Player 28 || Heartache

7 1 0
                                    

Umupo ako sa pinakadulo ng restaurant. Eh sa mahilig ako sa dulo eh. Lagi naman akong last priority.

Nag order na rin ako ng makakain dahil nagugutom na rin ako at magtatanghali na.

I stared at the window. Parang ang tahimik rin ng labas, or is it just because of the silent ambiance in this restaurant.

"Baka masaktan ka nanaman Chrisca."

"Baka masaktan ka nanaman Chrisca."

"Baka masaktan ka nanaman Chrisca."

"Baka masaktan ka nanaman Chrisca."

Ugh! Those words kept bothering me. Mapapatanong ka nalang sa isip mo kung bakit niya sinasabi yun eh. I mean, why does he care so much gayong kaibigan ko lang naman siya.

Parang daig pa niya tatay ko sa concern eh.

I don't know, I feel weird pag ginagawa niya yun. It's kinda unlikely for him to do that.

"So we met again, Chrisca." Napaangat ang tingin ko. I think she's familiar. Wait, siya yung babae sa Republic Institute?

"Venica? Evaristo?" I stared at her with a lot of questions in mind. What a coincidence.

"Bago ko sabihin sa'yo 'to, please don't think that I'm concern sayo, I'm just concern to those people na maaring masaktan..." Wala akong masabi at hinayaan siyang magpaliwanag. Kasi ngayon, lutang talaga ako. Hindi ko nga alam yung pinagsasabi ni Venica eh.

"Let me just remind you, good girls are bad girls that have never been caught. So... Just be careful." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay umalis na siya ng walang paalam.

Everybody is acting weird.

Napatingin ako sa window ulit. This time may nakita akong lalaki. Siya yung nag warn sa akin last time ah? Siya rin yung nakita kong kasama ni Brianna.

"Kailangang mapapayag mo ang anak ko sa nais mong makuha." Sabi nung lalaki na nakatalikod sa akin.

"Silence means yes, babalaan lang kita, sweet angel. Layuan mo si Vion kung ayaw mong maranasan ang reverse effect ng ginagawa niyo." Kinabahan ako.

Nagulat ko nang biglang may kamay na kumalampag sa harap ko.

"You're the cheap girl right?" Anong sinasabi niya?

"Sagot agad, girl!" Nanggigigil na siya. Nakita ko sa likod niya si Vion. He is not smiling. His eyes speak seriousness. Kinabahan ako nang umupo silang dalawa sa harap ko.

"V-Vion..." Naluluha na talaga ako. Ayokong nakikita na may kasamang iba si Vion. Hindi ako sanay.

"I told you na ako ang real girlfriend ni Vion! Gosh girl you are so cheap, I won't even stoop down your level." Napatayo ako at sinampal yung babae. Hindi naman siya pumalag at napayakap kay Vion na parang lintang nagmamakaawa.

"V-Vion... Magsalita ka naman!" Sigaw ko. Hindi ko na ring napigilang umiyak kasi sakit na eh. Sobrang sakit.

"I'm happy with her, let's cut everything between us. L-leave me." He said. Sobrang pait ng pagkasabi niya non. I tried to smile at him despite of this pain I am feeling inside. Kinuha ko na rin ang bag ko at kusang umalis ng walang paalam.

Tama ba yung matandang lalaki, tama ba si Venica?

Lalayuan ko na ba talaga si Vion? Pero parang hindi ko kakayanin.

Should I be careful? Pero paano?

My heart and mind are teaming up. My soul can't control what I feel.

Gusto ng puso ko sumugal pero baka ikamatay ko ito. Pagkalabas ko ng restaurant, biglang bumuhos ang ulan. Wow! Just wow! Napaka-cliché na  ng ganitong pangyayari. Wala na bang bago?

Tamang tama pa, wala akong payong.

Tamang tama pa, nasasaktan ako ngayon.

Agad akong tumakbo sa isang waiting shed na pinakamalapit sa kinaroroonan ko.

Umiyak na lang rin ako kasi tangina, sakit eh.

Sige umulan ka lang, para akalain nilang nabasa lang ako ng ulan at hindi ako umiiyak.

Napaupo ako. At iniyak lahat. Nawalan na ako ng pake sa mga taong nasa paligid ko. Bahala kayong maglakad diyan, nasasaktan ako ngayon, wala kayong pake kung umiyak ako dito magdamag. Eh sa hindi niyo ako nararamdaman puta.

"Ate Chrisca!" Agad akong napatayo nang makita si Wish. I wiped my tears at nginitian siya. Nakatingin naman siya sa akin na para bang naaawa.

"Na-miss kita!" Niyakap niya ako. Yumakap naman ako pabalik. Sorry basang basa ako baby girl. And thank you at dumating ka.

Nakapayong siya ngayon at halatang galing sa school.

"Ate tara na, hinihintay tayo ni tito!" Teka? Nandito rin sina papa? Paano nila nalamang nandito ako.

Hinila ako ni Wish at inabot sa akin ang payong niya. Gumaan nama loob ko kahit papaano.

----

"Ate alam mo ba kung bakit kami pupunta sa inyo?" Ang ibig sabihin niya ay sa bahay nina Lovi. Nasa kotse kami ngayon. Hindi ko rin alam kung galing saan ito. Tuwang tuwa siya habang nagkukwento sa akin.

"Bakit?" Pinilit kong ngumiti.

"Kasi i-susurprise ka sana namin ni tita at tito. Sumama na rin ako kasi miss na kita eh." Sabay yakap niya sa akin.

"Oh, Wish baka mabasa uniporme mo. Medyo basa damit ni ate mo eh." Sabi ni papa habang nagdadrive.

"Eh tito kanina ko pa po siya niyayakap." Pagmamalaki pa niya.

"Anak, saan ka nga ba galing? Parang pumunta ka sa isang lugar at hindi mo napaghandaang magdala ng payong." Tumpak ang akala ni mama.

"Hindi ka man lang sinundo ng manliligaw mo, sino nga ba yun? Ah! Si Vion." Natigilan ako at napatungo.

"Anak may problema ba?" Napalingon sa akin si mama.

"Ay, mama paano niyo po pala napag ipunan itong kotse?" Napatingin ako sa kaliwa at kanan. Mainam na inobserbahan ang kagandahan ng kotse.

Tumawa si mama, "Ay anak! Sinuwerte tayo eh." Napangiti ako. Saan? Anong meron? Napalitan ng tuwa ang mapait kong ngiti.

"Ano ma? Di ko gets." Natawa ako ng konti.

"Hay nako etong si papa mo. Napasabak sa reunion nila kuno. Eh may pa-raffle. Pag sinwerte ka nga naman, nakakuha pa ng kotse. Eh buti nalang, sanay na ang papa mo mag drive." Sabi ni mama. Napatawa rin siya.

"Anak, mabalik tayo sa tanong ko... Okay ka lang ba? Bakit parang problemado ka noong nakita ka namin sa waiting shed." Napatungo ako.

Wala akong maisagot.

Kasi ang totoo, hindi ko alam kung may saya pa ba akong nararamdaman pag minamahal ko si Vion gayong nasasaktan na niya ako.

Dear self, masaya pa ba talaga ako?

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon