Hindi ko siya sinagot dahil nakaramdam ako ng inis sa aking nakita.
Ganun pala e, may Macquenrie na siya edi itutuloy ko na talaga ang balak ko kay Jenny."Saan pala tayo pupunta?" She asked.
"I don't feel like eating. I lost my appetite." Sagot ko.
"Sama ka nalang sa akin." Aniya kaya tinapunan ko ito ng tingin.
"Stay ka muna sa bahay namin, wala naman si mama, mamayang alas diyes pa naman siya dadating."With her smile, there's a naughty meaning behind of it.
I don't think I can make love with someone else, it's just Christine whom I want right now, siya lang..."Napaka seryoso mo naman, akala ko ba gusto mo akong ilabas ngayon?" Naka nguso pa niyang sabi.
Papunta na kami kung saan nakatira si Jenny, ngunit mabilis na naagaw ng atensyon ko ang isang babae na papasok sa isang maliit na grocery store. Itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Bakit tayo tumigil?"
"Ibili mo akong yosi, bilis." Utos ko habang nakatanaw parin sa tindahan.
Kaagad naman niya akong sinunod.Malakas na kumakabog ang aking dibdib dahil si Christine ang nakita ko. Gustong gusto kong pumasok doon at sugurin siya ng yakap but we're not in good terms.
Pero, hindi ko parin napigilan ang aking sarili. Kahit makita lamang siya ng malapitan ay ayos na sa akin.
Nasa bungad lamang ako ng tindahan at nakatitig sa kanila."Ate gusto ko ng ganun." Sabi ni Charlotte at tinuro 'yung chichirya na nakasabit.
"Hindi pwede, sakto...--"
"Ako na magbabayad, ikaw naman hindi mo pa pagbigyan itong si Charlotte."
Sabat ni Jenny at kaagad na inilabas ang kaniyang wallet.
"Uy, ikaw pala." Walang buhay namang sumagot si Christine.
"Isama mo na rin 'to ate." Sabi ni Jenny at inilapag ang isang kaha ng sigarilyo sa kahera ng maliit na grocery store.
"Nag... nag yoyosi ka ba?" Tanong niya sa kaniyang kaibigan.
"Ako?" Sabi niya sabay turo sa kaniyang sarili.
"Hindi 'no... --oh, yosi mo." Pagpapatuloy niya at ibinato sa akin ang isang kaha ng sigarilyo nang mapansin ako ni Jenny na nasa loob ng tindahan.Sinundan naman ni Christine ang direksyon ng mga mata ni Jenny.
Mabilis na nagtama ang aming mga mata. Ngingitian ko na sana siya nang iwasan niya ang aking tingin."Kuya!" Si Charlotte na lumapit sa akin at yumakap sa aking binti.
"Hi, lotlot." Bati ko naman sa kaniya, I manage to smile.
Mabilis namang hinablot ni Christine ang kaniyang pinamili pati na rin ang kamay ni Charlotte. Para bang naramdaman ko na may tumusok sa aking dibdib. Wala na talaga siyang pake sa akin?
Napansin ko ang mga hawak niya sa loob ng plastic. Bathroom stuffs, ang totoo kasi niyan nanggaling ako sa bahay nila Christine.
Nakita ko kasing nadapa si Charlotte doon sa may kanto on my way to school. Tinulungan ko siya at nakita kong napakadungis niya dahil na rin siguro sa pagkadapa niya.Pinaliguan ko na rin siya at kami ang may kasalanan kung bakit naubos ng stock nila ng shampoo. Puro laro kasi si Charlotte e.
Gusto niya raw maligo na parang nasa bathtub siya kaya doon sa batya ko siya ginawan ng mini bathtub with bubbles daw kasi e kaya naubos 'yung shampoo at sabon.Samantala, tungkol naman sa toothpaste... pareho kami ni Charlotte na mahilig miryendahin 'yung toothpaste. Natigil lang nga iyon sa akin nang mag college ako.
Pagkatapos rin niyang magbihis e nagrequest siya ng chicken joy daw.
That's why instead of buying a one piece meal, isang bucket na ang binili ko para pag uwi ni Christine hindi na niya iisipin ang panghapunan nila.
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...