Chapter 41 || Presence

6 0 0
                                    

VENICA'S POV

"Dad died." Mahina niyang sabi. Ramdam ko yung bigat ng lungkot na nararamdaman niya ngayon. Gusto ko siyang yakapin.

When he's hurt, parang pinapatay ako.

Kaya ayoko siyang masaktan.

He's the man I loved.

Pero hindi niya alam, syempre busy siya sa pagpipilit ng sarili niya kay Chrisca. Minsan gusto ko na siyang sampalin at gisingin at sabihin na 'hoy, andito naman ako ah!' kaso bad timing kung ngayon ko pa sasabihin.

Si mom kasi...

I know her plans. Gusto niyang gawing miserable ang buhay ng mga Giborja. Kaya minsan ayoko sumubok na umibig. Ang toxic kasi talaga minsan ng pag ibig.

Yes, mom ko si mom pero I won't tolerate her hurting people's feelings and using love as an excuse. Love ain't evil.

Gusto kong magbago si mom. Para tahimik na ang buhay namin, kahit na di siya ang tunay naming ina.

I knew it pero hindi pa rin alam ni Brianna.

Isa pa 'tong babaeng ito na nabulag din ng pag ibig. I know she's been longing for her and Vion to get together in the end.

Ganun ba talaga ang love? Kaya ako, heto nananahimik sa dulo. Dinamay nila yung mahal ko edi syempre gagawa na ako ng paraan. Bukod sa nananakit na sila ng damdamin, they're ruining the true meaning of love.

Ayoko nalang magsalita.

"I know. Kakagaling ko lang sa hospital." Pagpapaliwanag ko.

"I can't even believe why is this happening to me."  Tinipon niya ang buhok niya at sinabunutan.

Napakunot ang noo ko, "It has nothing to do with you. Please don't think of it as if it was your fault."

"Hindi lang ito yung nangyari. Ewan ko kung bakit sabay sabay, Venica. Ewan ko." I feel so worried. Wala akong masabi. Hahayaan ko nalang siyang magsalita.

"Am I that miserable? Gusto kong sumaya!" Sumigaw siya at yun ang naging dahilan ng pagkagulat ko.

Akmang magsasalita pa lang ako nang tiningnan ko ang mga mata niyang lumuluha na pala.

"I feel so unlucky, Venica. I really do. Sorry if I'm crying in front of you like a lost kid." At sa oras na yun. Sumabay ang ulan.

Tatayo na sana ako nang bigla niya akong yakapin.

I'm here.

I may not be your happy pill but I'll make sure that I'll serve as your pain reliever.

---

CHRISCA'S POV

Weeks later, magpapasko na rin pala.

Para kasing ang constant ng mga nangyayari sa buhay ko.

As usual, wala si Vion, wala na si Brianna at lagi kong kasama si Lovi.

Same old ordinary plot and setting. Nothing new.

Well, siguro yung tambak ng works ang matutukoy kong bago.

Dapat nga sinusulit ko ang araw ko dito eh. Pero bakit parang kulang?

Si Topher naman matagal tagal na ring hindi nagpaparamdam. Wala na akong balita sa kanya. Maski si Lovi hindi rin alam kung nasaan siya.

Minsan binabalak ko silang puntahan. Pati rin si Vion pero ayoko na mapahiya. Bahala nalang. Kung magkikita kami, edi good.

"Huy ano nga sagot dito?" Namalay akong nakatingin pala ako sa pisara habang sinosolve ang isang equation na ipinaseatwork sa amin.

"Isa substitute mo lang yan pero kailangan mo muna hanapin yung values nila. Hanapin mo si x." Actually, pang first grading itong mga ipinapasolve sa amin. Hinahanda na kami sa exams. From first to third grading kasi yun eh.

Bukod sa mga equations marami pang activities na nakasulat sa board. Buti kinakaya ng board namin.

"Hay nako! Anong oras na ba?" Pagkakaiyamot ni Lovi napatingin ako sa orasan.

"10 minutes before dismissal." At sa point na yun may naalala ako.

Yung araw na niyaya ako ni Vion na kumain sa labas.

Akala ko may iba na siya nun, pero pinsan lang pala niya. Tapos kasama pa namin si Topher...

Si Topher...

Ewan ko kung bakit biglang sumulpot siya sa isip ko. Namimiss ko na pagmumukha ni kapre. Nakakamiss rin pala yung mga asar at pagkocomfort niya.

Hays ewan.

Nakakamiss rin pala yung kapreng yun.

Tatapusin ko nga muna itong activity na binigay sa amin.

Pasulat pa lang ako sa papel nang biglang...

*//kringggg!!//*

Ayan nanaman sila!

"WOOOH!"

"P*TA! NATAPOS RIN."

"AYOKO NAAA UUWI NA AKO!"

"FINALLY!"

"Cleaners maglinis kayo ah."

"Uy inayos ko na yung upuan, may pupuntahan pa kami eh."

"Pakopyahin mo naman ako uwian na rin naman."

Sari saring mga boses, sari saring usapan. Kanya kanya ng punto. Kanya kanya ng gusto. Ang ingay! Buti nalang patapos na rin ako. Tapos na rin siguro si Lovi kasi pansin ko ay nag aayos na siya ng gamit niya.

"Tara sa locker!" Pag aya niya sa akin pagkatapos ko ilagay ang papel sa mesa ng guro namin.

----

"Next week na exam natin beshy!" Pagrereact ni Lovi habang sinusuri ang mga libro na iuuwi niya.

Kanina pa ako tapos mag handa ng mga librong iuuwi para sa exam. Kung kaya't napatingin ako sa mga locker. Naagaw ng atensyon ko ang locker ni Vion. Hinawak hawakan ko ang lock nito. Locker pa rin kaya ni Vion ito?

"Locker pa rin niya yan." Bulong ni Lovi. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Ewan ko ba. Bigla nalang nawala yang si Vion." Nagsalita ulit siya habang ako naman parang wala sa mood makipag usap.

"Malungkot ka nanaman beshywaps!" Hinawakan ni Lovi ang pisngi ko. Pinisil pisil niya ito at tila'y nagmumukha akong isda sa ginagawa niya.

"Alam ko na makakapagpasaya sayo!" Masigla niyang sabi.

"Sa tingin mo ba mahal pa rin ako ni Vion?" Biglang naisingit ng aking bibig ang mga saliang iyon. Napakalaking tanong sa isip ko na bumabagabag sa akin.

"Uh, beshy, alam mo kasi--"

"Ang dami kasing signs, ang paasa ng tadhana, ang dami niyang alam, ang galing niya magpaiko--"

"Yung iniisip mo ba? Eh yung nangyari noong foundation day?" Tumango ako.

Ayoko maniwala sa mga katagang ito.

"Hindi ako si Vion na mahal ka pa."

"Hindi ako si Vion na mahal ka pa."

"Hindi ako si Vion na mahal ka pa."

Umiyak na ako. Wala na. Gusto na lumabas ng mga luha ko. Gusto ko na irelease yung sakit kaya wala akong nagawa kundi umiyak at yakapin si Lovi.

Kasi naman...

Mas gusto kong panghawakan yung mga alaala na kasama ko si Vion. The way he stares at me. The way he held my hand. Masyadong lamang ang memories kaysa sa sakit eh.

Should I still believe that he loves me?

Uh- quit love, I'll study for the exams!

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon