A ROOM FOR IMPROVEMENT
Written by: Spbaby
Hanna Pamela EscordialNo part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system,without written permission from the author. PLAGIARISM is a crime! This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Prologue
Ilang araw nalang matatapos na sawakas ang klase, nasa isang computer shop ako ngayon kasama ng aking kaibigan upang tingnan kung may update na ba 'yung website ng school tungkol sa final grades namin.
"Matagal pa bang magload, friend?" Inip na tanong sa akin nitong si Jenny.
Si Jenny, siya ang kaibigan ko. Siya lagi ang takbuhan ko kapag may problema sa bahay at siya din ang bumbay ng buhay ko.
Hahaha siya kasi itong laging nagpapa-utang sa akin ng pera kapag gipit na gipit na ako.
"Ayan na ayan na, friend! Makikita na natin kung anong grades natin!" Halos sumigaw itong si Jenny sa loob ng computer shop.
Hindi naman pansin ng ibang naglalaro ng computer ang pagsigaw niya dahil maging sila ay sobra pa nga sumigaw dahil sa nilalaro nilang online game.
Una naming tiningnan ang resulta ng grades ni Jenny nakahinga ito ng maluwag nang makita niyang wala itong bagsak na grado.
"1.5, 2, 1.5, 1.5, 2.5... t-teka... English, 4?!" napahinto ako sa pagbabasa ng akin nang makakita ako ng nakakabasag pusong 4
Oo,may kwatro ako.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa itong mukha ko nang makitang may nag-iisang kwatro ako.
"Hala, friend. Paano ka makakapag 4th year niyan e may kwatro ka?"
Napabuga ako ng marahas na hininga. Paano na 'to?
"Nagkataon pang major mo 'yang bagsak mo." Natatawang sabi nito.
"Just cheer me up. Hindi 'yung inaasar-asar mo pa ako." Naka nguso kong saad.
"Kausapin mo kaya prof mo bukas? Sabihin mo magsummer ka, okaya naman ay bigyan ka nya ng special project para naman ipasa ka niya." Suhestiyon nito.
Paano na? Anong gagawin ko kung hindi ako nito pagbigyan?
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
To be continued....
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...