Bago po ang book cover nito. And all I can say is napakaaaaa gwapo ng jong suk ko. Hehehez~ (media)
----------------
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya, medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya ako pinagtangkaan ng masama.
"Ate?"
Mula sa labas ng kwarto rinig ko ang pagtawag ni Charlotte. Mabilis akong tumayo at pinagbuksan siya ng pintuan."Ate may sugat ka sa labi. Sinaktan ka nanaman ni kuya." Nakanguso nitong sabi.
Ngumiti ako ng mapakla at umupo sa kama, ganun din siya.
Hinawakan niya ang aking pisngi, hinahaplos niya ito."Ate, masakit ba? Ikikiss ko ha?" With that words, she gave me a peck of kiss on my cheek.
Siya lang talaga ang kakampi ko sa bahay na ito.
Pinisil ko ang kaniyang pisngi at nangiti."Ay nga pala ate, pinapabigay ito ni kuya fried chicken." Sabi niya at tumayo pa para makuha 'yung bagay na nasa bulsa niya.
Iniabot niya sa akin ang isang pepper spray.
"Ano daw gagawin ko rito?" Tanong ko."Kanina kasi pumunta ako sa bahay niya kasi nitatakot ako kay kuya. Tas nibili kami ng ice cream tapos nibigay niya sa akin 'yan." Paliwanag nito.
Napaisip tuloy ako.
"Charlotte, sabihin mo ang totoo kay ate maliwanag?" Sabi ko at sinagot naman niya ako ng isang tango."May ikinwento ka ba kay kuya fried chicken tungkol kay kuya at kay ate?" Seryoso kong tanong.
Umiling siya.
"Wala po ate, promise! Sabi ko lang busy kayo."Alam naman natin na ang mga bata ay hindi marunong magsinungaling. Pero natatakot ako na baka lumabas ang nangyayari dito sa bahay.
Nagpromise naman si bata na wala talaga siyang sinabi kay sir Val. At bahagya naman akong nakahinga ng maluwag.
Sa lahat ng ayaw ko e chismis. Chismis ang pinaka iniiwasan ko rito sa banda namin.Alam niyo naman ang mga tao ngayon, nahospital lang sasabihin patay na o kaya'y kritikal. O kaya naman ay may boy friend palang sasabihin nila buntis na.
Haaaay, kaya nakakatakot magtiwala.Kinabukasan, kaagad akong nakasakay sa jeep dahil kahit na malayo pa ako sa pila e kaagad na akong pinapasakay ni manong.
"Uhm, manong pwede bang magtanong?" Tanong ko pagka upo ko sa tabi ng diver.
"Ano 'yun, madam?"
Hindi ko 'din alam kung bakit madam na ang tawag nila sa akin."Nagtataka lang po ako, sa tuwing pipila na ako dito sa terminal lagi niyo akong inuuna sa pagsakay. Tapos, hindi niyo ho kinukuha ang bayad ko."
Bahagya siyang natawa.
"Ah 'yun ba, madam? Bayad ka na kasi ng isang buwan dito sa terminal." Sagot niya.Tatlong segundo bago ako muling nagsalita.
"Sino po ang nagbayad?" Tanong kong muli."Hindi niya sinabi ang pangalan niya e. Pero lagi din siyang nasakay dito."
"Pwede niyo po bang idescribe 'yung itsura niya? Baka ho kasi kilala ko siya."
Ayokong mag assume, pero hindi kaya si Mr. Garcia 'yun?
Pero lagi daw din siyang sumasakay dito, so hindi pala siya kasi may sasakyan 'yun."Gwapo naman siya, nakataas 'yung buhok, maputi, matangkad saka medyo payat."
Naalala ko bigla noong sinabi ni Charlotte sa akin na may naghahanap sa akin na lalaking nakataas ang buhok. (Kabanata 19)
"Oh?" Sabi ni manong driver. Pero hindi ito nakatingin sa akin
"Bakit ho?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...