Hi everyone! I'm plugging my new story, entitled: Mon Chéri
Please add it to your library and support it. Love you guys!-------------------
Buong araw akong wala sa sarili. Maging si Ma'am Mia kasi e hindi ako kinakausap, kung hindi lang ako magtatanong doon lang niya ako kakausapin.
"Pwede ka ng umuwi. Ako na ang bahala sa mga test papers na 'to." Sabi niya habang iniisa isa ang mga papel na hawak niya.
Hindi na lamang ako sumagot, inaayos ko na ang aking mga gamit nang pumasok si Mr. Garcia sa faculty room.
Pumasok ito ng parang wala lang."Jay! San ka ba galing? Hindi ka pumasok sa last subject mo. Anyway, can we go out later?" Tanong ni Ma'am Mia.
"Inutusan ako ng magaling niyong principal." Sagot nito sa unang tanong ni Ma'am Mia.
"May lakad ako mamaya, but I'm free tomorrow." Sagot naman ni Mr. Garcia sa pangalawang tanong."Talaga? Save your night tomorrow, ha?"
"Mauna na po ako." Paalam ko naman kay Ma'am Mia bago lumabas ng faculty room.
Mabilis akong naglalakad palabas ng gate, ngunit pumukaw sa aking atensyon si Jenny.
"Jenny!" Tawag ko sa kaniya.
"Uy girl!"
"Mukhang may hinihintay ka?" Tanong ko.
"Ah, oo." Maikli niyang sagot.
"Ganun ba..--"
Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang may tumawag sa aking pangalan."Christine!"
Hindi ko na kailangang lumingon dahil si Qen lang naman iyon.
"Sige, mauna na ako."
Pagkatapos kong magpaalam, kaagad na akong pumara ng jeep."Christine, teka lang kasi!"
Sumunod pa siya hanggang sa loob. Napakahirap dispatyahin ng lalaking ito! Nakakainis!
Hindi tulad ni Mr. Garcia, wala na akong problema sa kaniya. Psh!"Christine." Pangungulit niya.
Nagpanggap ako na walang naririnig. Ayokong magkausap kami dito, lalo na't maraming mata na mapanghusga.
Kaya hanggang sa kanto namin, hindi ko siya pinansin."Christine!" And he even grab my arm.
Binawi ko ang aking braso at humarap sa kaniya.
"Anong kailangan mo?" Mahinahon kong tanong sa kaniya."Gusto kong malaman mo na hindi ako susuko at gustong kong patunayan sa'yo na seryoso ako sa nararamdaman ko... para sa'yo."
Pasensya ka na, hindi ikaw ang taong mahal ko. Sa ngayon, ayoko na munang mainvolve sa pag-ibig kung maaari dapat ay makapagtapos muna ako.
"Marami akong iniisip at problema sa buhay kaya please, huwag kang sumabay."
Sasagot pa sana siya sa akin nang biglang may paparating sa aming gawi at sumingit sa aming usapan.
"Qen."
Mula sa likod niya, tanaw ko doon si sir Val."Val, pare."
Nakatingin naman sa akin si sir Val saka na nagsalita.
"Sige na, Tin. Hinihintay ka na panigurado ni bulilit."Tumango naman ako at nag umpisa ng maglakad.
"Mag usap tayo, tayo naman ang magkwentuhan. Matatagal tagal na rin tayong hindi lumalabas nina Jay."
Iyon ang huli kong narinig bago ako makalayo ng tuluyan sa kanila.Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Charlotte at may hawak pa itong pinritong manok.
"Oh, saan mo galing iyan? Kanino ka nanaman nagpalibre? Hindi mo ba kinain 'yung niluto kong ginataan?" Tanong ko nang mapansin ko ang kaniyang kinakain.
BINABASA MO ANG
A room for improvement
Любовные романыThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...