It's been 2 hours and I am still awake. Nakatulala lamang ako sa kisame while imagining Christine's face. How angelic she is.
Bumangon ako sa pagkakahiga and I can't bear not to brag on their room.Dahan-dahan kong isinira ang pintuan at tumayo sa gilid ng kama nilang magkapatid.
Tititigan ko palang siya habang tulog, para bang it makes me feel satisfied. Satisfied na ako to the point na hindi na ako kailangang mangamba, hindi na ako kailangang magdoubt kung magiging kami ba, kasi kasama ko na siya ngayon. And I will prove to her that I am a worthy person for her to love.
Bahagya siyang gumalaw hudyat na nalingat ito kaya naman nagulat siya nang makita niya akong titig na titig sa kaniya.
I manage to smile kahit na alam kong awkward 'to."Ano pong ginagawa niyo rito?" Pabulong na tanong niya sa akin.
"Ah, wala lang. Just checking the both of you." Sagot ko.
Hindi naman na siya sumagot pagkatapos nun.
"Sige na, matulog ka na ulit. Good night." Iyon ang huli kong sinabi bago lumabas ng kwartong iyon.Ang luwag ng pakiramdam ko, napangiti pa ako ng wala sa oras.
Christine's POV
Umagang-umaga nang makatanggap ako ng tawag kay Jenny.
"Anong problema? Mukhang balisa ka." Sabi ko rito at bumangon na sa higaan.
"Hinahanap ka ng kuya mo. Nasaan ka ba? Nakakatakot siya nang sumugod siya rito sa bahay, kasama mo ba ang kapatid mo?" Tanong niya.
Ginapang ako ng kaba kaya naman hindi na ako nakasagot pa at hindi sinasadyang iwanang on call pa ang tawag ni Jenny sa akin.
"Charlotte, gising na. Charlotte." Sabi ko at tinapik tapik ang braso nito.
"Ate antok pa ako." Sabi niya at tinalikuran pa ako.
"Uuwi na tayo, bangon na. Hinahanap na tayo ni kuya." Natataranta kong sabi.
Kaagad namang napabalikwas ng tayo si Charlotte. Alam kasi niya ang mangyayari kapag hindi kami inabutan ni kuya sa bahay.
Bakas sa mukha niya ang takot.Hindi na kami nag ayos pa at kinuha na ang bag ko. Mabilis kaming lumabas sa kwartong iyon, pagkalabas namin ay nadatnan namin si Mr. Garcia na naghahanda ng pagkain.
"Ang aga niyong nagising? Kamusta ang tulog niyo?" Tanong nito.
"Mauuna na po kami." Mabilis kong sagot kahit na hindi akma sa kaniyang tanong.
Hinatak ko na palabas ng villa si Charlotte, mabilis akong naglalakad dahil malayo layo itong lugar na ito sa amin. Kailangan naming makauwi kaagad.
"Teka lang, Christine. What's going on?" Si Mr. Garcia na hinila ang aking braso upang tumigil ako sa paglalakad.
Nanginginig ang labi ko maging mga kamay ko nang humarap ako sa kaniya. Hindi ako makapag salita, natatakot na ako. Gusto ko ng umiyak dahil naiisip ko palang si kuya, parang pinagmamalupitan na niya ako.
"Si kuya po kasi, sasaktan si ate kapag...-"
Tinakpan ko ang bibig ni Charlotte."Sinasaktan ka niya? Bakit?" Tanong niya.
Umiling ako at tinalikuran na siyang muli. Kailangan kong magmadali, baka hindi lang ako ang saktan ni kuya, baka pati si Charlotte ay gawan niya ng masama.
"Kuya tulungan niyo po kami." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko si Charlotte na umiyak.
Lalo akong nakaramdam ng takot."A-ako ang bahala sa'yo. Basta huwag kang papasok ng bahay kapag sumigaw na si kuya Christian ha?" Sabi ko.
"Christine." Tawag ni Mr. Garcia.
"Sasamahan kita."Umiling ako, hindi pwede. Kapag sinamahan niya ako, kapag pinagtanggol niya ako sa harapan ni kuya siguradong katapusan ko na at ng tungkol sa amin ni Mr. Garcia.
"Why? Tutulungan kita." Sabi niya at hinawakan ang aking balikat.
--
Tahimik lang ako sa sasakyan at nilalaro ang aking daliri. Iniisip ko kung paano ko ba magagawa 'yung binabalak namin ni Mr. Garcia. Iniisip ko na kung makakaya ko bang gawin 'yun.Pagdating sa kanto malapit sa amin, bumaba na kami sa kotse. Ni hindi man lang ako nakapag paalam kay Mr. Garcia dahil kabadong kabado ako.
Mabagal akong naglalakad, ayoko pang makarating sa bahay kung pwede nga lang na lumayo pa ng sobra ang lalakarin namin ni Charlotte papunta sa bahay.Nang nasa harapan na kami ng isang maliit na gate na kulay berde, doon rin nagsimula ang pagpintig ng puso ko ng sobrang bilis.
Hahawakan ko palang ang buklatan ng gate, kusa na itong bumukas. Bumungad sa aming harapan si kuya.Any moment, baka sumabog na ang ulo ko sa pressure na nararamdaman ko. Marahas niya akong hinila papasok ng bahay samantalang si Charlotte ay nawala sa aking kamay.
"A-ate." Nakatingin lamang ako sakaniya at umiiling.
Umiiling ako hudyat na huwag siyang papasok ng bahay, na mananatili lamang siya rito sa labas.Pagkasarado ng pinto, iyon din ang biglaang paghapdi ng aking pisngi.
Sinampal ako ni kuya, hindi ko na-control ang aking balanse at napaupo ako sa sahig."Saan ka galing?! Sino ang kasama mo?!" Sigaw niya sa akin.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak. Ayokong sabihin sa kaniya kung saan ko nanggaling dahil siguradong katapusan ko na.
Hindi ko rin pwedeng sabihin kung sino ang kasama ko, kung hindi..-hindi lang ako ang malalagot, pati na rin si Mr. Garcia."Sumagot ka!" Sigaw niya kasabay ng pagsakmal niya sa aking pisngi.
"W-wala, kuya. Lumabas lang kami ni Charlotte kaninang umaga." Pagdadahilan ko kasabay ng agos ng aking sandamakmak na luha.
"Ako pa gagawin mong tanga." Pwersahan niya akong itinayo at nang pagpasok namin sa isang kwarto, saka na niya ako ibinalibag sa kama.
"Magsalita ka na, sabihin mo kung sinong kasama niyo at saan ka galing!"
Nanginginig ako at yakap yakap ang aking sarili. Pinapanalangin na sana mawala na si kuya sa buhay namin.
Ilang sandali lamang ay umupo siya sa aking tabi. Tila ba pinapakalma niya ang kaniyang sarili. Naramdaman ko ang marahan niyang pagyakap sa akin, sa ginagawa niya'y lalo akong natatakot.
"Pasensya ka na alam mo na kung bakit ako nagkakaganito." Sabi niya habang hinahaplos haplos ang aking likuran.
"Huwag ka na kasing magmatigas sa akin. Huwag ka ring magsinungaling dahil may nakapagsabi sa akin na sumakay si Charlotte sa isang kotse at sigurado akong alam mo iyon."
Ayokong magsalita, ayokong ibuka ang aking bibig baka may masabi akong mali at magiging dahilan iyon ng pagkagalit lalo ni kuya.
"Haay, hayaan mo konting ipon nalang mailalayo ko na kayo rito ni Charlotte at magpapakasal tayo."
Naalarma ako sa aking narinig.
"M-magpapakasal?" Mautal utal kong sabi."Oo, hindi ba't napakasaya nun? Pinapangako ko sa'yo na magiging masaya tayo."
Natulala ako, feeling ko e mauubusan na ako ng hininga any time. Baliw na si kuya, wala na siya sa katinuan. Kailangan ko ng kumapit kay Mr. Garcia at ituloy ang plano niya.
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...