Kabanata 9

1.7K 35 20
                                    

Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng aking cell phone. Sa dinalang dalang na nga lang may tumawag sa kasagsagan pa ng tulog ko.

"Hello? Sabihin mo na kagad kung anong kailangan mo."

Hindi ko pa halos maimulat ang aking mga mata dahil sa antok.

"Alas dyes na, tulog ka pa din?"

Automatic na namulat at napa bangon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya.

"B-bakit ka napatawag?" Mautal-utal ko pang tanong.

"Masama bang tumawag? Nangungumusta lang."

Nakagat ko ang aking ibabang labi at saka pinipigilan ang pag ngiti.
Teka... bat ba ako umaasta ng ganito? >_<

"Hello? Still there, Christine?"

Nabalik naman ako sa wisyo ko.
"Uh, y-yes... sorry kakagising ko lang, medyo lutang lang. Alam mo na, hehehe."

"I see, nga pala about your grades it is all settled. No retake or what."

Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan pang ngumiti.

"Thank you po talaga, sir. Thank you very much!" Masigla kong pasasalamat.

"You don't have to thank me. Thank yourself."

Pagkatapos niyang sinabi iyon, binaba na niya ang tawag.

Kaagad ko naman tinext si Jenny tungkol sa maganda kong balita. Pagkapindot ko ng send, mabilis na lumitaw sa screen ko ang mga katagang...

"Message sending failed"

Hala, wala nga pala akong load. Paano ko ba maiku-kwento ito sa kaniya. Madalang pa naman siyang dumalaw rito.

Pero di bale na, at least ngayon wala na akong problema tungkol sa pag-aaral ko.

"Dapat lagi ka nalang naka ngiti."

Mabilis na napawi ang aking matamis na ngiti nang mapansin ko kung sino ang pumasok sa kwarto.

"Oh, sabi ko dapat laging naka ngiti." Sabi nito at finorm pa ang aking labi ng naka ngiti nang makalapit ito sa akin.

"Wala ka bang trabaho ngayon?" Pag-iiba ko saka na tumayo mula sa higaan.

"Wala, sisante nanaman ako."

Napa isding naman ako sa aking nalaman.
"Nanaman?" Sabi ko habang inililigpit ang aking pinaghigaan.

"Hahanap na lamang ako ng bago. Mas ok nga 'yun e, makakasama mo ako maghapon dito." Ani kuya saka pa ako niyakap mula sa aking likuran.

Mabilis ko namang kinalas ang dalawa niyang kamay na naka yakap sa akin.

"Maghahanap din ako ng trabaho." Pag-iiba kong muli at nagpasya ng iwanan siya sa silid na iyon.

Mamaya'y kung ano-ano pang maisipan niyang gawin.

"Hindi mo na kailangang maghanap ng trabaho, mabilis lang naman akong makakahanap ng bagong trabaho e."

Hinarap ko naman ito.
"Mabilis ka ring natatanggal."

Kita ko sa kaniyang ekspresyon ang inis ng dahil sa aking inasta.

"Kumain ka na, mag tatanghalian na lang wala pang laman iyang tyan mo."
Halatang nagpipigil siya ng galit.

"Huwag mo ako alalahanin kuya, si Charlotte ba kumain na?" Tanong ko.

"Oo, nagsabay kaming mag-agahan. Hindi ka raw kasi niya magising kanina."

Tinanguan ko na lamang si kuya. Hindi ko alam kung nag du-drugs ba ang kuya o ano. Kakaiba kasi ang mga kinikilos niya. Nakakatakot.

"Ate tintin!"

Lumingon naman ako kay Charlotte. Hinihintay ang kaniyang sasabihin.

"Tutulungan po kita sa labahin." Naka ngiti nitong saad.

Kung kanina'y wala ako sa mood, ngayon naman ay bigla nalang akong napa ngiti nang dahil kay Charlotte.

"Sige ba, basta walang kapalit ha?" Naka ngiti kong sabi.

Bigla naman siyang ngumuso na nagpapahiwatig na hindi ito sang-ayon sa aking sinabi.

"Osige sige, isang ice candy lang ha? Baka ubuhin ka e, madali ka pa namang magka ubo't sipon."

"Yeheeey! Opo, ate!" Masaya nitong saad saka pa yumakap sa aking mga hita.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon