Kabanata 55

1.1K 21 0
                                    

Kabanata 55

Third Person's POV

Dalawang araw na ang lumipas at sa tulong ng mga awtoridad, natunton na ang bahay kung saan naroon ang mag ina ni Jason.

"Sasama ako." presinta ni Macquenrie.

"Kung sasama ka, sasama na rin ako." nagpa tiagos na rin si Valentine.

Tahimik lamang si Jason at tila isa lamang ang laman ng kaniyang isip.
Panigurado, ang makuha at mayakap muli ang kaniyang mag ina ang naglalaro sa kaniyang isipan.

Samantalang si Christine naman ay abala sa pagtupi ng kanilang damit.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Christine

"Aalis tayo." sabi ni Christian at sinuot ang kaniyang sumbrero.

Ilang saglit lamang ay may kumatok. Akmang bubuksan ko na iyon nang unahan siya ng kaniyang kuya.

--

Sa kabilang banda, nandoon na sina Jason sa target nilang lugar kung nasaan sina Christine.
Balak ng mga awtoridad na hindi gaanong maingay ang kanilang operasyon at balak  nilang gawin iyon ng tahimik nang hindi gaano makatunog ang suspetya nilang tao.

"Bakit hindi pa tayo sumusugod?" tarantang tanong ni Jason sa mga pulis na kasama nila.

"Hindi ito basta-basta, Jason. Kailangan ng perfect timing."

Hindi na nakapag timpi si Jason at kinatok na ang pintuan.

"Mr. Jason, hindi pa clear ang lahat. Hindi pa tayo nakakatanggap ng signal..--"

Kumatok itong muli.
"Christine!" sigaw nito at patuloy sa pagkatok.

Ngunit walang sumasagot kaya naisipan niyang pasukin na ang bahay. Wala itong kahit anong bakas ng mag ina niya, at mukhang walang gumamit sa naturang bahay.

"Christine! Charlotte, nasaan na kayo?!"

Hinalughog nila ang bawat sulok ng bahay ngunit wala talagang Christine at Charlotte ang nandoon.

"Chief, sigurado ba kayong ito ang bahay na iyon?" tanong ni Val.

"Siguradong sigurado, sir! Dito nakita ang sasakyan na tinutukoy ni Jason, dito rin itinuro ng CCTV ang patutunguhan ng sasakyan."

Napapikit ng mariin si Jason at mabilis na lumabas ng bahay.

"Jay, wait up!" hinabol ito ni Macquenrie, kasunod ni si Val.

Samantala, madako tayo kung nasaan talaga ang hinahanap ni Jason.

Pinagbuksan ni Christian ng pinto ang kumatok.

"Bukas na tayo makakaalis." sabi ni Mia pagbukas ba pagbukas pa lamang ng pintuan.

"Ano?! Hindi tayo pwedeng magtagal dito sa bahay mo dahil siguradong matutunton nanaman nila kung nasaan kami, lalo na't nakakita ang tarantadong Jason na iyon ng palatandaan ng sasakyan mo." ani Christian.

"Ewan ko ba kung bakit nilagyan ko pa ng initials ko iyong sasakyan ko. Hindi ko naman alam na matalas pala ang mata ni Jayjay ko." sagot naman ni Mia.

Tahimik lamang si Christine na nakikinig sa usapan nila. Gusto man nitong tumakas ngunit hindi niya alam kung paano, baka lalo lamang mapunta sa alanganin ang buhay nilang mag ina.

Ang panalangin lamang niya ngayon ay sana mahanap sila ni Jason bago pa mahuli ang lahat.
Na kahit imposible ay pinapanalangin niya na sana'y bigla na lamang sumulpot si Jason sa harapan niya at itakas sila sa kamay ng malupit niyang kapatid.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon