Player 7 || Double Date?

13 3 2
                                    

"Ayos na ba ako, Lovi?"

"Mukha na ba akong tao?"

"Beshy, anong oras na?"

"Magpapalit kaya ako?"

"Magustuhan kaya niya yung appearance ko kahit naka uni--"

"Oo! Jusko, Chrisca ikaw ah lumalala na yang pagkagusto mo kay Vion." Nagulat ako nang putulin ni Lovi lahat ng aking mga katanungan na sa dinami-dami ay iisa rin pala ang sagot.

Nandito kami ngayon sa may corridor. Hinihintay ko dito si Vion kasi sabi niya susunduin niya daw ako sa room namin.

Oh diba, parang kami na. Pero joke lang yun, kasi alam ko namang hanggang pagfafangirl lang ako sa kanya huhu.

"Beshy, sure ka ah? Kasi naeewan ako sa damit eh. Uniform kasi. Hindi ako komportable." Reklamo ko naman. Kasi oo, hindi komportable, para ngang tumataba ako lately eh. Pag single talaga no?

"Oo na nga, kulit. Hahaha! By the way, alis na ako. Chuchubels good luck!" Sabay kindat sa akin ni Lovi pag alis niya. May feeling ako na may kikitain talaga yun eh.

----

So ayun, nandito ako sa corridor pa rin. Wala pa rin si bibi Vion. Bakit ang tagal niya? Di kaya trip niya lang akong maghintay dito? Err--

Nakarinig ako ng yapak mula sa aking kaliwa.

"Sorry na-late ako ng konti." Nako Vion kahit paghintayin mo ako dito poreber handa akong hintayin ka Vion q.

Pero teka bakit may kasama siya.

"Ako kasi ang dahilan kung bakit siya na-late." Sino 'tong babaeng to?

"Ah, nga pala, Chelsea si Chrisca, Chrisca si Chelsea." Ambiance pa lang halatang mataray si ate girl. Mas maganda pa siya sa akin kahit naka uniform lang siya.

"She's a friend of mine, gusto niya raw kasi makilala kayong mga kaibigan ko eh kaso wala si Lovi kaya kayong dalawa nalang." Sabi ni Vion. Sino naman yung isa.

"Sino yung--"

Sabi ko na nga ba eh.

"Sorry na-late ako kasi yung guard niyo ayaw magpapasok ng taga-ibang school eh buti nalang talaga sinabi ko yung pangalan ni Chrisca. Kasi ikaw yung unang bumungad sa akin sa labas pa lang ng school." Nakakainis talaga 'tong si Topher kahit kailan pinapahamak ako eh. Paano kung magtanong si kuyang guard tapos ako pa magdadahilan kay principal. Edi sana naghintay nalang siya sa labas kung ano man. Jusko! Nag iinit ulo ko sa kapreng 'to pigilan niyo ako.

"Uso naman kasi maghintay." I rolled my eyes at him. Totoo naman kasi, pwede siyang maghintay sa labas.

"Paano pag naghintay ako sa wala?" Nako! Masisira lang araw ko sa kapreng 'to kaya mas mabuting shut up nalang muna si ako.

"Kayong dalawa talaga jusko, madalas kayong mag away no?" Napatawa naman si Vion ko. Tumawa rin naman ng slight si Chelsea yung parang ngiti tawa ng mahinhin lang.

Buong paglalakad namin ay nakakapit siya kay Vion. At dahil ang sidewalk ay medyo maliit lang para magkasya kaming apat. Sa likod naman kami ni kapre.

"Selos ka no?" Bulong naman ni kapre.

"Manahimik ka, tatadyakan kita jan." Medyo beastmode kong sabi. Ewan ko wala naman ako g dalaw ngayon pero automatic talaga akong naiimbyerna pag kasama si Topher.

"Waw, scary." Pagkasabi niya nun ay sinamaan ko siya ng tingin. Scary niya mukha niya. Mas scary pa siya sa akin duh.

----

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon