Player 24 || Warning

5 1 0
                                    

CHRISCA

"Sige sige mag iingat ka ah?" Sambit ko at binababa ang phone.

Nagpaalam si Vion na magmimeet lang sila ng friends niya, kampante naman ako kasi may tiwala ako sa kanya.

Nagpaalam rin ako sa kanya na magmo-mall kami ni Lovi. Marami rin kasing ikukwento sa akin yung babaeng yun haha.

----

"Nag meet kami beshywap!" Panimula niya habang naglalakad kami papasok ng mall.

"At alam mo ba, sinabi niya na handa siyang magpatransfer sa school natin! Matalino din siya at alam mo ba opposites kami pero diba sabi nila opposites attract daw!?" Sabi niya habang kinikikig pa rin. I'm happy for Lovi. Pagkatapos nung nangyari sa kanila ni Chael she deserves to be happy. Lagot lang sa akin yung lalaking gusto niya ngayon, his name is Xcyan if I'm not mistaken.

Habang nakikinig sa kanya naalala ko si Topher, siya nalang walang lovelife sa aming magkakaibigan. Hindi kaya may nagugustuhan siya pero di niya lang masabi?

O baka naman torpe si Topher? Katunog ng pangalan niya oh!

Napatawa ako bigla habang inaalala si Topher sa bawat kwento ni Lovi.

Tumigil kami sa isang restaurant na tinuro ni Lovi out of nowhere. Mas maganda daw kasi kung magtatry kami ng bagong kainan.

Umupo kami sa pinakadulo at two-seated na pwesto.

"Ang ganda dito!" Sabi ni Lovi na tila ba na namamangha habang nililibot ng kanyang mata ang paligid. Napatingin rin ako. Parang bahay namin pero mas Spanish Era naman talaga 'to. Properly furnished ang bawat sulok. May mga old pictures rin na nakadikit bawat walls.

Makaluma siguro ang may ari ng restaurant na 'to.

Agad naman nagtake ng picture si Lovi. Kahit kailan talaga, itong babaeng 'to.

Napaupo naman ako at inasahang lalapit ang waiter. Lumapit sa amin ang isang babae na naka-uniform na pang waiter with matching apron pa sa harap niya.

Kinuha niya ang order namin.

"Uy,  Chrisca, pansin ko lang, bakit hindi na tayo nakikipagbond kasama si Topher?" Napayuko ako sa sinabi niya.

Sa tuwing may foodtrip kaming magkakaibigan tumatanggi siya kung kaya't naisip namin na hayaan muna siya. Sa ngayon, wala pa rin siyang reaction. Wala siyang kibo. Hindi niya na kami pinapansin.

Sa tuwing napapadaan kami sa school niya it's either wala siya or tinataguan kami.

Hindi ko na rin sinubukan na ichat siya because he wants space and I can feel it. May problema ata siya kaya hinayaan ko muna. Is it good or bad? I don't know.

Hindi ko na rin alam gagawin ko.

"Maybe he's just busy." Sa pagsambit ng mga salitang iyon ay napatingin ako sa lalaking naka itim na damit. All black actually. Nasa kabilang dulo siya at nakatingin sa amin.

Medyo naweirdohan ako kaya napa-focus nalang ako ng tingin kay Lovi.

"Iniiwasan niya ba tayo?" Napailing ako. Hindi naman siguro.

Ramdam kong may naglalakad sa likod ko at di rin napansin ni Lovi. Inilapag niya ang pagkain sa mesa namin at mariing tumingin sa akin. Napansin ni Lovi iyon kaya agad niyang binaba ang kanyang phone.

"You are Chrisca right?" He said with a grin. Siya yung lalaking nakaitim. Siya yung nakita ko sa isang table na masamang tumitingin sa amin. Who is he?

"Silence means yes, babalaan lang kita, sweet angel. Layuan mo si Vion kung ayaw mong maranasan ang reverse effect ng ginagawa niyo." Kinabahan ako. Ramdam ko ang pagtataasan ng balahibo ko hanggang sa siya ay umalis sa gilid ko.

Agad kong binalewala sa isip ko ang sinabi niya nang makaalis siya. Hindi na rin kami kumain ni Lovi. Halatang ngayon ay gulat na gulat pa rin siya sa nangyayari.

Layuan ko si Vion? No way!

Tinatakot lang ako ng lalaking yun. Pero di ko pa rin maiwasang makaramdam ng kaba. Ang gulo.

Umalis na kami ni Lovi sa mall. At hindi na rin namasyal pa. Kailangan niya na daw umuwi kasi hindi maganda ang pakiramdam niya. Hinala ko ay dahil rin siguro sa nangyari kanina.

Sumangayon ako kasi ganun rin ang nararamdaman ko ngayon.

Damn, hindi ko man lang natanong ang pangalan ng lalaking yun. Pero pamilyar sa akin ang boses niya.

"Kailangang mapapayag mo ang anak ko sa nais mong makuha." Sabi nung lalaki na nakatalikod sa akin.

"Ikaw ang magpapayag sa kanya tutal may utang ka sa aking pamilya. Gusto mo bang ipakulong kita?" Hindi ko akalaing ganun pala si Brianna.

Hindi kaya...

Siya yung lalaking nakatalikod na kausap ni Brianna?

Naguguluhan ako.

Hindi kaya may pakana si Brianna dito? I can't help but overthink.

Noong una pa lang...

"Ah- eh-- Brianna, I have to cancel the order, may pupuntahan pa ako." I urgently said at hinarangan niya ako.

"Can I atleast lead you outside? As a customer na din." She smiled. Wala naman akong nagawa at sinamahan niya ako palabas. Sinabi niyang sila pala ang may ari ng EBC. At nakikijoin lang siya sa mga staffs.

Naisip ko ang bait niya. Mas mabait pa sa naisip ko na magiging siya. Well, tinulungan niya naman ako kay ate girl. Akala ko mapapahamak na ako dun eh.

Nung nasa labas na kami. Nakita ko si Vion. Tuwang tuwa ako ngayon dahil fresh na fresh siya at mukhang alalang alala sa akin.

"Vion!" Bati naman ni Brianna. Wait, magkakilala sila. Nauna siyang yumakap kay Vion at ako naman. Shookt lang. Hehe okay lang kaya ko pa mag timpi.

"B-Brianna?" Vion was also surprised by her presence.

"Nalayo ka lang sa akin, di mo na ako naaalala. Parang wala naman tayong pinag--" Pinutol ang kanyang sinabi ni Vion.

Magkakilala sila. Hindi kaya kilala rin ni Vion yung lalaking nakaitim kanina? My gosh! Gulong gulo na ako. Natatakot rin akong makipagkita kay Vion fck!

Pag uwi ko ng bahay agad akong naghilamos ng sarili para mahimasmasan. Pagkatapos ay napahiga nalang ako ng kama at napatingin sa kisame.

Maraming bumabagabag sa akin ngayon.

May biglang tumawag sa akin...

*Vion calling*

Hindi ako nagdalawang isip at sinagot ito agad.

"Vion you are being wild."

"I love you baby."

"Baka sundan tayo ng girlfriend mo sa Tadhana bar."

"Kiss me Vion! Ah~" Boses ng babae ang narinig ko. Kasabay ng pag alingawngaw ng tunog sa bar.

This time, hindi ko kilala ang may ari ng boses na iyon.

"V-Vion?" Nanginginig kong sabi habang hawak ang phone.

-TBC-

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon