napagtanto ko ring nasa kwarto ako ni Lovi. Anong nangyari?

Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko. Pawis na pawis rin ako. Pero hindi naman mainit dito.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Chriscaaa!" Natatarantang lapit pa sa akin ni Lovi.

"Bakit ka sumigaw?" Tanong ko habang pinupunasan ang mata ko.

"Sumigaw ka rin kaya, nanaginip ka ba?" Pag aalala niyang tanong.

"Oo, b-bakit ako nandito?" Tanong ko agad.

"Hinatid ka ni Topher dito. Mas mainam daw kasi na dito ka muna magpalipas ng gabi kasi baka magtanong pa magulang mo pag nakita ka nilang maga ang mata." Napatulala ako sa paliwanag niya. Hinatid ako ni Vion?

Nakatulog ba ako?

Pagkalabas ko ng bar ay di mapigil ang paghagulgol ko. Lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa luhang nakatambak sa mata ko. Napayakap ako sa isang tao. 'Di ko siya kilala. Hindi ko siya makita. Pero magaan ang loob ko sa kanya.

Dinala niya ako sa isang lugar, hindi maingay pero malapit pa rin sa bar. Ramdam ko ito kasi kakaunting steps lang ang ginawa ko. Wala pa rin akong tigil sa pag iiyak.

Nasasaktan ako.

Sobra.

Sana pala hindi nalang umasa no? Asadong asado kasi ako. Simula noong makita ko siya sa clinic. Makita ko siya sa sacred garden. Makasama ko siyang kumain. Wala akong nagawa, nanlambot ang tuhod ko at napatabi sa taong kayakap ko.

Nanginginig ako pero ramdam ko ang paghaplos niya sa aking buhok.

Nagsasalita ako pero hindi ko maintindihan ang aking mga sinasabi. Nilabas ko lahat ng sakit sa puso ko.

"When you don't know where to go, when you don't know what to show. Without a doubt nor a call, I'll be here---"

T-Topher?

Ano sinabi niya? Aish. Nakatulog kasi ako eh!

"Alam mo beshywap..." Sabay hawak ni Lovi sa kamay ko.

"Hindi ko alam kung bakit nagawa ni Vion yun." Sincere niyang sabi. Maski rin naman ko. Lately kasi nagiging cold siya, dahil siguro sa pagkaaksidente ng mama niya.

Akala ko kaya hindi niya ako dinadalaw eh inaalagaan niya mama niya. Pero hindi--

'Di kaya sawa na siya sa akin? Sawa na siya sa paghihintay?

Natatakot kasi ako na sagutin siya eh. Kaso dumating rin yung kinakatakutan ko, hindi ko pa man siya sinasagot. Yun ay ang makita siyang may kasamang iba.

"A-ah Lovi, pwede makigamit ng phone? Magmemessage lang ako kay Vion." Sabi ko agad at binasag ang katahimikan.

Binigay niya ito sa akin at iniwan muna ako para kumuha ng makakain.

Nag online ako para na rin sabihan sina mama na nandito ako kayna Lovi. Kakausapin ko rin si Vion, makikipagkita ako.

10 messages

Mudrabells

Nak, nsan u? Nag a2la2 kmi ng papa u. Uwi ka na nak.

7 hours ago

Pudrabells

Nsan ka? Hndi namin alam ng mama mo kng san ka pmunta. D nmin alam kng knino ka ta2nugin. Umuwi k na mggalit aq.

5 hours ago

Mr. Tangkad

Hope you're safe. Ingat (:

6 hours ago

At napuno pa ng sari saring message ang inbox ko. Pero ni-isa walang Vion akong nakita.

Nag message ako kay Vion, pansin ko ring online siya kaya di na ako mahihirapang maghintay sa reply niya kung sakali.

Vion, kita tayo, foodplace 10 am.

Vion: Gf niya 'to.

Ha? Not funny, Vion. Usap naman tayo oh.

Vion: Not funny rin, gf niya 'to.

Vion, quit with the jokes. Sumasakit puso ko.

Vion: Idc.

Kita naman tayo oh. Please? :(( Puntahan kita?

Vion: No, wag.

Pumayag ka na please?

Vion: Bitch mapilit ka? Sige, yan gusto mo. Foodplace, 10 AM.

Why are you like that Vion? Hindi mo naman ako inaaway ah?

Vion: How many times do I have to tell you? Bitch, I ain't Vion, gf ako okay?

You're just joking. Sige kita tayo ha?

He reacted thumbs up.

Ano ba pinagsasabi ni Vion? Naiyak ako na natatawa. Am I being to desperate? Nakakasaka na ba ako? Masyado ba akong clingy?

Gusto kong makausap si Vion. Wala na akong pake kung masaktan ako. I just want to see him. Hindi ako makaramdam ng galit sa nangyari last night sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

Can too much love really kill you?

I'm partially dead inside right now...

Ramdam ko ang mainit kong luha na dumaloy mula pisngi hanggang baba. Nakangiti pa rin ako. Natatawa sa katangahang ginagawa ko. Posible kaya na ang dating sumusuyo sa iyo ay bumitaw na at humanap ng iba?

Masyado ko ba siyang pinaghintay?

Masyado na ba akong pakipot?

Masyado ba siyang nagmamadali at gusto niya ng relasyong walang ligaw ligaw, deretsong kayo na agad.

Pero hindi ganun si Vion. Bakit biglang nagbabago ang isang tao? Hindi ko sila maintindihan. Ni sarili ko rin ata hindi ko na rin maintindihan.

Masyaso na ba akong mahigpit?

Saan ba ako nagkamali?

-TBC-




Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon