Player 29 || At Her Worst

8 0 0
                                    

THIRD PERSON

"Hindi ko akalaing magkikita ulit tayo. Ilang dekada na rin ang lumipas." I drank my wine at pinilit kong hindi siya pansinin.

"Are you still afraid? Hmm?" Napatingin ako sa kanya. Nagtatanong ako sa isip ko at hiling ko na sana maintindihan niya ako.

"Natatakot ka bang malaman ng mga anak mo ang katotohanan?" Muntik na akong makabangga ng waiter nang marinig ko mula sa kanya iyon.

"W-Wala akong kinatatakutan, Sylvia." Pagmamatigas ko.

"Wala pala. Itutuloy ko nalang ang plano ko." Sabi niya habang pinaglalaruan ng daliri ang edge ng  table.

"Wag mo idamay ang mga bata dito." Sabi ko.

Walang hiya talaga. Napakasama ng babaeng ito.

"My girl is doing her job so well." She clapped.

"I can also tell everyone your secret, Sylvia." Napangiti ako.

Ampon lang naman ang babaeng tinatagurian niyang anak kuno. Naaawa ako sa batang iyong dahil pinalaki siya ng masamang babaeng ito para lang gamitin sa paghihiganti.

"Sorry to say. Wala akong pake. Kahit anong gawin mo, walang maniniwala sa'yo dahil una sa lahat wala kang pruweba. At ako naman, I have connections tungkol sa pagtatago mo, sa lahat ng krimeng ginawa mo, darling." Kahit kailan talaga. Pakiramdam ko ay nanliliit ako.

Nagtatago ako sa isang pangalan. Iniba ko ang aking istura. At sinubukang mamuhay ng malaya.

Pero siya lang pala ang sisira.

"See you around, darling." Sabi niya at iniwan akong nakatayo.

Bwisit!

Hindi ko alam kung dapat bang sisihin ang pesteng pagmamahal na yan.

Nakakalason. Nakakamatay. Minsan ikaw pa mismo ang makakapatay.

Nilamon ka na ng pag ibig, Sylvia, pati isang masayang pamilya binabalak niyang gibain para lang maghiganti sa sakit na naranasan niya. Dati lamang ay magkaibigan tayo, pero di ko akalaing ako ang gagawin mong daan para makasira ng samahan at makasakit ng mga inosenteng nilalang.

I need to stop Sylvia with her plans.

I need to awaken her away from this hell.

TOPHER

Pag bukas ko ng pinto, walang ingay masyado. Wala ba si papa?

Naabutan kong naglilinis si yaya Mercy kaya tinanong ko na rin siya.

"Nasan si papa, ya?" Tanong ko sabay lapag ng helmet sa taguan nito.

"Hindi ko po alam sir. Pero naka formal po ang suot ni sir eh. May event po yatang pupuntahan. Nagugutom po ba kayo?" Tanong niya. Umiling naman ako senyas ng pag hindi ko.

Umakyat ako sa hagdan at dumeretso sa kwarto ko.

She really is an expert of pushing people away.

"Topher, nakayanan ko lahat para kay Vion. Sa tingin mo ba di ko kaya 'to?" Sabi ko na may halong lungkot at pait. Basta. Gusto ko siyang tulakin palayo para wala ng satsat.

Pero nadala na ako ng bugso ng damdamin.

"Siguro kahit paulit ulit akong mahulog kay Vion magpapahulog ako kahit alam ko na yung totoo. Kasi Topher mahal ko eh, I know too much love can kill you but then so be it, because love includes sacrifice. Kahit masakit, ipipilit. Kahit wasak ka na inside, ngingiti ka pa rin para ipakitang wala lang 'to."  Bakit siya pa Chrisca? Kasi hindi ako yung naunang dumating sa buhay mo? Paunahan na ba ngayon ang makarating sa finish line ng puso mo? Hindi ako makapagsalita. I do have a lot of things to say in my mind but I chose to shut up than to express how I feel. Hindi pa dapat ngayon. Wag muna.

"Kaya Topher, just let me hurt myself. Kung mali ako sa inaakala ko, na gusto ako ni Vion, na tuloy pa rin ang panliligaw. I'll stop hurting my self. I-I just need clarifications to enlighten me, Topher."  Paano ba pag sinabi ko na times four ang sakit na nararamdaman ko pag nasasaktan ka. Will you feel any concern Chrisca? Will you stop pag sinabi kong pinapatay na ako ng nararamdaman ko sayo? Sana hindi ka saktan ulit ng gagong yun.

She left me.

Kaya umalis na rin ako dahil baka mapaiyak pa ako ng wala sa oras.

Napatingin ako sa kisame.

Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ganito rin kaya nararamdaman ni Chrisca ngayon? Sana hindi.

Sana pwedeng i transfer sa akin yung mga sakit na nararamdaman niya. Mabilis naman magamot eh. Isang ngiti pa lang ng anghel na iyon ang siyang nagpapawala ng pait sa lahat ng problema.

Tama rin siguro na umalis ako.

She needs to do this by herself hindi ba? Ewan ko but I hope she's okay.

"Sir andito na po daddy niyo." Rinig kong pag aalarma ni Yaya Mercy kung kaya't bumaba ako.

"Dad..." I said habang unti unting bumababa sa hagdan. Inilapag niya ang kanyang coat at hat sa lagayan at ibinaling ang tingin sa akin.

"You were looking for me?" He said with a serious face.

"I was just wondering kung nasaan ka." Sabi ko at naglakad ako patungo sa kusina, dumeretso rin si papa sa direksyon ko base sa peripheral view ko. Sinundan niya ako.

I cleared my throat with water. At nagsalita na siya.

"Pumunta ako sa reunion." Tama nga si yaya. May event na ewan nga. Hindi ko naman mabasa sa mukha niya ang sign of enjoyment.

"Hindi po ata kayo masaya dad?" I said while observing him.

"I didn't have fun. It was too boring. I left early. Namiss ko rin kasi agad ang restaurant." Sabi niya and he smiled a bit.

My dad is really dedicated to his job. Kaya rin siguro ako nagulat kanina kasi wala siya ay dahil sa pagkakaalam ko kay papa, hindi siya pala-party o palalabas kung saan saan. It's either nasa bahay siya nagmumukmok o sa restaurant, nagluluto.

"How about you? Saan ka galing?" Natigilan ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba na--

"Sinamahan ko lang si Chrisca." Napataas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Napapansin ko lang, son..." He said then nilapag niya ang basong hawak niya. "Do you like her?" Nagulat ako. Hindi kaya masyado na akong halata sa mga kilos ko?

"Y-Yes dad, bakit po?" I asked with a sense of confusion. Napatanong naman kasi si dad bigla, what would I expect?

"Son, whatever you do... Wag mo siyang pakawalan. Love her all. Sacrifice if you must. Basta, love Chrisca at her worst. She's a great girl, son." Sabi ni dad na para bang may pinapahiwatig na ewan. Kahit kailan talaga, he's a man with a lot of golden words to deliver.

Baka nakahalata na rin siya sa akin. Ewan ko dahil minsan, minsan ata'y naikukwento ko si Chrisca kay dad.

She's a great girl, dad. I agree. She's a great girl with a fragile heart.

Whimsical Fate [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon