"Ate, tapos na po akong maglaba sa mga damit ko. Tadaaaah!" Masiglang saad ni Charlotte.
"Ang galing galing mo naman, pwede ka ng mag-asawa." Natatawa ko naman sagot sa kaniya.
Bigla siyang ngumuso at umiling. "Ayaw ko pa po! 'Di pa po ako nag-aaral eh."
Natuwa naman ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito kalawak mag isip ng batang 'to. Namamangha ako bilang ate niya.
"Ate..." malambing na tawag sa akin ni Charlotte.
"Hmm?"
"Ang init po kasi, parang gusto ko na po ng ice candy." Malambing parin ang tono ng kaniyang pagsasalita.
Tumayo ako saglit at dumukot ng otso pesos sa bulsa ko saka ko na ito iniabot sa kaniya.
"Ayan, tinitingnan mo 'yung mga sasakyan sa daan bago ka tumawid." Bilin ko.
"Opo ate!"
Pinagpatuloy ko na ang paglalaba, pagbalik naman ni Charlotte may kasama na ito. Napatayo ako sa hindi inaasahang bisita.
"S-sir, bakit nandito po kayo?" Tanong ko habang pinupunasan ang aking mga kamay sa aking t-shirt.
"May gusto lang akong sabihin." Sagot niya.
Pinapasok ko naman siya sa bahay, labahan kasi namin malapit sa gate ng bahay.
"Charlotte, bili ka ng softdrinks doon saka tinapay." Utos ko sa nakababata kong kapatid saka siya inabutan ng pera.
"Opo ate."
"'yung mga sasakyan ha? Mag ingat ka dyan." Habol na habilin ko.
Umupo naman ako sa harapan ni Mr. Garcia, hindi ako makakibo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko...--teka, bakit pala ako ang magsisimulang magsalita? -___-
"Uh..."
Napa angat naman ako ng tingin nang maiusal niya iyong 'uh' na 'yun.
"Gusto ko lang sabihin na, tungkol sa...--"
"Naku sir, hindi naman po ako madaldal. Hinding hindi ko po ipagsasabi iyon. Promise!" Putol ko sa kaniya.
"Anong hindi mo ipagsasabi?" Napatayo ako nang lumabas si kuya mula sa kusina.
"Kuya..."
"Sino 'yan?"
Tumayo na rin si Mr. Garcia.
"Jason Garcia, I am her professor." Pakilala nito saka niya kinamayan si kuya."Bakit ka nandito?"
"We've discussed about her grades niya sa school." -Mr. Garcia.
"Tapos na kayong mag-usap? Wala ka ng idadagdag? Kung wala na, umuwi ka na." - kuya.
"Kuya..." suway ko rito.
"We're done."
"Sige na, umuwi ka na."
"Okay, bye Christine." Paalam ni Mr. Garcia saka na lumabas ng bahay.
Nakasalubong pa nito si Charlotte na may dalang softdrinks at tinapay.
"Kuya, 'yung merienda niyo po." Sabi nito.
"Sige, you can have it." Sabi naman si Mr. Garcia saka pa pinat ang ulo nito.
Napabuga naman ako ng marahas na hininga.
"Kuya naman, bakit ganun ka sa tao? Wala naman siyang ginagawang masama ha.""Hindi mo ako masisisi kung gusto lang kitang protektahan sa lalakeng 'yun. Baka mamaya, may balak na palang kakaiba 'yun sa'yo."
"Alam mo, kuya? Ikaw lang ang nag-iisip niyan." Sabi ko saka na binalikan ang nilalabhan ko.
Pagkatapos ko sa labahin at nang maisampay ko na ang mga ito, naisipan kong itext si Mr. Garcia.
To: Mr. Jason Garcia
'Hi sir...'
"Teka, masyado naman akong feeling close." Sabi ko sa sarili ko saka ko binura ang una kong tinype.
Heto na talaga.'Magandang hapon po sir, gusto ko lang sanang humingi ng dispensa sa inasal ng kuya ko kanina.'
Pinindot ko na ang send button at bigla namang lumitaw ulit sa screen 'yung "Message sending failed"
"Haaays, bakit ba lagi kong nalilimutan na wala akong load!" Sabi ko sa sarili ko saka na nilapag ang aking cell phone sa ibabaw ng washing machine.
Dumaan ang aming hapunan, uminom ako ulito doon sa pills na ibinigay ni Mr. Garcia.
"Ano 'yan?" Nagulat ako kaya nailuwa ko 'yung gamot na may kasamang tubig.
Kaagad ko namang binulsa ang maliit na plastik na bote kung saan naroon ang mga gamot na iniinom ko.
"Vitamins nga kuya." Sabi ko saka na kumuha ng basahan pang punas sa tubig na nailuwa ko.
Lumapit ito sa akin at pilit na kinakapkap ang bote sa aking bulsa.
"Ano ba kuya!"
Pilit din akong umiiwas sa kaniya. But I failed, nakuha niya iyon mula sa aking bulsa.
"Ano 'to? Contraceptive pills? Bakit? Para saan?"
Binawi ko naman ito mula sa kaniya.
"Ayokong magbuntis kuya. Kailangan ko munang makatapos.""Ganun ba? Pasensya ka na, alam mo naman kung gaano ako katakot na mawala ka sa akin."
Napa "tss" naman ako sa sinabi niya kasama ng isang ngiting nakakaloko.
"Anong palagay mo sa akin kuya? Lulunurin ko sarili ko sa mga gamot na 'to hanggang sa mamatay? Hindi ko iiwan si Charlotte sa'yo."Huminga ng malalim si kuya sa akin saka ako niyakap.
"Tama 'yan, mabubuhay ka habang buhay na kasama ako at ni Charlotte."Agaran ko naman itong kinalas. Umiling ako saka siya iniwas doon sa kusina.
"Ate! Nood tayong t.v." aya ni Charlotte sa akin nang makalabas ako mula sa kusina.
Nakangiti ko naman itong linapitan at saka binuksan ang telebisyon.
Tumabi ako sa kaniya sa upuan.
Pambata ang palabas kaya naman naisipan kong kalikutin na lamang ang aking cell phone.Pagkabukas ng messenger account ko ay tumambad ang mensahe ng aking kaibigan na si Jenny at ni Mr. Garcia...
Bigla akong nakaramdan ng excitement. Ano ba 'yan!
Jason Garcia
Active now'Ang gusto ko lang namang sabihin sa'yo kanina e huwag mo sanang ipagsabi na binigyan kita ng consideration sa grades mo.'
"Ano ba 'yan, anong sasabihin ko neto?" Sabi ko sa sarili ko habang kagat kagat ang aking daliri.
"Ano pong sasabihin niyo, ate?" Tanong naman ni Charlotte.
"Ah wala, wala. Sige nood ka lang."
Napapikit naman ako ng mariin. Nagsimula na akong magtype ng sasabihin saka na ikinilick ang send button.
'Pasensya na po sir, hehehe. Medyo paranoid lang itong estudyante niyo.'
Wala pang dalawang minuto e nakatanggap na ako ng panibagong mensahe mula sa kaniya.
'Ewan ko sa'yo hindi mo muna kasi ako patapusin e.'
Nagtuloy tuloy na kaming mag-usap hanggang sa kung ano-ano nalang pinag-uusapan namin.
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...