Player 21 || Call

4 2 0
                                    

CHRISCA

Hay nako si papa talaga. Narinig kong magtutuos daw sila kung kaya't nakinig ako maigi.

Di naman kalayuan ang kwarto ko sa sala kaya naririnig ko ang pag uusap nila habang nagbibihis ako.

"Nililigawan mo anak ko hindi ba?" Tanong ni papa. May pagka-matanong si papa kaya maiimagine mo talaga pag tinanong ka niya na parang nasa hotseat ka.

Masyadong malalim siya magtanong eh.

"Bakit mo nagustuhan ang anak ko?" Natanong ko na rin sa kanya yan dati.

"Pasensya na po, tito pero sa tingin ko po ay hindi ko mapapaliwanag ang dahilan kung bakit nagustuhan ko ang anak niyo. Isa lang po ang masasabi ko, hindi siya mahirap mahalin." Isusuot ko pa lamang sana ang jeans ko nang magkamali ako ng pasok ng paa. Kaya ang ending, wala akong alalay kaya agad akong na-out of balance.

"Anak ano yan?!" Si papa ang narinig ko. Agad akong tumayo at inayos ang aking sarili.

"Wala po." Sagot ko naman.

Buti nalang hindi ako narinig ni mama kasi busy siya makinig ng kanta ni Taylor Swift. Idol namin yun eh.

Kanina pa kasi ako nagcoconcert sa kwarto kaya nagulat ako sa pagdating ni Vion. Hindi ko naman inaasahang pupunta siya though napanaginipan ko siya.

Nevermind na rin kasi nakalimutan ko na.

Pagkalabas ko ng kwarto halatang nag aalala si Vion at papa sa narinig nilang pagkalampag sa kwarto ko. Kahoy kasi ang sahig namin kasi mas bet ni papa yung ganun.

Mala-Spanish nga dating ng bahay namin eh. Pero sunog proof naman ang labas.

"V-Vion tara na? Pa, aalis na po kami." Lalabas na sana kami ni Vion nang hawakan ni papa ang kanyang balikat.

"Iuwi mo ng ligtas ang anak ko ha?" Naalala ko tuloy nung hindi ako nakapag paalam sa kanila. Pinagalitan nila ako pero pinatawad rin sa huli. At binalaan pa na sa susunod na gawin ko yun ay grounded na ako.

Tumango naman si Vion at nagpaalam rin kay papa.

Hindi ko na rin nagawang istorbohin si mama kasi sabi ni papa siya nalang daw bahala.

Habang pababa ng hagdan, nag echo sa isip ko yung sinabi ni Vion.

Isa lang po ang masasabi ko, hindi siya mahirap mahalin.

Isa lang po ang masasabi ko, hindi siya mahirap mahalin.

Isa lang po ang masasabi ko, hindi siya mahirap mahalin.

Sa mga katagang yun parang gusto ko nalang mahulog ng tuluyan sayo. Yung tipong hindi na ako titingin sa huhulugan ko kasi alam ko na sasaluhin mo ako.

Pero utak ko naman ang kumakalaban sa pag iibigan natin, kasi paano kung dumating yung araw na yang mga mabubulaklak na salita ay bigla nalang maglalaho na parang bula.

Tunay nga...

When you love, you must be ready to take the risks. Even if that risk is loving a person who already loves someone else.

Sana hindi dumating sa puntong yan.

Napaatras ako bigla nang mapaatras din siya.

"Ay, wait lang." -Vion

"Pumasok ka muna sa inyo may kukunin lang ako." Napaatras naman ako. Na-curious ako sa kukunin niya.

At dahil wala akong magawa umakyat na rin lang ako.

VION

Kukunin ko pa lang yung sunflower and rose bouquet nang may mapansin akong nagtatago sa isang puno.

Napasilip naman ako pamilyar sa akin yung mukha niya pero nagising ang diwa ko nang maalala kong babalikan ko pa pala si Chrisca.

Hinihintay na niya pala ako.

----

"K-kamusta ka?" Paunang bungad ko habang bumabyahe kami.

"Okay lang, pasensya ka na di mo nakita si mama. Nagsa-soundtrip kasi eh." Natawa naman siya, napangiti naman ako.

Habang nagmamaneho di ko maiwasang tumingin sa kagandahan niya.

"Eh buti naman ngayon sembreak pinayagan ka nina tita, kasi ang alam ko sa mga araw na 'to busy ka magpractice sa gymnasium." Tama siya, may practice nga kami para sa upcoming finals pero isinantabi ko muna 'to kasi gusto kong iparamdam kay Chrisca na mahal ko siya.

Handa akong magpakakorny sa babaeng 'to.

"Sina mama at ate kasi umalis kaya free ako ngayon pati nag excuse naman ako kay coach. Naintindihan niya naman ako." Naalala ko papaalis pala sina mama at ate papunta sa isang meeting sa San Andres. Iniwan nila ako kay tito. Eh ngayon, si tito busy sa online business niya. Halos lahat kami may pinagkakaabalahan.

"Oh? Bakit nag excuse ka? May sakit ka ba?" Walang pag aalinlangang kinapa niya yung panga ko.

Ang lambot ng kamay niya.

Napaubo naman ako. Kaya tinanggal niya yung kamay niya sa panga ko. Hindi niya alam kinilig lang talaga ako sa ginawa niya.

"G-gusto mo malaman yung dahilan ng excuse ko?" Hindi ako makatingin sa kanya ngayon. Pero base sa peripheral view ko tumango siya.

"Ikaw" Napayuko naman siya. Ako naman ay napakagat sa labi at nakaramdam ng kilig.

A/N: Lalandi niyo! Hmph.

Pagpasensyahan niyo na si author, wala siyang lovelife eh.

Dahil nga sa banat ko nanahimik kami parehas. Bumanat pa kasi ako eh. Ayan tuloy, parang gustong ibalik ng dila ko yung sinabi ko kanina.

Nang makababa kami, agad siyang bumili ng streetfood.

Magutumin talaga itong babaeng 'to. Nang maipark na ang kotse ay napatingin lang ako sa kanya.

Napatingin naman ako sa isang poste. Yung lalaking nakita ko kanina, nakita ko nanaman ngayon. At this time, medyo naaaninag ko na siya.

T-Topher?

Napahawak naman ako sa bulsa ko at naialis ang atensyon kay Topher. Kinuha ko ang phone na kanina pa nagvavibrate at agad na sinagot ang tawag.

"Vion! Pumunta ka sa San Faida Hospital! Ngayon na!" Sa boses pa lang ay alam nang si tito iyon. Kaya lang, bakit ganyan ang tono ng kanyang pananalita.

"Bakit p-po?!" Kinakabahan na ako ngayon ng sobra at ramdam ko rin ng panginginig ng binti ko.

Parang may masamang nangyari akong nakukutuban.

"Y-yung mama at ate mo, n-nasagasaan." At sa puntong yun biglang tumigil ang mundo ko.

Nawala sa isip ko si Topher. Nabura ang ngiti ni Chrisca sa isip ko. Agad kong tinawag si Chrisca, nagtaka siya sa seryoso kong mukha nang sabihan ko siyang pumasok na sa kotse.

Hindi ako makapagpaliwanag ngayon, tanging pag aalala lang ang nagawa niya at hindi na nagtanong.

-TBC-

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon