Player 42 || Bad

6 0 0
                                    

"Anong oras na?" Tanong ko sabay hanap ng orasan sa kwarto ni Lovi.

"Ay maggagabi na! Hatid na kita beshywap." Umiling ako.

"Hindi na Lovi, magreview ka nalang. Kaya ko naman umuwi mag isa eh." Napatingin siya sa akin. Nag iisip isip.

"Hay nako. Sige na nga. Mag iingat ka ha." Inimpake ko na ang mga gamit ko na nakakalat sa kama ni Lovi.

Nag review kasi kami. Malapit na rin kasi ang finals namin. At ang maganda pa dyan. February 14 ang end ng school year namin. Ewan ko ba, feeling ko naiiba kami sa ibang schools. Pero infairness mahaba haba ang bakasyon.

Muli akong nagpaalam kay Lovi at umalis na sa bahay nila. Syempre nagpaalam rin ako sa mama ni Lovi.

Sinara ko ang gate at nagsimulang maglakad. Di rin naman kalayuan ang bahay namin sa bahay nina Lovi kaya lalakarin ko nalang.

Habang naglalakad ako. Nakarinig ako ng boses ng lalaki. Kumakanta siya habang nag gigitara.

Kinakanta niya yung Kahit Di Mo Na Alam ng December Avenue.

Mukhang problemado 'tong si Topher ah?

Napaurong ako kasi nagdadalawang isip pa akong humarap sa kanya. Ewan ko kung bakit?

"Huy anong meron? Nagdadrama ka?" Napalingon siya sa gawi ko. Marahang binaba ang gitara at napatingin sa akin. Binasa ko ang nais sabihin ng mata niya. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mata.

Naiiyak siya? Bakit?

Bigla siyang tumayo at niyakap ako.

Heto nanaman siya. Nangyayakap. Ang weird ng feeling eh pero niyakap ko rin siya pabalik.

Ramdam ko ang mahina niyang paghikbi dahil malapit ang kanyang mukha sa aking tenga. Ang higpit pa rin ng yakap niya.

"Huy, anong nangyayari?" Hinimas ko ang likuran niya. Para siya ngayong batang umiiyak dahil hindi nabigyan ng laruan.

"Namiss lang kita." At sa oras na iyon kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin.

Naaninag ko ang babaeng pamilyar rin sa akin. Teka, si Venica yun ah? Anong ginagawa niya dito.

"Uy Venica, thank you ha." Kinuha niya ang isang plastic cup ng kwek kwek.

"Libre mo na 'to ha." Sambit ni Topher na masaya. Hilig talaga neto sa street foods kaya kami magkasundo eh. Kaso na a-out of place ako ngayon at pinagmamasdan silang close sa isa't isa.

"Oo na, madaya ka eh." Pang aasar ni Venica.

"Anong madaya-"

"Wag ka na pumalag. Aalis na rin muna ako ha? Maiwan ko na kayo ni Chrisca." Lumungkot ang mukha ni Topher.

"Nilibre mo lang talaga ako neto. Ngayon ko lang rin nalaman, magkakilala kayo ni Chrisca?" Tanong niya sabay pagkunot ng noo na para bang inaasam asam na malaman ang sagot.

"Oo na, aalis na ako bye." Bineso niya si Topher sabay tingin sa akin ng seryoso. Mukhang alam ko na ibig sabihin niya.

Tuluyan nang umalis si Venica.

"Gusto mo?" Pamimigay ni Topher ng kwek kwek. Umiling ako habang nakangiti. Gusto ko siyang pagmasdan ngayon.

Suminghap ako. Umaasang makakakuha ng lakas ng loob mula sa hangin. Kinakabahan ako sa exam bukas pero mas kinakabahan ako ngayon dahil sa kailangan ko na ipaliwanag sa kanya na aalis na ako ng Maynila.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon