Malapit ng mag ala sais pero hindi pa kami tapos sa chinecheck namin.
Hindi kasi pumayag si Jessica na tumulong kaya kaming dalawa lamang ni Jason ang naiwan sa faculty room.Hindi rin kami nag-iimikan, wala sino man sa amin ang nagsasalita habang tinatama ang mga test papers na nakatambad sa aming harapan.
Nakakangawit, ang sakit na ng ulo ko.
I stretched my arms and yawn. Binitawan ko ang ballpen na hawak ko at hinilot ang aking sentido.Ilang sandali lamang ay hinawakan ni Jason ang gilid ng aking ulo at hinilot niya ito.
"S-sir, ok na po." Sabi ko pilit na inaalis ang kaniyang kamay.
"It's ok." Pagpupumilit niya at pumwesto pa sa aking likuran.
"Hindi niyo na po kailangang gawin 'yan. Ok na po ako."
Huminga siya ng malalim at hinila 'yung swivel chair na inuupuan niya sa aking likuran.
Hindi ko naman inaasahan ang kaniyang yakap mula sa aking likod.
Nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi makapagsalita.
Pinapahirapan niya akong mag adjust >__<"Gusto kong marinig mula sa'yo ang isang dahilan kung bakit hindi tayo pwede. Exclude the teacher-student relationship." Malumanay niyang sabi.
Amoy na amoy ko ang kaniyang hininga, kinikilabutan ako dahil sa kiliting hangin na nagmumula sa kaniyang bibig.
Marahan niya akong pinihit at iniharap sa kaniya, samantalang ako ay nanatiling nakatungo lamang.
"Tell me, hindi mo ba ako gusto? I'll do everything for you just to like me or love as well. Sabihin mo." Sabi niya then he caressed my cheeks.
Tiningnan ko lamang siya, hindi ko pa kayang i-open sa kaniya ang tungkol kay kuya. Natatakot ako na bigla niya akong iwasan at ipagkalat ang sikreto ko.
"Wala namang ibang dahilan diba?"
Hindi ako makasagot o kahit makatango lamang.
Ayokong um-oo, ayoko munang magdesisyon, ayoko na munang magtiwala.Lumapit ang kaniyang mukha againts me, pinagdikit niya ang aming noo.
"Wala, diba?" Then he claim my mouth.Hindi na ako nakapalag pa nang lalo niyang ipinaglapit ang aming katawan, tanging nagbibigay lamang ng distansya sa amin ay ang aking kamay na nakalapat sa kaniyang dibdib.
Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya bahagya ko siyang itinulak. Naramdaman ko ang dahan-dahan kong pag-angat, dahilan upang kapitan ko si Jason sa kaniyang leeg.
Pinagpatuloy niya ang aming halikan hanggang sa ilapag niya ako sa maliit na kama ng clinic. May pintuan kasi na pumapagitan sa school clinic at faculty room.
"S-sir, teka lang po." Pigil ko at bahagyang pinaglayo ang aming mukha.
Tumitig siya sa akin at hinintay ang aking sasabihin.
Bumaba ako sa kama at umiling."Hindi po talaga tama ito." Sabi ko, kasabay noon ay ang paglabas ko sa silid na iyon at saka na kinuha ang aking bag upang lisanin na ang lugar kung nasaan kami.
Malapit na ako sa gate ng school nang may humigit sa akin.
Hindi na ako nagulat kung sino ito."I'm sorry, I will...-- I will never do that thing again."
Napayuko ako, samantalang siya ay bahagyang lumapit sa akin.
Hinawi niya ang aking buhok at inilagay ang iilang hibla nito sa likod ng aking tainga."Hindi naman kita pipilitin sa ganoong bagay. Rerespetuhin ko naman ang gusto mo e." He said then he cupped my face.
Inangat niya ito at nagtama ang aming mga mata.
"Hindi talaga pwede, k-kahit gustuhin ko man na mahalin kita... sa ngayon, hindi pa pwede."Pumikit siya ng mariin. "Why?" Tanong niya na naka pikit parin.
"Hindi ko pa kayang sabihin sa'yo ngayon ang dahilan ko. Mahirap iexplain, mahirap." Sagot ko.
"May boy friend ka na ba? Asawa? Ano?"
"Wala, wala."
Pagkatapos kong sumagot ay naging tahimik ang aming paligid.
Minamasdan niya ako at ganoon din ako sa kaniya.
Ilamg segundo pa and then he broke the ice."Maghihintay ako hanggang aa maging ready ka na, hanggang sa kaya mo ng i-open sa akin." Sabi nito at sumilay ang napaka tamis niyang ngiti.
Hindi ko alam kung bakit ako napatango.
"Talaga? Aasahan ko na magkaroon ako ng lugar diyan sa puso mo." Aniya at nasundan pa ito ng isang yakap.Nakaramdam ako na parang may mga matang nagmamasid sa amin. Inikot ko ang aking paningin.
"May problema ba?"
Patuloy ako sa pagsuri sa bawat sulok na pwedeng taguan. Bigla akong ginapang ng kaba.
"Feeling ko may nakatingin sa atin." Sagot ko.
Hinapit naman niya ako sa bewang at inilapit sa kaniya.
"Ang creepy nun ah. Baka may aswang na kinikilig sa atin." Pilyo niyang sagot."Loko ka." Sabi ko at bahagyang lumayo sa kaniya.
"Feeling mo lang 'yun, wala ng tao rito kundi ako at ikaw na lang." Sabi niya at hinawakan pa ang aking pisngi.
"Tara na ihahatid na kita."Tumango na lamang ako at sumunod sa kaniya patungo sa kotse.
Nakauwi na ako at sinalubong ako ng isang napaka higpit na yakap ni Charlotte.Maya-maya ay may kumatok sa pintuan.
Pinagbuksan naman iyon ni bunso."Oh, sir Val? Bakit po kayo naparito?" Tanong ko nang makapasok na kung sino ang hindi inaasahang bisita.
"Nagluto kasi ako ng adobo. Pero hindi 'yan manok ha. Adobong baboy iyan, masyadong naparami kaya naman ishe-share ko na lang sa inyo." Sabi niya saka inabot ang paper bag.
"Salamat po, saktong sakto wala pa kaming ulam. Hulog ka talaga ng langit, sir." Nakangiti akong nagpasalamat sa kaniya.
"Tamang tama pala ang timing ko e." Sabi naman niya.
"Thank you po, kuya Fried chicken! Kuya adobo na po ba ang bago kong tawag sa'yo?" Si charlotte naman itong masayang nagpasalamat sa kaniya.
Sabay kaming nagtawanan sa sinabi ni Charlotte.
"Kumain na po ba kayo?" Tanong ko."Ako? Hindi pa e. Hinatid ko muna sa inyo itong ulam." Sabi nito.
"Sige mauna na ako, kain ka ng madami bulinggit."Bago pa siya tuluyang umalis e pinigilan ko na ito.
"Sabayan mo na kami, sir. Hindi naman namin mauubos ito ng kaming dalawa lang kami ni Charlotte.""Ok sige. Hindi ako tatanggi." Sabi nito saka na pumwesto sa hapagkainan kasabay ni Charlotte.
Natutuwa ako dahil masaya ang kapatid ko. Naalala ko bigla ang mga banta sa akin ng kuya. Sa oras na malaman niyang may kinikita akong iba o nainvolve ako sa isang lalaki ay ilalayo niya sa akin si Charlotte.
Mukhang hindi ko mapaninindigan ang pangako ko kay Mr. Garcia hanggat nasa puder ako ng kuya.
Hanggat hawak ako sa leeg ng kuya, limitado ang mga galaw at desisyon ko."Salamat po ng marami, kuya Fried chicken!" Pasasalamat muli ni Charlotte kay sir Val bago pa ito umalis ng bahay.
"Basta ikaw bulinggit."
Pagkatapos naming maghilamos, deretso higa na kami. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak nang titigan ko si Charlotte habang natutulog.
Kinuha ko ang aking cell phone sa bag at kaagad na dumalaw sa message thread namin ni Mr. Garcia.
Tutal, wala naman akong load kaya malabong mabasa niya itong message ko sa kaniya. Pampalubag loob lang.'Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan itong sasabihin ko sa'yo. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin sa'yo kung bakit hindi pa tayo pwede sa ngayon. Sa totoo lang, si kuya ang problema. Hindi niya magugustuhan kapag nalaman niyang may gusto ako sa iba, sa'yo. Kaya sana, maintindihan mo ako sa ngayon. Kung tayo talaga, edi tayo.' Sabi ko saka na pinindot ang send button.
Binitawan ko na ang cell phone ko saka na umayos ng higa. Nakatitig lamang ako sa kisame hanggang aa ma-imagine ko 'yung itsura ni Mr. Garcia.
Napapikit ako ng mariin at nagkumot hanggang sa matabunan ang aking mukha.
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...