Kabanata 24

1.1K 27 10
                                    

"Kung maka-arte ka, parang ako nakauna sa'yo ha?"

Nainsulto ako sa sinabi niya. Hindi ako kaagad nakasagot.
Napayuko ako at nanliit sa sarili.

"Ano? Mag-iinarte ka pa? Kaya huwag kang mag-inaso na parang napaka linis mo."

Hindi ko na kinaya ang mga sinasabi niya kaya naman tumakbo na ako papasok sa kwarto at ini-lock iyon.
Walang sawa sa pagpatak ang aking mga luha, pinipigilan kong mapalakas ang aking paghikbi.

/flashback/

Saktong birthday ko, umalis sina mama at papa papunta ng Saudi. Hindi na ako sumama sa paghatid sa kanila dahil sasakit lamang ang aking loob.

Maghapon akong nagmukmok sa aking kwarto, naaasar ako!

"Kainis naman, debut ko pero wala man lang bumati ni isa sa kanila." Inis kong sabi kay Jenny na nasa kabilang linya.

"At least binati kita. Makuntento ka na, ano ka ba!" - Jenny

"Umalis si mama ng hindi ako binabati. Si papa naman, ang sabi niya padadalhan nalang niya ako ng package sa unang buwan niya sa Saudi pero wala man lang 'Happy birthday, anak' ang nagmula sa kanila. Maging si kuya, hindi ako binati." Ngawa ko saka sinipa ang unan na aking yakap.

Sigurado akong nakasakay na sila sa eroplano.
Hays!

"Bunso, happy birthday." Mula sa pintuan, rinig ko ang pagbati ni kuya at may dala pa ito na tumpok ng mamon at kandilang kulay dilaw.

"Jenny, mamaya nalang kita tawagan." Paalam ko saka na siya binabaan.

"Kuya!" Masaya ko itong sinalubong ng yakap.
Kinuha ko ang mga mamon na hawak niya na nakalagay sa plato at hinipan ang kandila.

"Ano ba 'yan kuya, pang patay naman 'yang kandila mo." Sabi ko at ngumuso.

"Wala akong budget e. Kaya, hindi kita nabilhan ng cake." Sabi niya at inilapag na ang kandila sa itaas ng drawer.

"Huwag mo nalang damdamin ang pag-alis nina mama. Para sa kinabukasan mo naman 'yun e." Naka ngiti niyang sabi saka pa niya hinaplos ang aking pisngi.

Tumango nalang ako. Maya maya'y naramdaman ko ang paglapit ng kaniyang mukha kaya maagap ko siyang iniwasan.

"K-kuya naman, nambubwisit ka nanaman e."

Umiwas siya ng tingin and his hands run into his hair.
"Alam ko iisipin mo na nababaliw na ako, pero kasi Tin...-hindi ko na maipaliwanag 'tong nararamdaman ko."

Feeling ko ay may mangyayaring masama kaya dali-dali kong tinungo ang pintuan. Nang pihitin ko na iyon ay saka niya ako hinila pabalik at isinandal sa pader.

Napapikit ako ng mariin dahil napalakas ang tama ng aking likuran.
"K-kuya..." mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Mahal na kita, Tin. Hindi ko kayang mawala ka sa akin." Sabi nito at mabilis na idinampi ang kaniyang labi laban sa akin.

Buong pwersa ko siyang tinulak pagkatapos nun ay ang pagsipa ko sa maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Kitang kita ko ang pamamalipit niya sa sahig.
"Baliw ka, baliw ka!" Sigaw ko at doon ako nagkaroon ng tyansang makatas mula sa kaniya.

Nagtungo ako sa bahay ng kaibigan ko na si Jenny.

"Oh, anong nangyari?" Tanong nito sa akin.
"Pawis na pawis ka ah?"

"S-si kuya kasi e." Iyon pa lamang ang aking nasasabi ay kaagad ko ng pinakawalan ang mga luhang kanina pa nag-uunahan sa paglabas.

"Ano?" Alala niyang tanong.

Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya na pinagtangkaan ako ni kuya ng masama, natatakot din akong malagay sa kahihiyan ang pamilya namin.

"Sinaktan niya ako." Manginig nginig kong sabi at walang humpay ang aking pag-iyak.

"Tahan na." Inalo ako ni Jenny at niyakap.
"Dumito ka muna, aalis pamandin sana ako. Haay ikaw talaga wrong timing." Sabi pa niya habang hinahagod ang aking likuran.

