Kabanata 44

977 15 9
                                    

Hi! Before anything else, I want to announce na my new story is now out and on going!

Title: Mon Chéri

Also, completed na po ang "Alipin with Benefits"

--------------------

Kahapon, noong sinabi ni Sir Val na linawin ko kay Qen kung ano kami at kung ano ang tingin ko sa kaniya, pumayag ako na makipagkita sa kaniya kinabukasan nang mag-aya siyang lumabas.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"Ah, wala. Hindi naman ako magtatagal."

Ilang segundo siyang nahinto sa patingin ng mga pagkain sa menu.

"Bakit? I mean, may pupuntahan o lalakarin ka pa ba? Ahm, sasamahan kita."

Umiling ako.
"Ah, ano kasi..."

Hindi ko alam kung saan at paano ako mag uumpisa.
Hindi ko alam kung ano ang magandang paraan para hindi siya ma-offend sa mga sasabihin ko.

"Ang totoo niyan, a-ayoko talaga na nagkikita at lulumalabas tayo." Amin ko.
Totoo naman e.

"H-ha? Bakit? Ayaw mo naman na dumalaw ako sa bahay niyo."

"Ano, ahm... 'yung idea na manliligaw ka sa akin..." napailing na lamang ako, ayoko na magmukha kasi na nireject ko siya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko! Argh!

"Ok lang naman sa akin kung hindi mo ako gusto sa ngayon. Malay mo, kapag nakita mo na 'yung mga effort ko matutunan mo akong magustuhan."

I smiled awkwardly.
"Hindi kasi ganun 'yun. Mas gusto ko na maging magkaibigan na lang tayo, hindi ba't mas tatagal tayo ng gano...--"

"No!" Sigaw niya at hinampas pa ang lamesa.

Sa sobrang gulat ko, napakapit ako sa aking bag. Tama si sir Val. Iba siya.

Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin tungkol kay Qen.
"Ayokong umabot sa punto na ma-obsessed siya sa'yo."

Wala pa nga e parang mukha na siyang obsessed.

"Qen, makakahanap ka pa ng ibang babae. Please...--"

"I said NO! I only want you, ikaw lang ang gusto ko!" Muli niyang pinutol ang aking sasabihin.

Nakakahiya, nakatingin na ang mga tao sa amin.
Wala na akong ibang sinabi, kaagad akong tumayo at lumakad palabas ng restaurant na iyon.

"Christine!" Tawag niya bago pa ako makasakay ng jeep.
Hindi ko na siya nilingon pa.

Ano bang nangyayare sa buhay ko? Ang gulo gulo na mula noong dumating sa buhay ko ang mga lalaking 'to. Ang tanging may dulot lamang sa aking buhay at nakakatulong sa akin ay si sir Val. Haaay! Hindi ko naman hiniling na magkaroon ng kasintahan kaagad, at hindi ko hiningi na magsabay sila sa pagdating sa buhay ko.

Pagdating ko naman sa bahay, isang panggulo nanaman sa aking buhay ang nadatnan ko kasama ni Charlotte.
Si Mr. Jason Garcia.

"Ate, binili ako ng ganito..--"

Hinablot ko 'yung isang box ng donuts na hawak ni Charlotte.

"Umalis ka na at idala mo na lamang ito kay Jessica." Sabi ko at inabot sa kaniya iyon.

"Ate sa akin 'yan e!" Si Charlotte na malapit ng umiyak.

"Pumasok ka sa kwarto." Utos ko.
"Ngayon na, Charlotte." Matigas kong sabi na sinunod naman niya.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon