Kabanata 49

945 21 2
                                    


Hinatak ko ang kamay ni Charlotte papasok ng bahay.
"Charlotte, may nakita ka ba?"
Tanong ko kaagad pag-apak namin sa sala.

Tango naman ang isinagot nito sa akin. Napapikit ako ng mariin.

"A-anong nakita mo?" Tanong ko.

Nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi at umiwas pa ito ng tingin sa akin.

"A-ano po... a-ano... nag chu-chup chup kayo ni kuya donut." Mahina at pumipiyok pa ang boses nito.

Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha.

"Sa susunod, mag kiss na kayo bago umalis." Natatawa namang sabi ng isang lalaking palabas ng maliit naming kusina.

Napatayo ako.
"S-sir Val..."

"Wala ng iba." Sabi nito at tinanggal ang apron na nakasabit sa kaniyang leeg.

"Ate o, sabi ni kuya fried chicken 'kiss' daw. 'Di ba, bad word 'yun?" Sabi naman ni Charlotte.

Kinagat ko ang ibaba ng aking labi sa sobrang hiya.
Ilang taon na ako at ngayon pa lamang nakakaranas ng ganito, kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"I stayed with Charlotte, hindi naman ako nahirapang bantayan siya dahil agad itong sumusunod sa utos ko." Pag-iiba ni Sir Val.

"Buti na lang at walang pasok ngayon kaya hindi medyo hassle."

"Maraming salamat po, sir. Alam kong malaking abala ito sa inyo, kaya pasensya na rin." Hinging pahumanhin ko.

Jason's POV

Pagkahatid ko kay Tin, ay mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan patungo sa tinutuluyan ni Mia.
Ni hindi ako gumamit ng doorbell upang pagbuksan niya ako ng pinto.
Kinabog ko ng malakas ang pintuan nito.

Galit na galit niya akong pinagbuksan ng pinto, ngunit nang makita niyang ako ang pinagdadabugan niya e tumiklop ito.

"Ikaw pala." Sabi nito sa akin at maagap na hinawakan ang aking braso.
"Pasok ka."

Pagkaupo na pagkaupo namin sa kaniyang sofa e diniretso ko na siya.

"Hindi ako magtatagal."

Nag iba naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Tungkol ba kay Christine ang ipinunta mo rito? Kung oo, pasensya ka na wala ka ng magagawa doon. Huwag kang mag alala, hindi ka naman kasama doon sa video e." Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Ibigay mo ang cell phone mo sa akin at buburahin ko 'yun." Mahinahon kong sabi.

"Bakit ko naman gagawin 'yun? ...--ah, there's only one way."

Lumapit siya sa akin at hinagkan niya ang aking dibdib.

"I'm still virgin, if you'll take me into that room... gagawin ko ang gusto mo. Angkinin mo ako."

I smirked, walang atubili ko siyang binuhat papunta sa kaniyang kwarto.
Marahan ko siyang inilapag sa kama, sa itsura niya ngayon... mukhang gulat na gulat ito sa aking kinikilos.

"Gawin mo ang gusto mong gawin sa akin. I'm all yours." Sabi nito at hinapit ang aking leeg.

Nakatitig lamang ako sa kaniyang leeg, at saka hinaplos ang kaniyang pingi. Maingat kong ibinabakas ang bawat haplos ko sa kaniyang balat. Nang tumapat na ang aking palad sa kaniyang leeg, saka ko ito sinakmal na parang isang hayop na nahuli sa kakahuyan.

"Aaaaccckkkk!"

Dinidiin ko siya sa kaniyang hinihigaan, galit ako sa kaniya, I managed to look ok sa harap ni Christine. Pero, sa babaeng ito... hindi.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon