Kabanata 52

993 25 2
                                    

"Ibalik mo na ako sa kaniya. Parang awa mo na, kailangan ako ni Charlotte." paulit ulit at wala itong tigil sa pag iyak.

Kaagad kong kinabig ang manibela at bumalik sa bahay nila.
Kahit na kabado ako at hindi ko alam kung anong susunod na gagawin, minabuti kong sumunod kay Christine papasok ng kanilang bahay.
Walang kahit na anong ingay kaming naririnig.

"Kuya! Charlotte!" sigaw nito.

Ilang sandali lamang ay may ale na pumasok rin sa loob.

"Ineng, hinahanap mo ba ang kuya mo?"

Kaagad naman siyang pinagtuonan ng pansin ni Christine.

"Umalis sila sakay ng isang kotse. Pero ang habilin niya sa akin ay magkita daw kayo sa lokasyon na ito." pag papatuloy niya at bago pa kami lisanin ng ale ay nay inabot ito na nakatuping papel.

Pagkatapos niyang basahin iyon ay kaagad niya akong tinapunan ng tingin at umupo sa hindi kalakihang sofa.
She's sweating so bad, then suddenly she cried.

Lumapit ako sa kaniya at inalam kung ano ang laman ng papel.

Magkita tayo bukas sa dati nating tinitirhan kung gusto mo pang makita si Charlotte. Maghihintay ako hanggang Alas Dyes ng umaga.

"Natatakot ako."

Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya. She cried and it breaks my heart.
I tried to protect her but I just made it worse.

"Sasamahan kita, kukunin natin si Charlotte. Don't worry." I hugged her as tight as I can.

"Natatakot ako na baka may gawin siyang masama kay Charlotte, natatakot ako na baka saktan siya ni kuya."

Sa gitna ng kaniyang pag iyak, may isang katanungang bumabagabag sa akin.
Dahil hanggang ngayon ay hindi ito maalis sa aking isipan.

Pinaglayo ko ang aming katawan and I cupped her face.

"Tama ba ang narinig ko kanina? Na anak mo si Charlotte?" malumanay kong tanong.

Nakatingin lamang siya sa akin at patuloy parin ang pagbuhos ng kaniyang luha.
Dahan-dahan itong tumango, hudyat na sinasagot niya ang aking katanungan.

"Kanino? Sino?"

Umiwas siya ng tingin at pinaghiwalay niya ang aking palad at ang kaniyang pisngi.

"Ang totoo niyan, h-hindi ko alam. Ang tanga tanga ko." nakatungo ito ngunit halata parin ang kaniyang paghikbi.

"Hindi mo alam? Bakit? Don't tell me, you've been...--"

"No. I wasn't raped." putol niya sa akin.

"The night before Christmas..." pagpapatuloy niya.
"Inaya ako ni Jenny sa isang bar, dahil birthday ko iyon. It was my 18th birthday, pinasubok sa akin lahat ni Jenny ang nandoon. Nalasing ako, may humila sa akin papasok sa isang kwarto, hindi ko na alam ang nangyari, nagising ako na may katabing lalaki. It's really odd for me not to remember that man's face. Wala akong alam na kahit anong palatandaan sa kaniya, at hindi ko inaasahang mabubuntis ako." litanya niya.

Napaka bilis ng pintig ng aking puso. Hindi ko mapigilan ang magtanong muli ng sunod-sunod.

"Noong umalis ka sa kwartong iyon, paano? I mean, hindi mo ba nakita kung sino ang humila sa'yo? Anong suot mo? Nagpabango ka ba?" I asked her as if I Am throwing her a different angle of shots.

"Hindi, hindi ko siya nakita."

I'm a bit disappointed, hindi ko alam kung bakit umaasa ako na hindi si Jenny ang babae na nakasama ko noon kung hindi si Christine.

Ang gulo ko rin dahil tanging amoy lamang ang naaalala ko, sa lagay na iyon ay maaring may kaparehong pabango si Jenny.
I only remember that night is, the moment I woke up, there is a girl who climb up on me.

Alam kong iba iyon sa nakasiping ko. Dahil kumpara sa pabango nito, ay mas mabagsik ang kaniya. Kumpara sa kilos, mas mapino itong kumilos kesa sa babaeng nasa harapan ko.

"Maliban na lamang sa babaeng gumising sa akin." dagdag niya.

Naging mas interesado ako sa idinagdag niya.
"I-ituloy mo."

"Mukha siyang bayaran, dahil ang sabi niya sa akin ay inagawan ko siya ng costumer. Madali akong umalis sa kwartong iyon, hindi na kasi komportable ang lagay ko noon dahil bigla na lamang siyang p-pumatong doon sa lalaki."

Nakaramdam ako ng init sa pisngi, lamig sa aking nga kamay at pabilis na ng pabilis ang kabog ng aking puso.

"Hindi si Jenny ang babaeng iyon. Ikaw iyon." wala sa sarili kong nausal.

I'm having a contrast feelings right now. As if I am going to pass out.

Alam kong naguluhan siya sa sinabi ko, pero handa akong ipaintidi sa kaniya kung anong tumatakbo sa isip ko.

"Nagkamali ako, hindi si Jenny ang kasama ko noong gabing iyon. Ikaw, Christine. At ako ang ama ni Charlotte."

Hindi siya nakasagot at nanatiling nakatitig sa akin. I know she's in a state of shock, pero ako heto, masaya at hindi maitago ang ngiti sa aking labi.

"H-ha?"

Kahit na nasa ganito kaming sitwasyon, hindi mapigilan ang sarili ko na maging masaya.
She's really the one for me.

"Kaya naniniwala ako na everything has a reason, kaya siguro in just a snap of that night I felt something strange in my heart. Kasi, you are the one that the universe brought to me."

With that words, I immediately hug her. Kahit na napaka corny ko na.

"Sa mga nabubunyag, unti-unti akong nagiging malakas para maprotektahan ka, kayo ni Charlotte. Gagawin ko ang lahat, makuha lang natin si Lotlot, huwag kang mag alala." sabi ko at sinundan ng paghalik ko sa kaniyang noo.

"Kung kailangang pumatay ako para sainyo gagawin ko. Just to keep you safe." sabi ko at sinimulan siyang tamnan ng mabibilis na halik sa pisngi.

Ngunit nang abutin ko na ang kaniyang labi ay marahan niya akong tinulak saka ito umiling.

"Huwag muna ngayon." mahina niyang sabi.
At hindi man lang ito makatingin sa akin sa mata.

"Naiintidihan ko." sabi ko muli siyang hinalikan sa noo.
"Mabuti pa't magpahinga ka na upang may lakas ka para bukas."

Inalalayan ko siya sa pagtayo at hinatid ko na rin siya sa kaniyang kwarto.
Samantalang ako e piniling mag stay sa sala.

Hindi ko mapigilan ang excitement ko sa pag balita tungkol sa amin ni Christine.
Kaagad kong tinawagan si Val hindi lang upang ibalita ang kasiyahan ko kundi hihingi rin ako ng tulong sa kaniya.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon