Kabanata 7

1.9K 33 32
                                    

Tatlong araw na ang lumipas mula noong huli naming pagkikita ni Mr. Garcia. Ngayon, nasa bahay ako at dumalaw rito si Jenny.

"Nga pala, kamusta naman 'yung grades mo na, pft.. kwatro?" Natatawa niyang tanong.

Naalala ko tuloy 'yung ginawa namin ni Mr. Garcia >_< though, puro ano lang but still... bigla akong namumutla sa tuwing naaalala ko iyon.

"Hoy, don't tell me binigay mo sa kaniya?"

Nabalik naman ako sa wisyo ko nang sabihin niya iyon.
"Baliw ka ba? H-hindi 'no. Pinaglinis niya ako ng condo niya, alam mo na 'yung typical na ginagawa ng isang katulong."

Sorry for being a liar. Alangan namang i-open ko pa kay Jenny iyon? Para sa akin, iyong nangyari sa amin ni Mr. Garcia e isa na sa pribadong parte ng buhay ko.

"Pero, hinihingi niya number mo sa akin?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko sa sinabi ni Jenny.
"H-ha? Kailan at paano naman? B-bakit daw?"

"Aba, ewan ko. Kagabi lang, ang sabi ko ay mag papaalam muna ako sa'yo kung papayag ka. Ang sabi pa nga niya e huwag ko nalang daw sabihin sa'yo kaso, nachika ko na kaya hindi na secret."

Hindi ko alam kung bakit feeling ko natuwa ako sa narinig ko. Bakit niya kukunin ang cellphone number ko? Anong rason? Sa pagkaka alam ko ay tapos na kami sa usapan namin.

"Binigay mo ba?" Tanong ko.

"Oo e. Sabi kasi niya hindi daw niya ako susuportahan sa OJT ko." Sagot niya habang naka pout.

Hindi ko na siya sinagot pa. Hindi naman siya nagtagal sa bahay, noong dumating na si kuya galing sa trabaho e umuwi na ito.

"Kamusta ang araw mo? Kumain na ba kayo ni Charlotte?" Tanong ni kuya nang makalapit na siya sa akin.

"Kumain na kami kuya, kung gusto mong kumain nandoon lang sa mesa 'yung ulam." Sabi ko at akmang tatalikuran na siya nang hawakan niya ang aking braso.

"Hanggang kailan ka ba magiging ganito sa akin?"

Napapikit naman ako, kinokontrol ko ang aking sarili.
"Hindi ba dapat sa'yo ko tinatanong iyan? Hanggang kailan mo ako gaganituhin? Hanggang kailan mo ako bababuyin?" Kalma parin ako.

"Hindi 'yun pambababoy, tin. Pagmamahal 'yun, mahal kita kaya ko ginagawa 'yun. Sakin ka e, kaya ako lang ang may karapatan na gumawa sa'yo ng ganun." Kalma rin itong magsalita hanggang sa yakapin ako nito.

"Namimiss ko lang naman 'yung dating tintin. 'yung kapag uuwi ako noon galing sa eskwela, lalambingin na ako at yayakapin. 'yung pagsisilbihan ako pati sa pagkain. Nasaan na 'yun?" Dagdag pa niya.

"Wala na, hindi na 'yun maibabalik kahit kailan. Alam mo 'yun kung bakit." Sabi ko at kinalas ang kaniyang yakap.

"Ilang ulit ko din bang sasabihin sa'yo na kaya ko ginawa 'yun dahil mahal kita. Mahal na mahal, ikaw ang gusto kong makasama habang buhay."

"Hindi 'yun pwede, kuya! Magkapatid tayo! Hindi pwede 'yang iniisip mo!" And I gave him a shot.

I can't control my temper anymore. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang hirap umintindi ni kuya. Sobrang hirap. Adik na nga yata siya e.

"Ayokong saktan ka ng iba kaya...--"

"Kaya ikaw ang mananakit sa akin?" Putol ko sa kaniyang sasabihin.

"Hindi 'yun sa ganun. Ligtas ka sa akin, ako nakakasigurado ako ba hindi kita iiwan."

I laughed sarcastically. "Kuya, nagdo-droga ka ba?"

"Ano? Hindi!" Sagot naman niya.

"Hindi pala, e bakit kakaiba ka kung mag-isip?"

"Ate, kuya? Nag-aaway po ba kayo?" Si Charlotte na kakauwi lamang sa bahay. Hinayaan ko kasi itong makipag laro sa labas ng bahay.

"Hindi, Charlotte. May pinag-uusapan lang kami ni ate." Naka ngiting sagot ni kuya kay Charlotte saka niya ito kinarga.

"Kumain ka na ba?" - kuya

"Opo, pero napagod po ako kakalaro kaya gutom ulit ako."

Hindi ko alam kung anong nasinghot, nakain o nangyari kay kuya kung bakit ganoon na lamang niya sabihin na pag mamay-ari niya ako.
Mahal ko siya, mahal ko si kuya bilang kapatid. 'Yun lang 'yun.

Nauna na akong pumasok sa kwarto, nakahiga ako sa kama at inilabas ang aking cell phone.
Naalala ko tuloy na kinuha ni Mr. Garcia ang number ko.

Pinilig ko ang aking ulo to forget that thought.
Naisipan kong dumalaw sa facebook ko. Matagal tagal na rin nang hindi ko nagagamit ito.

"Sino namang nagtangkang nag message sa akin?" Sabi ko sa aking sarili saka na pinindot ang messenger.

Napa upo ako nang makita kung sino ang nag mensahe sa akin.

Jason Garcia wants to add you on messenger.

"Magkita tayo, may sasabihin ako.
Friday at 4:10pm, my pad."

Pinindot ko ang accept button, teka? Bakit ko inaccept e hindi ko naman alam kung anong irereply ko?

Ilang segundo bago ko napagdesisyunan ang aking irereply.

"Ayan." Sabi ko saka pinindot ng matagal iyong like button.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon