"Hindi ka ba talaga madaldal?" Tanong sa akin ni Qen.
Kanina pa kasi sila kwento ng kwento tungkol sa kabataan nila. Samantalang ako e tahimik lang.
"Ano naman ang sasabihin ko?" Tanong ko.
"Mahiyain lang talaga 'yang si Tintin." Singit ni Jenny.
"Ganun ba? Hindi mo naitatanong, gusto ko sa babae ang mahiyain." Sabi ni Qen sabay ngiti sa aking harapan.
Napa "ay" nalamang ako sa kaniyang sinabi. Nahihiya lang akong kumilos ngayon dahil kahit hindi ko tingnan si Mr. Garcia e kanina pa siya nakatitig sa akin.
"Nandiyan ba 'yung binigay kong pepper spray sa'yo, Christine? Ihanda mo na at baka magamit mo sa pagmumukha ni Qen." Biro ni Sir Val na ikinatuwa naman namin.
Ilang sandali lamang ay marahas na ibinaba ni Mr. Garcia sa mesa 'yung beer na iniinom niya.
"Oras na, pumasok na tayo at magsitulog na." Sabi nito at tumayo sa kaniyang kinauupuan."Sige mauna ka na, Jay. Nagkakasiyahan pa kami dito e." Sabi ni Qen.
Ngunit bumalik rin sa pagkaka upo si Mr. Garcia. Samantalang ang katabi niya na si Jenny e panay ang sandal nito sa kaniya.
"Huwag ka ngang kj." Mahina pero saktong dinig ko na sabi ni Jenny.
"Ang boring, ang boring. Laro tayo dali." Sabi ni Jessica at inilagay sa gitnang lamesa 'yung bote na walang laman.
"Hay nako, Jessica." Sabi ni Qen at inalis 'yung bote.
"Napaka old fashion mo talaga, enough with the spin the bottle. Iba naman, ganito." Dagdag niya at umayos nga upo."Isa sa atin ang magbibigay ng category. For example ako mauuna, brand ng cell phone. Samsung! --and then 'yung kasunod ko which is si Christine e sasagot. Sige go." - Qen
"Uhm, Nokia?" Sagot ko.
"iPhone!" - Val
"Kung may iPhone, may myPhone! Mahalin ang sariling atin." Si Jessica.
"Oppo!" - Jenny
"Tss, that's boring." Sabi naman ni sir Jason at umirap pa.
"Sumagot ka kung ayaw mong ma-dare." - Qen.
"Fine, Vivo." Isang irap nanaman ang pinakawalan niya.
"It's my turn again! Cherry mobile." - Qen.
"Uhm, ano pa bang wala?" Matagal bago ako nakasagot nang bigla silang mag countdown.
"5...4...3...2..."
"Teka! Teka lang, time first!" Sigaw ko tuloy.
"2 and a half. 1, 1 and a half..."
"Ay ewan ko sa inyo, sige na suko na ako. Ano ng dare?" Sana naman katanggap tanggap ang hamon nila sa akin 'no.
"Heto, ikanta mo ito." Sabi ni Jessica at tumayo.
Humarap siya sa videoke at pumindot ng mga numero.
Luhh, hindi pa naman ako marunomg kumanta. Basag ang boses ko.Nag flash sa screen 'yung 'Sundo'
Hindi ko alam kung bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin."Jessica." Sabi ni Qen na para bang winawarningan niya ito.
"Jessica, enough. Hindi ka naman uminom pero para kang lasing." Sabi ni sir Val at pinipigilan ibigay sa akin 'yung mic.
"What? Hetong kanta na ito ang gusto kong ikanta ni ate Tin." Pagmamatigas niya at pilit na iniaabot sa akin 'yung mic.
"Jessica." Suway muli ni Qen.
Biglang tumayo si sir Jason at binunot ang saksakan ng videoke.
"Enough with this shit, everyone let's sleep." Sabi nito saka na naglakad paalis ng kubo kung nasaan kami."Jason!" Si Jenny naman ay humabol pa kay Mr. Garcia.
"Jessica naman kasi, imbis na maayos tayong naglalaro binadtrip mo pa kuya mo." Sabi ni Qen.
"Malay ko bang hindi pa pala nakapag move on 'yun? Bahala na nga kayo diyan." Sabi ni Jessica at nag walk na rin.
Nanahimik kaming tatlo, wala ni isang kumikibo sa amin. Move on?
"Pumasok na kayo at ako na ang bahala dito." Sabi ko at sinimulang tingkupin lahat ng kalat sa mesa."Tutulong kami syempre." Sabi ni Qen at tumabi pa sa akin sa pag ayos ng mga kalat sa lamesa.
Kaagad din kaming natapos sa pagligpit. Papasok na kami sa villa nang tawagin ako pabalik ni Qen.
"Hayaan mo na ng mauna si Valentine. Dito muna tayo, inaantok ka na ba?" Tanong niya."Hindi pa naman." Sagot ko.
"Oh dito muna tayo, magkwentuhan tayo. Sa totoo lang nabitin ako sa araw na 'to. Puro bad trip mga tao." Natatawa niyang sabi.
"Baka may dalaw sila kaya ganun." Natatawa ko ding saad.
Ilang minuto rin kaming nagtatawanan nang dahil sa mga corny naming jokes sa isa't isa.
"Kung hindi mo mamasamain, ano ba ang meron dun sa kanta at napaka big deal yata nun kay sir Jason?" Tanong ko.
"Lagi kasing kinakanta 'yun nung namatay niyang asawa."
Ano raw? Asawa? Namatay?
"M-may naging asawa na siya?" Tanong kong muli.Tumango naman ito. "Oo, hindi mo alam? Akala ko ay sobrang close ka na sa kanila. Marami ka pa palang hindi alam. Mahal na mahal niya kasi 'yun, si Joana. Ang kaso, maagang namatay."
Napatango tango na lamang ako. Hindi man lang niya naikwento sa akin 'yun. Sus, ano naman kung hindi? Wala namang rason para ikwento niya sa akin 'yun.
"Pero maiba ako, hindi mo ba talaga ako natatandaan?" Tanong niya.
Ilang segundo ko siyang tinitigan.
"Hindi talaga, saan ba tayo nagkita o nagkakilala?""Sa bar." Mabilis niyang sagot.
"Sa bar? Paanong..." bahagya akong natigilan.
Pumasok sa isip ko ang nangyari five years ago."Nevermind, matagal na 'yun siguradong hindi mo na ako natatandaan dahil lasing ka siguro noon."
Hindi kaya siya ang lalaking lumapastangan sa akin noon?
Pero bakit hindi ko randam na siya iyon?"Anyway, it's nice to meet you again." Sabi nito nang nakangiti, ginantihan ko naman siya ng isa ring ngiti.
"Alam mo ba, kinukwento ka sa akin ni mama at ni Jessica? Natutuwa ako kasi napapayag ka nila na sumama."
"Sino ba namang tao na hihindi sa kanila? Ang kukulit and they are very persistent." Sagot ko.
"Buti nalang may ganung talent sina mama, at least I'm getting to know you better." Sabi niya lumipat ng pwesto sa aking tabi.
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...