Christine's POV
Nang makalayo layo na ako kay Mr. Garcia, doon ko binagalan ang aking paglalakad.
Hinawakan ko ang aking dibdib, para akong tinutusok ng karayom. Nasasaktan ako.Mabibigat na hininga ang aking inilalabas, ayokong umiyak. Walang dahilan para umiyak, walang kami, wala kaming lebel kaya wala akong karapatang umiyak.
--Sa aking paglalakad nakita ko na rin sawakas si Charlotte, kasama si Jessica, naglalaro ng buhangin.
"Ate, gumawa kami ng castle." Sabi ni Charlotte at ipinakita ang ginawa nila ni Jessica.
"Ate Tin, tabi tabi tayong matulog mamaya nina Charlotte ha?" Suhestiyon ni Jessica.
"Oo naman, sige." Sangayon ko.
"Yehey! Magtatabi tayo ate ganda!" Masayang sabi ni Charlotte.
"Nakakagulat naman 'yung ate ganda na tawag sa'yo Jessica ha." Si Qen na palapit sa amin.
"Nandito ka nanaman! Bully! Umalis ka nga dito!" Bulyaw ni Jessica kay Qen.
Tinawanan lamang ni Qen ang sinabi ni Jessica.
"Iwan mo muna 'yang kapatid mo kay Jessica, samahan mo akong mag ihaw." Aya nito na hindi ko naman tinaggihan.Baka mamaya isipin nina tita Jeng na feeling prinsesa ako at hindi marunong tumulong.
Kaya kaagad din akong sumunod kay Qen kung saan siya nag iihaw.Habang tinutusok ko 'yung ibang iihawin sa barbeque stick e nagsalita itong si Qen.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong nito.Napa angat ang akong tingin sa kaniya.
"Natatandaan, ikaw 'yung nakauntugan ko sa jeep at ikaw din 'yung nakasakay ko sa jeep, sa may harapan." Sagot ko at ibinaling ng muli ang akong tingin sa tinutusok ko."Iyon lang ba?" Tanong nutong muli.
"Anong ibig mong sabihin? Nagkita na ba tayo sa kung saan? Naging kaklase kita ng elementary o high school?"
Hinihintay ko siyang sumagot nang may pumuna sa aming dalawa.
"Tingnan mo nga naman, bagay pala kayong dalawa?" Si tita Jeng."Mama naman, baka mamaya mahiya at lumayo ang loob sa akin ni Christine." Sabi naman ni Qen.
"Hay nako, Maquenrie. Ayusin mo nalang 'yang pag iihaw mo diyan at baka masunog 'yang mga 'yan. Maturn off pa sa'yo si Tin, 'di ba Tin?" Mapanuksong saad ni tita Jeng.
Hindi ko alam ang aking isasagot kaya naman nginitian ko na lamang ito.
"Nasaan ba si Jayjay? Hindi ba't pinatawag ko siya sa'yo, Tin?"
Naalala ko bigla kung anong nakita ko kanina. Naramdaman ko nanaman ang hapdi sa puso ko.
"Andito na ako, why are you looking for me?" Nang marinig ko ang boses niya ay nagsimulang mag init ang aking mukha.
Nahihiya talaga akong humarap sa kaniya.Binilisan ko ang pagtusok sa mga iihawin nang hindi ko sinasadyang matusok ang sarili kong daliri.
"Aww." Daing ko at kaagad na binitawan 'yung barbeque stick. Haaays! Pabibo ka kasi, Christine. Napaka pabibo.
From my peripheral vision, nakita ko na nag unahan sina Mr. Garcia at Qen sa paglapit sa akin. Ngunit naunang nakalapit sa akin si Qen.
"Are you ok?" Tanong nito kaagad sa akin at tinapalan ng panyo ang aking daliri.
"Ok lang ako, hindi naman ganoon kasakit. Malayo ito sa bituka, sige na mag ihaw ka na doon." Sabi ko at tinapunan ng tingin si Mr. Garcia na nakatitig sa akin.
"Ikaw, Maquenrie ha. Ang swabe mo kumilos ngayon." Tukso ni tita Jeng.
Bago pa kami tuluyang tuksuhin ni Tita at bago pa ako tuluyang lapitan ni Mr. Garcia e tumayo na ako.
Kailangan kong hugasan itong daliri ko dahil nasugatan rin ako kahit konti.Nasa harapan ako ng gripo at hinuhugasan ang aking kamay nang biglang may humawak sa aking bewang.
Mabilis ko itong tinulak, si Mr. Garcia pala."A-anong ginagawa mo?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kaniya.
"I just want to explain myself to you. 'yung nakita mo kanina, wala lang 'yun." Sabi nito at akmang hahawakan ang aking kamay ngunit maagap ko itong iniwasan.
"Ok lang. You don't need to explain yourself." Sabi ko at akmang tatalikuran na siya nang magsalita ito.
"Iiwasan mo na ako? Hindi mo man lang ako pakikinggan kung anong dahilan kung bakit nandito si Jenny? Kung ano ba ang dahilan kung bakit mo kami nakitang naghahalikan kanina? Kung anong dahilan kung bakit hindi kita ginugulo ng ilang araw?"
Pinipilit kong huwag mainis at maglabas ng kung ano-anong salita againts him. Nandito kami para maging masaya, hindi para pag-usapan ang kalandian niya.
"May ibang time para marinig ko 'yang mga 'yan. Sa ngayon, mas importante ang araw nina tita Jeng huwag mong sirain sa mga kadramahan mo. May ibang araw para diyan." Madiin kong sabi.
"Ako? Hindi ba ako importante? Hindi ba importante na pag-usapan ang tungkol sa atin?"
Umiling ako. "Hindi." Sagot ko saka na siya nilagpasan.
Mas mabuti nalang siguro na iwasan ko na siya for good. Pero paano ko siya iiwasan kung kasama ko siya ngayon sa iisang resort at mamaya sa iisang villa.
Hay, bahala na. Lalo lamang akong masasaktan kapag pinilit ko na sumiksik sa kaniya.Pagbalik ko kung saan kami nag iihaw, e nandoon na sina Jessica, Charlotte na naka kandong kay sir Val at si Jenny.
"Masyado kang feeling, hindi ka naman girl friend ng kuya ko bakit ka nandito?" Dinig ko na sabi ni Jessica.
"Jessica, your manners." Suway ni Qen.
"Ate ganda, huwag mo awayin si ate Jenny. Kaibigan siya ni ate ko." Sabat naman ni Charlotte.
Tinabihan ko si Jenny na halatang banas na banas na kay Jessica.
"Bakit ka pa kasi sinama ni kuya." Sabi ni Jessica saka pa padabog na nag walk out."Pagpasensyahan mo nalang ang batang 'yun, medyo spoiled. Kasalanan ko. Hehe." Sabi ni tita Jeng at sinundan si Jessica.
"Ate, 'di ba bad 'yun? Bad 'yung mang away ng tao na hindi ka naman inaaway?" Sabi ni Charlotte na nakatingin sa akin.
Sasagot na sana ako nang unahan ako ni sir Val.
"Tama ka, bulinggit. Kaya ikaw, huwag mong gagayahin si ate Jessica ha?" Kasabay ng paghaplos niya sa mahabang buhok ni Charlotte."Opo! --kuya barbeque, tutulong ako." Sabi ng aking kapatid at lumapit kay Qen.
Tuwang tuwa naman sina sir Val at Qen sa tawag niya sa kanila. Samantalang ako e tinabihan ko sa pag upo si Jenny.
"Mabuti nalang nandito ka at hindi ako mao-op." Sabi ko sa kaniya.
"Hindi naman kasi talaga ako sinasama ni Jason e." Nagulat ako sa kaniyang sinabi.
Ganun na ba sila ka-close para tawagin niya itong Jason lamang?"Hayaan mo na, nandito ka narin naman na. Mabuti pa tulungan mo ako sa mga 'to." Sabi ko at tumayo upang ipagpatuloy ang kaninang ginagawa ko.
Buong araw namang naging masaya ang araw namin. Buti nalang at hindi na nabad trip pang muli si Jessica kay Jenny.
Gabi na at naisipan ng pumasok sa villa ni tita Jeng. Inaantok na daw kasi ito.
"Ate antok na rin ako." Sabi ni Charlotte at saka na humikab."Sige, mauuna na kami sa loob." Paalam ko ngunit pinigilan ako ni Qen.
"Ma! Ma!" Tawag nito kaya napabalik ng wala sa oras si Tita Jeng.
"Isama mo na si Charlotte sa loob nang maiwan muna rito si Christine." Sabi nito.
"Nako, huwag na aabalahin mo pa ang mama mo. Kung alam mo lang kung gaano kahirap patulugin si Charlotte. Sige na, maiwan ko na kayo diyan." Sabi ko saka na tumayo sa upuan.
"Ano ba 'yan ate, isang gabi lang tayo nandito 'di mo pa sulitin. Sige na tita Jeng sama mo na si Charlotte. Mahilig ka sa mga bata 'di ba." Sabat naman ni Jessica.
Kaya kahit na nahihiya ako kay tita Jeng e napabalik ako sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...