"Pasensya ka na, wala kasi akong ibang matatakbuhan." Sabi ko at pinunasan ang basa sa aking mukha.

Bahagya siyang natigil at umakto siya na parang may naisip siyang ideya.

"Alam ko na, since birthday mo naman isasama nalang kita sa pupuntahan ko. Kunwari, birthday gift ko na 'yun sa'yo. Ano? Genius na ba ako?" Sabi ni Jenny na hangang-hanga sa kaniyang sarili.

"Saan ka ba pupunta?"

Ilang minuto ang aming ginugol para makapag ayos ng sarili at makapunta na rin sa tinutukoy niya lugar.

Isang lugar na napaka ingay at punong puno makukulay ay nakakasilaw na ilaw.
Nahihiya pa akong pumasok dahil ang bestidang suot ko ay pulang pula.

"Uy, Jenny. Napanood ko 'to sa T.V, ha? Baka mamaya ma-raid tayo dito ha?" Bulong ko sa kaniya at kapit na kapit ako sa kaniyang braso.

"Ano ka ba, hindi naman mumurahing bar 'to 'no. May kikitain lang ako dito at ililibre niya tayo." Masaya pa nitong pahayag.

"Malay mo, dito mo makilala si the one. Ewan ko ba sa'yo kung bakit puro ka pulbos, minsan dapat naglalagay ka ng kulay sa mukha." Sabi pa nito sa akin at sinusuri niya ang aking mukha.

"Ayokong magmukhang payaso 'no." Sabi ko naman at umirap.

"So, ako mukhang payaso ganon?"

"Ikaw nagsabi niyan." Sabi ko at natawa pa.

"Heto ayan, ayan." Sabi niya habang spray siya ng spray ng pabango sa damit ko at maging sa leeg ko.
"Ayan, nakakapang akit na amoy 'yang pabango ko." Biro niya.

Ilang oras na kaming nakaupo, naghihintay doon sa kikitain niya pero wala namang dumarating.
Tiningnan ko si Jenny at kunot na kunot ang dalawa niyang kilay habang kinakalikot ang kaniyang cell phone.

Mag dadalawang oras na kami rito at wala parin 'yung sinasabi niya kaya naman umorder siya ng maiinom.
Noong una ay ayokong tikman dahil amoy palang mapakla na.
Pero, nakuha ako sa pilit ni Jenny. Subok lang naman at walang masama doon. Supposed to be, masaya dapat ang araw ko dahil birthday ko ngayon pero anong ginawa nila?

Sinira ng pamilya ko ang araw na pinakamahalaga sa akin. Dahil ganap na akong dalaga.
Nadala nanaman ako sa emosyon ko kaya nakuha kong uminom ng alak ng dire-diretso.

"Hoy, tama na ano ba. Akala ko ba ayaw mo sa alak?"

Nagdadalawa na ang paningin ko at wala na sa tino ang aking pag-iisip.

"Uy jenny~ may music o. Tara dali, sayaw! Sayaw tayo." Pagewang gewang ko pang nilapitan si Jenny at inaya sa dance floor.

Napakaraming tao pero nakuha naming makipagsiksikan at sumayaw ng walang humpay.
Narandaman ko na para na akong masusuka kaya nagmadali akong pumunta sa washroom at doon iniluwa lahat ng dapat iluwa.

Hilong hilo akong lumabas sa C.R, at ikinagulat ko nang may humila sa akin papasok sa isang kwarto.

"S-sino ka?" Tanong ko.
Hindi ko na maaninag ang kaniyang mukha dahil halos maduling na ako. Ganun ba ako kahina sa alak?

Hindi niya ako sinagot at dahan-dahang ihinila, huminto siya sa paghila sa akin at pinaupo ako sa isang malambot na kama.

"Matutulog na ba ako? Nasa bahay na ba ako?" Tanong ko at kinapa kapa ang inuupuan ko.
Gusto ko ng magpahinga, napakasakit ng ulo ko.

"Pare, heto na regalo namin sa'yo." Sabi ng lalaking humatak sa akin kanina at narinig ko ang pagsara ng pintuan.

"Damn it." Ibang boses ang narinig ko at randam kong bumagsak siya sa kamang inuupuan ko.

"Sorry, maling bahay ata ang napasukan ko." Sabi ko at saka na tumayo ngunit nawalan ako ng balanse at muling napaupo sa kama.

"Be careful." Sabi nito at naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking bewang.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon