Maghapon akong nagstay sa bahay ni Christine. Kung pwede lang nga sana ay magpalipas ako ng gabi doon tulad ng gusto ni Charlotte.
Pero syempre, alam ko naman din sa sarili ko na malaki akong abala kay Christine kaya minabuti ko na ring umuwi.
Palabas na ako ng kanto sakay ng aking kotse nang biglang sumagi sa aking isipan si Val.
Kinabig ko ang manibela at muling bumalik sa kasalungat na daan pauwi, hindi para bumalik kina Christine, kundi para bisitahin ang aking kababata.
"Mukhang rest day mo ngayon?"
Nagulat pa ito nang marinig niya ang aking boses, tumayo ito mula sa kaniyang sofa at sinalubong ako.
"Maupo ka muna." Sabi niya at mabilis din akong tinalikuran at nagtungo sa kusina niya.
"Huwag ka ng mag abala ng kakainin. Hindi naman ako magtatagal." Sabi ko at pinatay ang kaniyang T.V.
Lumabas naman siya na may dalang pares ng canned beer.
Hinagis niya 'yung isa sa akin.
"Inumin 'to. Buti at naparito ka?" Tanong niya sa akin.
"Namiss lang kita." Sagot ko.
"My goosebumps become alive. Geez!" Sabi nito at lumagok ng alak.
Natawa naman ako sa kaniyang reaksyon.
"It's been awhile since we hang out. Masyado na tayong busy sa propesyon natin."
"Ako sa profession ko, ikaw kay Christine." Sabi niya at mabilis na inubos ang kaniyang inumin.
Sumandal ako at nilaro laro ang lata na hawak ko.
"May problema nga kami e."
"Sino? Si Macquenrie parin? Ginugulo parin niya si Christine?"
Umiling ako.
"Si Mia. She's acting weird again, kung anong nakita mo sa kaniya noong kami pa ni Joana, ganun din siya ngayon."
"She's still obsess with you." Sabi niya at pailing-iling.
"Baliw na baliw parin siya sa'yo, kahit na ilang babae na ang dumaan sa'yo e hindi parin siya sumusuko."
"She's not only crazy, she's a psychopath." Sinundan ko pa ito ng irap.
"Mahal mo ba talaga si Christine?" Out of the blue niyang tanong.
Mabilis kong inilipat ang tingin ko sa kaniya, hindi ako nag atubiling sumagot.
"Oo naman, you know me, I'm always sure when it comes to my feelings."
Nagpa de quatro pa si Val at mataman akong tinitigan.
"Are you willing to do everything... for Christine?"
"Yes." Agad kong sagot.
"Itanan mo siya, with Charlotte."
Hindi ako kaagad nakasagot sa kaniyang sinabi. Why all of a sudden ganun ang suhestiyon niya?
"I don't know what's in your mind, pero...--"
"Akala ko ba sure ka na? Bakit pume-pero ka ngayon?"
Pinagsiklop niya ang mga daliri nito and he really focus on me.
"Hindi mo ba alam kung anong nangyayari sa kaniya sa bahay na iyon? She's being molested with her brother, that's what Charlotte said."
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...